Chapter 8 - Lowkey Confession

164 8 2
                                    

Angela's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng pinto sa kabilang kwarto. I fell asleep on the couch. Hindi na ako nakauwi kagabi dahil sa antok ko. Nag text naman ako kila Mom and Dad pero ang sabi ko nagsleepover kami nila Sofia. Nag-inat lang ako bago ako tumayo. I went to the bathroom and sinilip ko na din siya sa kabilang kwarto.

Pagsilip ko, para kang wala sa bahay. Para kang nasa small gym. It has treadmill and weights. Hindi naman lahat ng nasa gym, meron dito. Then napunta sa kanya yung tingin ko. She's just wearing sports bra and leggings. Gosh! She's so hot and sexy.

"Good morning Ma'am! Can I join you?" Paalam ko sa kanya. She just nod and continued what she's doing. Samahan ko na din para may kasama siya. Tumingin lang siya sakin. Wala man lang good morning?

Nagpunta muna ako sa treadmill since nasa parang bike sya na hindi naalis sa pwesto.
Habang nagtthreadmill ako, sa kanya lang ako nakatingin. Then bigla siyang nag salita.

"Focus on what you're doing."

Napansin niya yata na sa kanya ako nakatingin. I just cant stop staring at her! Lagi siyang hinahanap ng mata ko sa tuwing magkalayo kami. As in. Kahit na nasa bahay ako, I'll just waste my time staring at her pictures sa Facebook.

After niya mag bike, kumuha naman siya ng dumbbell. Tapos tumigil naman ako dahil na pagod na ako. Mag-aayos na lang ako ng breakfast namin.

"What do you want to eat for breakfast, ma'am?" Tanong ko sa kanya. Baka kase hindi siya nagkakanin kapag umaga.

"Anything, except rice." Tama nga ako. Hindi siya kumakain ng rice. Kaya lumabas muna ako ng kwartong yon at nagpunta ako sa kitchen. May tinapay sa table. Tiningnan ko naman yung refrigerator kung anong pwedeng palaman. Parang walang mga spread. Buti na lang at may itlog at hotdog. Prito na lang ako. Buti na lang talaga marunong ako magluto. Nagustuhan niya kaya yung luto ko kagabi?

Bat hindi mo tanungin?

Oo nga noh. Bat hindi ko naisip yun. Thank you author ah.

Yan hindi nagiisip kase!

Pake mo ba. Porket crush mo lang yung babaeng yun eh, ginaganyan mo na ako.

Bahala ka na nga dyan. Lagay ko kaya na hindi kayo magkakatuluyan dahil she's mine!

Ayy grabe siya. Sorry na. Makapag luto na nga lang. Kakatapos ko lang magluto at nag hahain na ako nang marinig ko ang tunog ng yapak na papalapit sakin. Kaya napatigil ako at lumingon sa kanya. She's sweating!! Hindi muna ba siya magpapalit ng damit bago kumain?

"Rodriguez!" Kaya nawala yung tingin ko sa kanya.

"Hindi po ba muna kayo magpapalit ng damit? Baka matuyuan kayo ng pawis." Hindi ko na siya hinintay sumagot. I went to her room at kumuha ng damit na pampalit niya. Kumuha lang ako ng shirt at denim shorts. Okay lang naman siguro sa kanya 'to. Pwede namang maligo eh.

Paglabas ko ng room niya, she is already eating. Tingnan niyo nga to. Hindi naghihintay. Sabay dapat kami eh.

"Ma'am here are your clothes. You better change baka magkasakit pa kayo niyan." I said tsaka ko binigay yung damit na kinuha ko. Hindi man lang nagthank you. Tumayo na agad siya at pumunta sa bathroom malapit sa dining room.

Pagkalabas naman niya, inarapan niya pa ako. But, she looks so cute sa suot niya. Tama nga yung kinuha ko. Kaya bumalik na kami sa kinakain. Wala kaming kibuan. Tanging kutsara't tinidor na tumatama sa plato ang tumutunog.

"Ma'am, I have a question." Pagkuha ko ng atensyon niya. Hindi naman siya tumingin pero narinig ko siyang nag 'hmm'.

"Nagustuhan niyo po ba yung dinner natin kagabi?" Nahihiyang tanong ko. Kakahiya ng tanungin kaya yun.

Girls Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon