Chapter 30

1.3K 55 6
                                    

CHAPTER 30

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Umpisa pa lang sa bahay hanggang dito sa fast food chain ay nararamdaman ko ang presensya ni bayot. Naguguluhan talaga ako sa mga inaasta niya simula pa kahapon. Kanina hindi din niya ako pinansin katulad ng ginawa niya kagabi. At parang hangin na daan-daanan niya lang tulad kanina sa bahay.

Para siyang tanga ngayon na sumisilip dito sa pwesto namin. I can see him base on my peripheral vision ko. At talagang nababasa niya ang dyaryong hawak niya na pabaliktad? Kung hindi ko lang kilala ito mapagkakamalan kung baliw.

"Kate"

Napatingin ako sa katabi ko. Nakangiti ito pero nakikita ko sa mata niya ang lungkot at pagsisisi. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Wow! Kate pa rin pala ang tawag mo kay Max!" biglang sabi ni Ann.

Napaiwas siya ng tingin at napayuko naman ako. At lihim na nagpakawala ng mapaklang ngiti. Kung alam lang niya ang ginawa ng lalaking ito sa akin. Baka hindi na siya makapagbiro at makatawa ng ganyan.

If you know all Ann, you will never say that again.

"Bakit ang tahimik mo?" napaangat ako ng tingin kay Vandross dahil sa tanong niya.

Ngumiti naman ako "Hindi ka pa ba sanay sa'kin?"

"Hahaha sanay na pero this time lalo kang tumahimik" ngumiti siya pagkatapos.

"Then sanayin mo na" nakangiting sabi ko at tatango-tango naman na natatawa ito.

Napapailing na ngumiti ako ng pilit sa kaharap. Sanayin mo dahil ito na ang binago at iniwan mo. Napatingin ako sa kaharap kung upuan dahil sa biglaang pagsipa ni Keith sa paa ko. Sumenyas siya gamit ang mata. Tumingin siya sa'kin at doon sa kabilang pwestong lamesa na nasa dulo.

Wala na si bayot.

Napatingin ako sa katabi ko na busy sa pakikipag asaran sa dalawa. Tumingin ulit ako kay Keith na nagtatanong kung nasaan siya.

He just mouthed restroom kaya napatango ako.

"Hey, restroom lang ako" paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita" nakangiting saad naman ni Vandross pero pinigilan ko na.

"Wag na, sandali lang naman ako" ngumiti ako kaya napatango na lang siya at nakipag-usap ulit kay Ann at Mike.

Tumayo na ako at naglakad papuntang restroom. Napangisi ako bigla dahil sa ginawa ni Keith. Naramdaman din siguro nito ang presensya ni bayot simula pa kanina kaya ganoon ang ginawa niya.

Huminto ako malapit sa restroom para doon hintayin si bayot. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko ng lumabas ito galing sa banyo. Nakakunot ang noo at may binubulong-bulong sa sarili. Dahil na rin sa malayo ay hindi ko ito naririnig. At dahil sa sobrang bagal niyang maglakad ay naglakad na ako papunta sa kanya.

"Ay kabayo!" nakahawak sa dibdib na bulalas niya.

Sineryoso ko ang mukha at nakapa-mulsang nakatayo sa harap niya.

"Bakit ka nandito?" seryosong tanong ko rito

Naging malikot naman ang mata nito, hindi alam ang sasabihin. Hinintay ko na lang na magsalita siya. Nag-iisip siguro ng palusot.

"Ah.. Ano kasi.. kasi.." tumikhim siya at tumingin sa akin "Kasi may meeting ako dito. Yes tama! May meeting ako dito. Kakatapos lang" palusot niya.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon