Chapter 13

6.6K 419 11
                                    

" Andito na tayo " sabi ko sa kanila at saka bumababa.

Pumasok na ako sa loob habang nakasunod sila. Sakto namang nakita ko si Manang Lenie sa sala.

" Manang Lenie may ipapakilala po ako sa inyo " 

" May kasama ka ulit? " sabi ni manang kaya hinahawakan ko sa braso si Mike at saka hinila palapit sa akin

" Si Mike po Manang Lenie dito na po sya titira kasi po minamaltrato daw sya ng tita nya " 

" Ganun ba iha. Mabuti naman at dito na sya titira para naman may kasama ako dito " Manang Lenie.

" Mike si Manang Lenie dya yung nag alaga sakin mula pagkabata " pakilala ko. 

" Tara na Marvin at Renel magbihis na kayo ihahatid ko lang si Mike sa magiging kwarto nya " 

" Opo ate " sagot nilabat saka umakyat sa taas.

Tumingin naman ako kay Mile at saka sya hinila paakyat.

Limang palapag ang meron sa mansion ko kaya maraming mga kwarto. Sa pangatlong palapag ang kwarto namin nina Dark, Red, Grey, At Blue. Mga barkada ko kaya meron silang kwarto dito.

Dinala ko sa pangalawang palapag si Mike.

" Mike ito ang magiging kwarto mo ipapalagyan ko nalang ng name ang harap ng pinto mo. Lahat ng kwarto dito may nakalagay na pangalan para hindi ka maligaw. Feel at home " mahabang lintanya ko sa kanya.

" Salamat Zd " nahihiyang sabi. 

" Ano ka ba wag ka ng mahiya. Kami lang kasi ang naatira dito. Hindi alam ng parents ko na may mansion ako tanging mga kaibigan ko lang. " 

" Pano ba yan pasok kana sa room mo may pupuntahan pa tayo bukas. Bibisitahin natin si Dark at ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko " sabi ko tumango namn sya sak pumasok sa loob.

Pumunta na ako sa kwarto ko saka naligo. 

" Kelan kaya magigising si Dark? "

" Miss ko na sya "

" Goodmorning Philippines " sigaw ko pagkagising. 

Nagstretching muna ako bago pumunta sa banyo. 

Kahapon ay naging masaya ang mansion dahil may mga bago na kaming kasama dalawa ni manang. 

Ngayong araw ay ililibot ko ang nga bata sa buong mansion pati na rin si Mike. 

Pagkatapos kong maligo ay sumuot lang ako ng malaking tshirt at denim short. Ganto lagi ang suot ko kapag nasa mansion lang ako.

Pagkalabas ko sa kwarto ko ay pumunta na ako sa kusina saktong nandun na silang tatlo kasama si manang Lenie. 

" Good morning ate "

" Goodmorning Zd " 

" Goodmorning iha "

bati nila sakin. Umupi na ako sa pinakadulo. Nagdasal muna kami bago kumain.

Tamang kwentuhan asaran at tawanan lang ang naganap samin habang kumakain.

" Halika na kayo ililibot ko kayo sa buong mansion " yaya ko sa kanila pagkatapos naming kumain.

Una naming pinuntahan ang pangalwang palapag. Kasi ang unang palapag ay mga kusina dining at iba pa. 

Nang makarating na kami ay sinasabi ko sa kanila kung anong meron dito.

" Itong second floor ay merong kwarto para sa mga bisita. Marami kasi akong mga kaibigan na dito natutulog " 

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon