Chapter 2

9.2K 524 149
                                    

Zd Pov

Pagkalabas ko kanina nagdiretso nako para hanapin ang canteen.May nakita pa nga akong cute na babae kaya niyaya ko sya na sumabay na sakin papunta sa akin. Habang kumakain ay nakakapit sya sa braso ko. Hindi ko alam na maharot din pala tong babaeng hinila ko.




" Wahh andyan na sila "


" Omg my kings are here "


Tiningan ko kung sino yung sinisigawan nila yung mga espasol lang pala. Nakita ko pang nilibot nung hari ang paningin nya sa loob ng canteen na tila'y may hinahanap. Hanggang sa tinuro nung kasama nya ang direksyon ko.


Sabi ko na nga ba gwapo ako eh.



" Babe subuan mo naman ako " sabi ni Ella. Nagpakilala kasi sya kanina
habang papunta kami dito.



Kinuhaan ko sya ng pagkain at saka sya sinubuan. "Masarap ba?" tumango naman sya bago sumagot. "Yes babe ang sharap" mas hamak na masarap ako jan. Kaya lang naman sya nasarapan dahil libre ko.


Patuloy lang kami sa pagkain ng may lumapit saming coloring book, crayola at payaso este tatlong babae.




"Hey you" saad nito at saka ako dinuro kaya napatingin ako sa kanya. Maganda naman sya kaso maiksi ang suot at makapal ang mukha este makeup.




"Yes, What can i do to you miss?" tanong ko sa kanya.

"Wag mong landiin ang Section Quinos dahil akin lang sila!" ipalunok ko pa sa kanya sila ng buo eh. Dahil sa pagsigaw nya ay naagaw ang atensyon ng mga estudyanteng kumakain at ngayo'y nakatingin sa amin. Hindi ko lang sya pinansin at sinubuan ang katabi ko.

"Ano? Hindi ka ba magsasalita dyan?"


"I don't talk to strangers" seryosong saad ko.


"Well okay. Magpapakilala kami"aba buti naman.


"Kami ang 3 Princessng ZDC Academy" sabi nung leader nila.

"What's your name miss?" i asked her using my man voice.

"Alice" mataray na sagot nya. Kala mo naman totoo ang kilay fake naman parang sya.



Nakita kong nakatingin samin ng Section Quinos. Tumayo ako at lumapit kay Alice napahakbang pa sya paatras sa tuwing lumalapit ako.


"Im Zd but you can call me babe" saad ko sabay lahad ng kamay alangan namang paa diba.



Naalinlangan pa syang kunin pero tinanggap nya parin. Syempre maling tanggihan ang grasya lalo na ang tulad kong gwapo. Ng mahawakan ko na ang kamay nya ay hinapit ko sya palapit sakin at saka sya hinawakan sa bewang. Ngayon ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya. Napangisi ako ng makita kong nakapikit sya. Maybe she expect that i will kiss her ofcourse i won't kiss her.


Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya at saka bumulong. "You're so beautiful babe" husky kong saad sa kanya at saka lumayo. Kitang pinamulahan sya ng mukha kaya at saka niyaya ang kaibigan nyang umalis.


"Girls let's go" nagmamadaling sabi nito at saka sila lumabas.


Napatingin naman ako sa kasama ko na ngayon ay masama ang tingin sa akin.



"What babe?" natatawang tanong ko. Nakabusangot kasi sya at masamang nakatingin sa akin.

"Your just flirting on that girl  in front of me" naiinis nyang sabi kaya inakbayan ko sya at hinalikan sa pisngi.



"Chill babe may sinabi lang ako" after this im done to you bitch.

Frank Pov

Frank Salibio. 19. May pagkaplayboy sa grupo namin.

Kumakain kami ng buong section Quinos dito sa canteen ng may sumigaw. I know that it's Alice boses palang nun kilala ko na. She's one of my flirt before. Nakita naming sinisigawan nya si Zd samantalang si Zd naman ay sinusubuan yung babaeng katabi nya. Nakita kong biglang tumayo si Zd at sa isang iglap ay hawak nya na si  Alice at sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.


"Hindi lang pala tomboy playboy din" Jose.


"Gago! Playgirl kasi babae sya" John.

"Mga ulol! Playboyish kasi half babae at half lalaki sya" singit ko sa kanilang usapan.

"Aray tangina" reklamo ko ng batukan ako ni Jason.  "Tumahimik kayo"

saway nya kaya tumahimik kami.

Binalik ko ang tingin ko kina Zd pero ang nakita ko ay si Alice na papaalis na habang namumula ang mukha nakasunod din dito ang mga alipores nya.

"Wazupp mga espasol" sigaw ni Zd habang papalapit samin.


"Mommy espasol daw ako" sabi ni John habang umaakto na umiiyak.

"Bakit alam mo ba yung ibig sabihin nung espasol?" tanong sa kanya ni Ralph. Umiling naman si Edwin.


"Hindi mo naman pala alam eh" Ralph.

"Bakit ikaw alam mo ba yun?" tanong ni Gary kay Ralph.

"Oo nga alam mo?" tanong ko din.

"Well kung ako ang tatanungin" pabitin na sabi ni Ralph habang umaakto na nagiisip. "Hindi ko alam"dugtong nya kaya napatampal kami sa noo. Samantalang ako kay Jason na noo ko hinampas ang kamay ko.

"Bakit mo ginawa yun?" naiinis na tanong nya pero nginisian ko lang sya.


Tumahimik kami ng nakalapit na samin si Zd at umupo sa bakanteng upuan.

"What are you doing here?" tanong ni Kevin.

"Nakaupo malamang hindi ka naman siguro tanga kung hindi mo nakikita diba" puta lagot talaga sya kay Kevin.

"Kinakausap kita ng maayos" sigaw ni Kevin.



"Pakihanap" bored na sabi ni Zd.


"What----"



"Paki ko" putol nito sa sasabihin ni King.


Alam naming galit na galit na si King dahil ayaw nyang may pumuputol sa sasabihin nya kapag nagsasalita. Tumayo naman sya at kwenelyuhan si Zd. Samantalang si Zd ay kalmado lang. Pano nya nagawang maging kalmado sa harap ng taong galit na galit sa kanya?

"Kanina pa ako nagtitimpi sayong babae ka" galit na sigaw ni King. Tahimik lang ako at saka sumiksik kay Jason takot kasi ako pag galit si King.

Kevin Pov

"Kanina pa ako nagtitimpi sayo"


"So?" bored na sabi nya.

Sasapakin ko na sana sya ng ilapit nya ang mukha nya sa akin kaya ilang dangkal nalang ang layo ng mukha namin. Napalunok ako ng mapadako ang tingin ko sa mapula nyang labi.

"Alam kong gwapo ako pero hindi tayo talo" napabalik ako sa ulirat ng magsalita sya kaya nilayo ko ang mukha ko sa kanya at saka sya binitawan.


Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

Umalis sya sa harap ko at naglakad palayo pero saglitbay tumigil sya at lumingon sa gawi namin.

"Mga bakla!!!" sigaw nya at tumakbo palabas.


"Tangina hindi kami bakla" sigaw nila at hinibol yung Zd.


"Humanda ka sakin pag nahuli kita"  sigaw ko at saka tumakbo.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon