Chapter 4 - Breakfast for Two

339 18 0
                                    

Miss Andrea's POV

The first time I saw Angela, nagandahan na ako sa kanya. She has a long lighter color of hair, almond brown eyes, pointed nose and pinkish lips. The way she walk, girly talaga. Kahit sino kapag nakita sya, mapapatitig sa kanya. Di ko talaga alam kung bakit kapag nakikita ko siya, naiinis ako. Maybe because of the shape of her body. It's perfect! 

Huy! Ginagawa mo???  Wala!

Huy! Hindi ka pa nagpapakilala, Angela agad?!

Paki mo ba??! Tsk, pakialamera. 

Gusto mo na yata sya eh? Yieeee

Yuck! Hindi noh! Kahit nagagandahan ako sa kanya, never akong mahuhulog sa kanya.

Tingnan mo. Balang araw kakainin mo din yang sinabi mo. tsk tsk!

By the way, eto na nga. I'm Andrea Garcia, 23 years old. My parents own the famous hotel here in the Philippines. Kaya masasabi nyo na mayaman kami. Kung ayaw niyo maniwala, edi wag. Joke!

Nandito ako sa office at inaayos ko na ung gamit ko para umuwi. Palabas na sana ako nang biglang umulan. Ughh! Wala akong dalang payong. Sumugod na lang ako sa ulan papuntang waiting shed. Nakita ko sa peripheral vision ko ang isang babae. Sumulyap ako ng mabilis. Its Angela Rodriguez. Ang ganda nya talaga. Nagulat na lang ako ng ipatong nya sakin ung jacket nya.

Niyaya nya pa ako. Pero hindi ako sumang-ayon. Kinukulit nya pa ako, then bigla na lang nya akong hinila papunta sa kotseng dumating sa harap namin. Hindi ako kumibo sa buong byahe. 

Hanggang nakarating kami sa isang apartment. Pagpasok mo, makikita mo na kaagad ang kitchen. Maganda naman ang loob. If you turn right, there's a living room with a medium sized sofa. Maybe kasya ang apat na tao, wag lang hihiga. Then, may two rooms sa taas na magkatapat lang. 


Kakatapos lang namin kumain, sya na din nagprisintang maghuhugas ng pinagkainan namin. Kasalukuyan kaming nanonood ng movie, pero kahit comedy ung genre, hindi ako natatawa. Hindi ko alam kung hindi ko naiintindihan ung mga jokes or hindi lang talaga ako natatawa. Kaya humiga na lang muna ako sa sofa. 


May naramdaman akong mainit na hangin sa mukha ko. Nagulat na lang ako na magkalapit ung mukha namin. What is she trying to do??

"Rodriguez, what are you doing?". Halos pasigaw kong tanong sa kanya. Dali dali naman syang lumayo at tumayo ng maayos.

"Miss Andrea, gigisingin ko po sana kayo para sa kwarto matulog". Naramdaman kong nagstutter sya habang kausap ako. What's happening to you, Angela? Wow! Angela ang tawag. Kanina lang Rodriguez, tapos ngayon tinawag mo sya sa first name. Anong meron? Isa ka pa! Masama bang tawagin ko sya sa first name? Buti nga hindi ko sinabi eh.


I was about to close the door of the bedroom na tinuro nya sakin nang magsalita siya "Miss Andrea, if you need anything just knock at my door". This is the second time na gumawa sya ng maganda. Yung first time is that she gave her jacket to me para lang hindi ako ginawin. Hindi ko alam kung may ibig sabihin yung mga yun or ako lang yung nagiisip ng ganon.

Actually hindi ako sanay na makitulog sa iba kaya heto ako ngayon kaharap ko sya umiinom ng hot milk. Nagtitimpla naman ako ng kape. Walang nagkikibuan samin hanggang nagsalita na sya. Hindi siguro sanay na tahimik ang paligid. Tungkol lang naman sa pagpasok ko sa Summerville ang pinagusapan namin. Past 2 o'clock na kami natulog dahil wala namang pasok bukas. 

Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Tiningnan ko yung phone ko. It's still 7:30 in the morning. Aga pa ah. Kaya inayos ko muna yung pinaghigaan ko. Kakahiya naman kung sya pa magaayos nito. Pagkabukas ko ng pinto, nakaharap sya sa akin na parang hindi napuyat kagabi. 

Girls Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon