Chapter 32

4.8K 292 35
                                    

Iritang napasabunot ako sa buhok ko dahil sa mga abnormal kung kasama. Pagkagising ko sa clinic ay wala na sa Zd kaya dumiretso ako sa room. Tinanong ko kung nasan sya pero sabi nila ay nauna na daw umuwi dahil masakit parin daw ang puson nito.

Nandito kami ngayon sa bahay namin. Oo 'namin' dahil sa iisang bubong lang kami nakatira.

"Section Quinos, you are here because i have something important to tell you" panimula ko at saka sila tiningnan isa-isa. Napabuntong hininga ako dahil sa kaba. "And i need your help"


Napadako ang tingin ko kay Ian ng itaas nya ang kanang kamay nya. "Matagal paba?" Napailing naman ako. "Hindi pa ako nagsisimula Ian" napasimangot naman ito.

"So what is it?" si Jason naman ang nagtanong. Huminga muna ako ng malalim at saka sila tiningnan isa isa. "I want you to help me to court Zd" nagtatakang tingnan ko naman sila na nagpapatuloy parin sa pagkain at pag-inom.

Napatingin ako kay Frank ng tumango tango ito habang binubuksan ang can ng beer. "Yon lang pala" tumawa ito "Liligawan mo lang naman pala si Zd eh" at saka nito ininom ng beer. Ngunit nabuga nito ang kanyang iniinom at nanlalaki ang mata na tumingin sakin. "S-Shuta! Liligawan mo si tibo?!" Tumingin ito sa iba naming kasamahan na natatawang nakatingin sakin.

"Sinabi ko sa inyo to para tulungan ako hindi pagtawanan" naiinis na sagot ko, tumahimik naman ang mga ito.

Tumikhim naman si Ralph. "Hindi mo alam ang manligaw?" umiwas naman ako ng tingin. Tumawa ito dahil sa ginawa ko. "May mga naging girlfriend kana pero di ka parin marunong manligaw. Ayos ah, ano yon tinanong mo lang na 'pwede ba kitang maging girlfriend?' tapos kayo agad" nakitawa ang lahat sa sinabi nito.

"Kind off" inis na sabi ko. "Parang hindi nyo alam ah" napapastikuhang ani ko. "Kayo pa nga kasama ko diba nung time na nagtanong ako kung pwede ko ba silang maging girlfriend"

"Oo nga no" si Jose ang nagsalita.

"Bat samin kaba nagtanong eh, wala pa kaming mga naging girlfriend" natatawang sagot ni Edwin. Pero kalaunan ay tumingin ito kay Gary, Frank at John. "Except pala sa tatlong gunggong nato na marami ng naging girlfriend" tudo tanggihan naman amg tatlo sa sinabi ni Edwin.

"Anong madami ka dyan Edwin. Para sabihin ko sayo tatlo palang naging girlfriend ko and im single now" inis na sabi ni John at saka nilagok ang hawak nitong beer.

Sunod na sumagot naman si Gary "I only have one ex-girlfriend and im also single right now" tumayo ito at saka pumunta sa kusina.

Napatingin naman kaming lahat kay Frank na nakikipagtawanan kay Ian habang kumakain sila ng pizza. Tumingin ito samin ng mapansin nya kami na nakatingin sa kanya. "Oh? Tingin tingin nyo? Gwapo ko ba para tingnan nyo ng ganyan?"

Nagkunwari na inubo naman kami sa sinabi nya. "Ket kelan talaga ang kapal ng mukha mo" ani ni Jason at saka umirap. Bakla ba sya? Nevermind.

"Total ikaw naman ang babaero sa grupo, ilan na naging ex girlfriend mo?" tanong ko.

Ibinuka naman nito ang kanyang dalawang palad at nagbilang sa daliri. "Taena mo Frank, kulang pa yang daliri mo sa kamay at paa kung bibilangin mga naging ex mo!" Reklamk ni John.

"Eto na nga" umakto namang seryoso si Frank. "Ang mga naging ex ko ay mga twelve, ay mali thirteen yata, pero parang nasa twenty sya eh—"

"Oh kita nyo na! Pati bilang ng ex hindi nya mabilang. Babaero talaga" natatawang sabi ni Ralph.

"Oo na! Ikaw na! Ikaw na ang madaming ex! Shuta panget panget mo naman" saad ni Edwin.

Natawa naman kaming lahat sa sinabi nya.

"Palibhasa mga walang jowa"
pang-aasar ni Frank.

"Kelangan ba may jowa?" biglang tanong ni Ian. "Nakakain ba yon? Siguro masarap yon, gusto ko din ng jowa" natutuwang saad ni Ian.

Napasimangot naman ako sa kanya. Bat ba nasa section Quinos sya eh grade 10 palang yan? Napailing naman ako ng maalala ko na ako ang nagpalipat sa kanya na sa section namin pumasok dahil hindi lamang mga pangkaraniwan ang mga pumapasok dito. I don't know the history of this Academy. Kung Academy lang ba ito o hindi. Baka hindi lang to basta-basta na Academy. I can feel it.

"So ayon final na si Frank ang tutulong sayo sa panliligaw kay Zd. Suppory nalang kami" saad ni Edwin. Tumango naman sila.

Nginitian ko naman sila ng pagkalaki laki at nagthank you. Nagpatuloy kami sa bonding naming magkakaibigan, inuman at asaran. Pero si Ian ay hindi ko pinainom dahil wala pa sya sa tamang edad. Nagmovie marathon kami. Pinanood namin yung The Boss Baby dahil si Ian ang pipili ng papanoorin namin. Nung una ay tutol kami pero nung napanood namin ay tawa na kami ng tawa. Sunod naming pinanood ay mga horror na. Napuno ng tawanan ang sala kapag sumisigaw si Jose at John dahil sa takot. Saming lahat ay silang dalawa ang takot sa mga horror movies.



Pagkatapos naming manood ay nagtulong-tulong kami maglinis ng aming pinagkalatan pero si Frank at Gary ay bagsak na dahil sa sobrang kalasingan. Sina Jason at Edwin ang nagtulong upang buhatin si Frank papunta sa kwarto nito. Si Ralph at Jose naman ang bumuhat kay Gary. Pinapanood namin sila na umakyat sa hagdan nang buhat buhat si Gary. Hindi namin mapigilang matawa ng nautot si Gary ng malakas tapos tatanungin nya si Ralph kung bakit sya umutot.


"Bat kaba umutot? Ha! Ang baho baho ng utot mo!" bulyaw ni Gary kay Ralph. Si John naman ay tawa ng tawa.

Gusto man batukan ni Ralph si Gary ay hindi nya magawa dahil mas matanda ito sa kanya at baka masuntok sya lalo nat lasing ito. "Taena mo talaga Gary! Pati ba naman sa pag-utot ako sisisihin mo! Kaya ayokong naglalasing ka eh. Laging ako ang napagdidiskitahan mo!"

Reklamo ni Ralph. Tuwing nalalasing kasi si Gary ay laging si Ralph ang napagtitripan nito. May time na pumasok sya sa kwarto ni Ralph at dun tumabi matulog, nung sumapit ang kinaumagahan ay nasa baba na ng kama si Ralph. Sinukahan din nito ang paboritong kotse ni Ralph.


"Di kapa ba aakyat Ian?" tiningnan ko si Ian na ngayon ay kumakain parin ng chips at parang may malalim na iniisip dahil nakatulala ito. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito. Hindi naman ako nabigo ng humarap ito sakin.


Nagtatakang tumingin ito sakin. "Bakit King?" tiningnan ko naman ito at sinuri ang kanyang itsura kung may mali ba sa kanya pero parang wala naman. "tinatanong ko kung aakyat kana. Pasado alas dose na" tumabi ako sa kanya ng upo.


Umayos naman ito ng upo. Tinabi nito ang chips na kanyang kinakain. "Sorry King may iniisip lang ako"

Tumango naman ako "Pansin ko nga. Nakailang tawag  na ako sa name mo kanina eh. Ano bang iniisip mo? Mukhang malalim ah"

Nakadekwatrong umupo ito at saka humarap sakin. "Eh, kasi may nakita akong babae. Ang ganda nya King, lalo na yung blue nyang mata na parang kumikinang kapag tinatamaan ng araw, tapos ang puti nya parang pang Snow White yung balat nya" pagkwekwento nito. Malaki ang ngiti na meron sya ngayon. Masigla din ang pagkakakwento nya. At isa lang ang masasabi ko.

He's inlove.


A/N: sorry now lang ako nakaupdate dami ko kasing problema sa modules. Hope you understand.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon