Chapter 28

5.7K 370 57
                                    

Zd PoV

"Marvin paabot naman ng fries oh?" saad ko kay Marvin at tinuro ang fries na nasa gilid nya.

Inabot nya naman ito sakin kaya sinubo ko kaagad ito.

Sa halip na pumunta kaming Restaurant ay sa Jollibee kami pumunta.

"Ate subuan moko" napatingin naman ako kay Siopao na ngayon ay nakanguso sakin.

Natatawang kinuha ko ang ilang fries sakin at isinubo sa kanya. Pagkatapos naming kumain sa Jollibee ay pumunta na kami sa parking lot.

"Ate sabi mo ng isang araw tuturuan nyo ako ni Kuya Mike magdrive" saad ni Marvin ng makapasok kami sa kotse.

Napakamot naman ako sa batok na tumingin sa kanya.

"Di kaba nila tinuruan?"

Tumango naman sya. "Opo ate, sabi kasi nila busy daw sila"

"O, sige mamaya pagkauwi natin sa mansion" saad ko at nagsimulang magdrive.

Pagkadating namin sa mansion ay hinanap kaagad ng mata ko sina Annicka at Mike sa loob pero hindi ko sila nahanap.

Nakita ko naman si Manang na nagluluto kaya lumapit ako sa kanya.

"Manang sina Mike po?" tanong ko sa kanya.

Kilala na kasi ni Manang si Annicka kaya alam kung alam nya na ang tinutukoy ko.

"Ah, yung dalawa ba? Dun sila sa kwarto ni Mike pagkatapos ng iyaka nila," natawa naman ako sa sinabi ni Manang.

"Eh, ikaw Manang namiss nyo na po ang mga anak nyo?" tanong ko.

Tumigil muna sya sa paghalo at saglit akong nilingon at saka ulit ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Oo naman iha miss ko na ang mga anak at apo ko sa probinsya lalo na ang asawa kong si Nestor"

Napaisip naman ako saglit.

"Eh kung umuwi kaya muna kayo ng probinsya Manang," suggest ko sa kanya.

Total wala naman si Dark ngayon kaya pwede syang magbakasyon muna at makasama ang kanyang pamilya sa probinsya.

"Eh pa'no kayo dito iha?" tanong nya.

"Ayos lang naman kami dito Manang besides marunong naman po ako magluto sina Red nalang gagawa ng gawaing bahay," nakangiting saad ko.

"Salamat iha," nakangiting aniya.

"Sige na Manang maghanda na po kayo. Ako na pong bahala sa mga gagastusin nyo"

Nagpasalamat na muna sya sakin at saka umalis. 

Umakyat naman ako at saka kumatok sa pinto ng kwarto ni Marvin.

"Bakit ate?" tanong nito pagkabukas nya ng pinto.

Tiningnan ko muna ang loob ng kwarto at hinanap si Siopao. Napangiti naman ako ng makitang naglalaro ito ng mga laruang binili namin sa mall.

"Tuturuan na kita magdrive,"

"Talaga ate?" excited na tanong nito.

"Oo na! Paulit-ulit?" at saka ko sya tinulak pabalik sa loob ng room nya kaya napatingin samin si Siopao. "Magbihis kana isama mo na din si Siopao"

Bumalik naman ako sa kwarto at saka nagpalit ng damit. Pink na oversize tshirt at maong na short ang suot ko, nagtsinelas nalang din ako. Wala naman ako sa Academy kaya pwede ako sumuot nito.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ulit sa kwarto nina Marvin.

"Tapos na ba kayo?" sigaw ko at saka kumatok sa pinto.

"Patapos na ate," sigaw pabalik ni Marvin.

Napabuntong hininga ako at saka sumandal sa gilid ng pinto. Pinikit ko saglit ang mata ko pero minulat ko din kaagad ng mukha ni Dark ang nakita ko.

Miss na kita Dark...

"Ate tara na" nabalik ako sa ulirat ng sumigaw si Marvin sa harap ko.

"Lets go" saad ko at naunang naglakad.

Buhat naman ni Marvin si Siopao at saka sumunod sakin.

"Ate bat parang wala si Manang?" tanong ni Marvin sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

Nilingon ko naman sya saglit at saka serysosong namulsa.

"Pinabakasyon ko muna sya," ikling saad ko at saka kinuha ang susi na nakasabit sa pader ng garahe.

"Sakay na," at saka naunang sumakay sa loob ng kotse.

Pagkatapos ng mahabang byahe ay tinigil ko ang kotse sa harap ng isang malawak na lupain. Walang masyadong mga puno at bahay dito kaya dito ko naisipan na turuan si Marvin. Pinaupo ko sya sa driverseat at ako naman sa passesenger  seat si Siopao naman ay sa backseat.

Tinuro ko muna kay Marvin kung ano ang dapat na tapakan at saka ang mga pipindutin dito sa kotse. Hindi kasi ordinaring kotse ang pinapagamit ko sa kanya. Tinuro ko sa kanya ang mga button na para sa emergency at mga armors. Nung una ay nagtaka pa sya kung bakit may ganung mga button pero ipinaliwanag ko naman sa kanya tanging tango lamang ang sagot nito sakin. Alam ko kasing madadamay sa gulo sina Marvin pag nagkataon kaya dapat lang na turuan ko na sya. Naisipan ko ding sina Red at Blue na ang bahala magturo sa kanya ng self defense at si Gray naman ang bahala sa pagturo sa paggamit ng armas. Mas mabuting maaga palang may alam na sya sa mga ganitong bagay.

"Naintindihan mona?" tanong ko sa kanya.


Tumango naman sya saka ngumiti.

"Meron bang masasamang tao na gusto tayong saktan ate kaya kailangang turuan ako nina Kuya Red," tumango naman ako at saka umiwas ng tingin sa kanya.

Wala ako lagi sa tabi nila para ipagtanggol sila kaya dapat kaya nya ng lumaban para ipagtanggol ang sarili nya at ni Siopao.

"Oo kailangan dahil alam kong kayo ang pupuntiryahin nila" napabuntong hininga ako at saka tumingin sa kanya "Kailangan mong matuto kong pa'no lumaban para maipagtanggol mo ang sarili mo at ng kapatid mo. Kaya mangako ka na mageensayo ka"

Tumingin muna sya kay Siopao at saka tumingin sakin ng seryoso.

"Opo ate pag-iigihan ko ang pageensayo para sa kapatid ko at para sa inyo"

Ngumiti naman ako at saka sya yinakap.

"Tara na uwi na tayo. Ikaw na ang magdrive"

Sinimulan nya ng magmaneho napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang bilis nyang matuto sigurado ako na kapag lumaki sya magiging katulad sya ni Dark.

Pinasok ni Marvin ng madahan ang kotse sa garahe at saka naunang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Lumabas naman ako at saka naunang pumasok sa loob.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta sa kusina. Pero pagkapasok ko ay nakita ko kaagad sina Annicka at Mike na naglalambingan habang nagluluto.

"Aga-aga ang landi," pagpaparinig ko at saka kumuha ng tubig sa loob ng ref.

Pagkaharap ko ay nakita ko si Annicka na nakatingin sakin at saka mataray na umirap.

"Palibhasa walang jowa"

Ano naman ngayon kung wala akong jowa atleast happy.

"Required ba talagang may jowa para maging happy?" tanong ko.

Tumango naman si Annicka at saka yinakap sa likod si Mike na ngayon ay nagpriprito.

"Oo tingnan mo ko ang saya ko dahil may Mike ako" nakangising saad nya.

Inirapan ko naman sya at saka nilapag ang baso sa mesa.

"Paki ko? Masaya naman ako kahit wala akong jowa. Pajowa jowa pang nalalaman mamamatay din naman" at saka ko sya inirapan at lumabas ng kusina.

"Palibhasa wala si Dark," sigaw nya.

"Fuck you ka sagad," sigaw ko at tinaas sa kanya ang gitnang daliri ko. Natawa nalang sya at tinaas din ang gitnang daliri pero nakita ito ni Mike at saka binaba.

Napailing nalang ako sa nakikita ko sa kanila.

"Ang lalandi"

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon