Chapter 49

1.1K 44 14
                                    

CHAPTER 49

THE GAY'S BILLIONAIRE

Mabilis kaming huminto sa isang liblib na lugar. Maraming puno at sirang mga gusali ang nakikita ko. Agad naman akong bumaba at sumunod si lesbi na makikita mong galit talaga ang mukha.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa aura niya. Inilibot ko ang mga mata sa lugar. Matinding kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

"Wag kang aalis dito, hindi naman na makakasunod ang mga iyon" tukoy niya sa humahabol sa amin na pulang kotse.

Agad naman akong napakapit sa braso niya na akmang aalis na siya. Kunot-noo niya akong nilingon.

"Sa-sasama a-ako" kinakabahang saad ko sa kanya.

Napahinga siya ng malalim at tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Humarap siya sa'kin at tinignan ng seryoso. Bumuntong-hininga naman ako.

"Hindi ka pwede sa loob bayot. Kaya dito ka—"

"Bakit kasi hindi ako pwede sumama? I'm alone here" hindi ko na siya pinatapos dahil sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"Basta. Dito kalang at hintayin m—"

"Lesbi naman!" inis na saad ko "Kaya nga ako sumama sayo para makasama tapos iiwan mo ko dito?!"

Inis niyang sinuklay ang buhok at matalim akong tiningnan kaya napalabi ako. Ayaw ko nga maiwan dito! Bakit ba niya lagi ako—

"Nasa loob ang pamilya ko at kailangan ko silang bawiin sa kamay ng demonyo" seryosong sabi niya na ikinatigil ko. "Hindi ka pwede sa loob dahil mapapahamak ka" tumingin siya sakin at bumuntong-hininga. "Kaya dito ka lang at hintayi—"

"Sasama ako" putol ko sa sasabihin niya.

"Bingi ka ba? Sinabi—"

"I want to help you!" sigaw ko na ikinatigil niya. "I want to save also your parents lesbi, nasa loob din ang anak ko!"

Bumuntong-hininga siya at umiwas ng tingin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya, gusto kong ipahatid sa kanya na seryoso at pursigido akong gawin ang sinabi ko kanina sa kanya.

Nakita ko siyang nakailang lunok at pumikit. Maya-maya pa ay bumuntong-hininga ito bago tumingin sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Talagang hindi mo naisipang magpalit kanina sa yate?" tanong niya pagkatapos niyang tignan ang kabuuan ko.

Napatingin tuloy ako sa sarili ko. At gusto kong batukan ang sarili ng makita ang suot ko. Naka pantulog pa pala ako, nawala na sa isip ko na ganito pala ang suot ko kanina at hindi na rin nakapag-bihis.

"Nawala sa isip ko" napakamot ako sa batok dahil sa kahihiyan.

"Nasaan ang binigay ko sayo?"

Kunot-noo ko naman siyang tinignan. Binigay? Anong bini—Ah! Kinuha ko sa likod  ng bewang ko ang baril na binigay niya. Mabuti at hindi ko nilagay sa bagahe ko, iniwan kasi namin sa yate yung mga gamit ko at ang iba din niyang gamit. May kukuha daw nun.

"Here" pinakita ko sa kanya. Tumango siya at humugot din ng isang baril.

"I know na kaya mo gamitin yan" napangiti ako dahil sa sinabi niya. Namomotivate akong gumamit lalo na kapag siya ang nagpapalakas ng loob ko. "Putukan lahat ng kalaban, at wag mo hahayaang matamaan ka." seryoso niya akong tinignan "naiintindihan mo?"

Tumango ako ng ilang beses at ngumiti ng bahagya. Tumango din siya at nagsimula na siyang maglakad. Ako naman ay nakasunod at palinga-linga sa paligid.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon