Chapter 21

5.9K 400 50
                                    

Zd Pov

"Ya! Bilisan nyo magsisimula na!" sigaw ko magmo-movie marathon kasi kaming apat.

"Saglit lang ate" sigaw ni Marvin habang kumukuha ng pop corn at mga softdrinks.

"Oh heto masarap yan gawa ko" saad ni Mike at nilagay ang cupcakes sa glass na mesa.

Kumuha naman ako ng isa at kinain. Katabi ko ngayon si siopao na nakapantulog habang kumakain din ng cupcakes.

"Ate andito na ako" sabi ng kakarating lang na si Marvin habang bitbit ang mga pagkain.

Umupo sya sa katabi ni Siopao habang sa kaliwa ko naman ay si Mike.

3 palabas ang papanuorin namin.
Nagtalo pa kaming lahat nung una kasi ang gusto namin panuorin ni siopao ay Baby Boss samantalang sina Mike at Marvin naman ay Horror.

Una naming pinapanood ay ang Baby Boss grabe ang tawa namin habang nanonood. Ang cute din pakinggan ang tawa ni siopao para syang tiyanak joke lang syempre yun.

Ang kwarto na ito ay kagaya sa sinehan may malaking screen sa harap at madilim din ang paligid tanging yung liwanag lang sa screen ang nagbibigay liwanag.

Pagkatapos naming panuorin ang Baby Boss ay ang Wrong Turn naman ang pinapanood namin. Kaming tatlo nalang ang nanonood dahil tulog na si siopao. Hawak ko ang popcorn at mataman na nanonood takot na takot na ako pero gusto ko paring manood.

Napasigaw ako sa gulat ng mahulog ang pagkain na hawak ni Marvin kaya tawa sila ng tawa habang nakatingin sakin pero sumeryoso din sila at saka ulit nanood.

"ANG TANGA MO! GAGO NASA LIKOD MO! MAMATAY KA NA NGA ANG TANGA MO PA!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa katangahan nung babae.

Natapos ang pinapanood namin pero hindi parin ako makarecover sa napanood ko.

"Tulog na ako Zd" paalam ni Mike.

"Ako din ate" sabi naman ni Marvin.

Aalis na sana sila ng hawakan ko ang braso nila kaya napatingin sila sakin.

"Wag nyo akong iwan dito" natatakot na sabi ko.

Natawa naman sila

"Ano ka ba Ate wag kang matakot dun hindi totoo yun" sabi ni Marvin habang tumatawa.

"Oo nga naman Zariah" gatong naman ni Mike.

Kahit papano ay nabawasan ang takot ko sa sinabi nila.

"Sige salamat"

Aalis na sana sila ng may narinig kaming kalabog.

Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa kalabog samantalang sina Mike at Marvin naman ay natigilan.

"D-diba a-ate Zd t-tayo lang naman ng nandito diba?" nanginginig sa takot na sabi ni Marvin.

Madilim dito sa pasilyo tanging ang liwanag lang sa buwan ang nagbibigay liwananag sa paligid.

"Sabi nyo di totoo yung pinanood natin diba?" natatawang saad ko pero bakas ng takot.

"Oo, hindi totoo yun" paninigurado ni Mike pero nyeta kumakalabog parin ang dibdib ko.

"Hindi naman siguro magpapakita yung NUN nayon diba" pangatlo kasi naming pinanood ay yung The Nun.

"Hehe ate Zd naman syempre wala yun dito"

"Buksan mo yung cellphone mo Mike ilawan mo" utos ko kay Mike.

Kinuha nya naman ang cellphone at binuksan kahit papano ay medyo lumiwanag. Naglakad kami papunta sa sala dahil nandun nang galing yung kalabog. Unang naglakad si Mike kasi sya ang may hawak ng cellphone nasa likod nya ako at nahawak sa laylayan ng damit nya si Marvin naman ay nasa braso ni Mike nakahawak.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon