Chapter 33

4.6K 284 116
                                    

Lahat kami ng section Quinos ay naghahanda sa pagdating ni Zd dito sa room. Ang room namin ay puno ng pink flowers at white balloons. Sina John, Jose at Ralph ang nag decorate ng mga flowers. Habang sina Gary, Jayson at Edwin ang nagayos kung saan ilalagay ang mga lobo. Ang bahala naman sa pagaayos ng pagkain ay si Ian.

"Ganto ang gagawin mo ha" si Frank ang nagsasabi saken kung ano ang mga gagawin ko. Gaya ng napag-usapan kagabi ay sya ang tutulong saken sa panliligaw. "Pagkapasok nya ngitian mo sya tapos batiin mo ng good morning. Alalayan mo din sya hanggang sa makarating sya sa upuan niya tapos-"

"Hindi naman sya pilay eh bat aalalayan ko. May paa naman sya kaya nya maglakad mag-isa--ouch ano ba?!"

Daing ko ng batukan nya ako ng mahina. "Siraulo ka talaga. Syempre para sweet tingnan. Yan ang gusto ng mga babae, eh, yung sweet yung mga lalaki sa kanila" nakangiting sabi nito. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Yon na nga eh, gusto ng mga babae na sweet yung lalaki sa kanila pero ibahin mo si Zd hindi babae yon, kilos palang akala mo kung sinong siga sa kanto. Mas pipiliin pa nun yayain ko sya ng suntukan kesa sa maging sweet ako sa kanya" paliwanag ko. Iba naman kasi talaga si Zd sa ibang babae. Hindi sya yung tipo na babae na mahilig sa mga sweet na lalaki dahil babae gusto non hindi lalaki.


Sinamaan ako ng tingin ni Frank. "Ako na nga yung tumutulong sayo tapos magrereklamo kapa. Wag mo nalang kaya ligawan. Makipagsuntukan ka nalang sa kanya" natahimik naman ako sa sinabi nito.

Hindi na ako nagreklamo sa mga sinabi niya dahil sya ang may alam sa panliligaw.

Naghintay kami ng ilang oras ng biglang sumigaw si Ralph na naka-assign sa pagbabantay sa labas.

"Andiyan na si Zd!"


Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa sigaw ni Ralph. Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko dahil na rin siguro sa kaba. Namamawis na din ang noo ko. Mukhang napansin iyon ni Edwin na ngayon ay nasa tabi ko. May kinuha ito sa bulsa nya at saka pinunasan ang aking noo.


"Wag kang kabahan. Alalahanin mo ginagawa mo ito para mapasayo si Zd" saad nito at pinagpatuloy ang pagpunas sa noo ko ng panyo nya.



Napatingin naman ako kay Jayson ng hawakan nito ang kamay ko na ngayo'y nanginginig. "Tsk. Masyado kang pahalata na kinakabahan ka" umalis ito at saka pumunta sa upuan nya.


"Kaya mo yan King" pagpapalakas saken ni Jose


"Oo nga Kevin, kaya mo yan. Ikaw ang hari ng section Quinos diba? Kaya wag kang kabahan" ani naman ni John.

"Oo nga kaya mo yan! Isipin mo magsusuklay ka lang ng buhok ng kalbo" sinamaan ko ng tingin si Gary dahil sa sinabi nya.

Natatawang tinatapin naman ni Ralph ang likod ni Gary. "Oo nga HAHAHAHA. Matapang ang hari ng section Quinos pero taob pagdating kay Zd" napasimangot nalang ako sa mga pinagsasabi nila.

Bumalik na sila sa kanya kanya nilang upuan. Habang ako naman ay pumunta sa hamba ng pinto at hinintay si Zd na makapasok dito sa room.

"You can do it Kevin. Para kay Zd. You are a king, a king doesn't afraid of anything just to his queen"

Dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng matanaw ko si Zd sa hallway habang nag-i- skate board. And as usual ay nakasuot ito ng cap ngunit pabaliktad. Naka pulang oversize tshirt ito at saka black ripped jeans. And white rubber shoes.

Ang maiksi nyang buhok ay nililipad ng hangin na lalong nagustuhan ko sa kanya. She's so cool. I wonder how i like this boyish. Is she put some spell in my drinks or foods?

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon