Chapter 47

1.1K 41 10
                                    

CHAPTER 47

THE GAY'S BILLIONAIRE

Kakalabas ko lang ng banyo at agad naman akong nakarinig ng boses na uwak. Aba! Mga timawa na to. Wala ba silang balak umalis?

"Ang tagal mo mamang! Isang oras ka sa banyo na iyern?!" umirap nalang ako at nakangusong umupo sa tabi ni lesbi.

"Baklush ah!" hirit naman ni Joann kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Gumanyan ka lang ngayon, mamaya yari ka!" sigaw ko sa kanya at tumingin kay lesbi.

Napangiti naman ako ng makitang nakapikit at naka cross-arm sa tapat ng dibdib nito. Hihihi ang ganda talaga niya kahit saang anggulo.

"Talaga namang.." tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Inlabo kana ba talaga bakla? Sure ka?" nanlalaking mata na tanong niya kaya agad akong napangiti ng malapad. "Shocks!" hindi makapaniwalang saad niya.

"I know this from that start" saad naman ni Keith na prenteng nakaupo at umiinom ng kape.

Napangiwi ako, tanghaling tapat nag kakape ang isang to.

"My god! Mamang! Otoko kana?!"

"Wag nga kayong OA!" napasigaw ako kaya napagalaw si lesbi.

"Hala! Jumbagin ka niyan!" gulat na saad naman ni Mike.

"H-ha?"

"Kapag nagigising mo yan at hindi kumpleto ang tulog, sasamain ka" saad ni Joann.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo. Tumango lang naman si Keith. Napabaling ako kay lesbi pero agad ding napaatras ng maabutan kong nakamulat na ito at diretsong nakatingin sa akin.

"A-ah e-eh, hehehe pasensiya na lesbi. Hindi ko naman sinasadya na mapasigaw kas—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng magsalita ito.

"Nandito kana pala" umayos siya ng upo at inayos ang buhok niyang nagulo sa pagtulog.

Nakatulog pala siya habang naghihintay sa akin. Tumingin siya sa tatlo na ngayon ay nakangangang tinitignan ang galaw niya. Huhuhu akala ko talaga masusuntok na ako.

"Tara na, kumain na tayo" tumayo na siya at naunang naglakad palabas ng pinto.

"Wtf"

"Ano nangyari dun?"

"Iba talaga pag nakatikim ng otoko si momshieee!"

Saad nang tatlo na sinusundan ng tingin si lesbi. Agad naman akong napatayo at humabol sa kanya. Hehehe makakasama ko nanaman siya. Napahinto ako sa paglalakad ng maabutan siyang kausap si H-herra? Anong ginagawa niya dito sa loob at pathway ng room namin?

Nakita kong tumango naman si lesbi at lumingon sa akin. Ngingiti na sana ako pero agad siya namulsa at tumalikod. Kunot-noo ko naman siyang sinundan ng tingin.

"Hi Demon!" napabaling ako sa harap ko ng mapagtantong malapit na si Herra sa akin.

Napaatras naman ako at tumikhim.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pinasadahan siya ng tingin.

Naka floral dress na white siya with white flat shoes. Napansin ko rin ang konting ayos ng mukha niya.

"A-ah ano kasi, p-pwede ba k-kitang yayaing l-lumabas" nahihiyang saad niya na hindi makatingin sa akin.

Napakunot naman ako ng noo at napakamot ng pisngi. Hanggang ngayon hindi pa rin ba niya narerealized na pamilyadong tao na ako? What I mean is, I have my son and lesbi that soon-to-be my wife.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon