Chapter 22

5.7K 391 53
                                    

"Yah Red akin yang hotdog eh" pagmamaktol ko sa kanya.

"No hawak ko ibig sakin akin to" at saka kinagatan ang nagiisang hotdog na natira.

"Wahhh Mike yung hotdog ko kinain ni Red" sigaw ko at saka pumadyak na parang bata.

Tinawanan lang ako nito kasama sina Marvin.

Nakasimangot na kinuha ko nalang ang cheese bread at saka kinain.

"Zd wag kang sumimangot sa harap ng pagkain" pangangaral sakin ni Mike.

"Ate ihahatid nyo po ba kami?" tanong ni Marvin.

Tumingin naman ako sa kanya at sa nilunok ang aking nginuya.

"Oo para safe kayong makarating sa school nyo at yung kotse na napili mo pwede mo ng gamitin yun sa susunod na araw pero kailangang magpaturo ka muna kay Red o kaya kay Mike"

Napatingin naman ako kay Siopao ng kalabitin nya ako.

"Oh? Problema mong siopao ka" masungit na tanong ko.

Tinuro nya naman si Red na ngayon ay nakalabas ang dila at nag aasar na nakatingin kay siopao.

"Ang panget" natawa naman kami sa sinabi ni siopao. Habang si Red ay nakasimangot at masama ang tingin kay siopao.

"Ako panget?" hindi makapaniwalang saad nya. "Hindi mo ba alam na maraming nagkakandarapa saking mga babae dahil sa kagwapuhan ko" mahangin na saad nya.

"Baka natalisod kaya nadapa" sagot ni Marvin kaya natawa kami ng malakas ni Mike.

Tinuro naman ni Red si Marvin. "Magkapatid nga kayong dalawa" at saka tinuro si siopao.

"Malamang alangang magtatay" pilosopong sagot nito.

"Pinagtutulungan nyo ko" nakasimagot na sabi ni Red.

Sakto namang dumaan si Manang Lenie.

"Manang inaaway nila ako" parang batang sumbong nito kay manang.

Tinawanan lang sya ni manang kaya lalong napasimangot si Red.

"Pati ba naman kayo manang pagtatawanan ako"

"Wag kang mag-alala iho eh gwapo mo namang binata eh" sagot ni manang at saka lumabas.

Tumingin naman si Red samin na may malaking ngiti.

"Narinig nyo yun. Si Manang na mismo nagsabi gwapo daw ako" pagyayabang nya.

"Tara na ate Zd alis na tayo pumasok yata ang malakas na hangin dito sa kusina" sabi ni Marvin kaya napahagikgik ako.

"Parito siopao papasok na tayo" at saka ko sya binuhat "Ikaw Red umuwi kana, tumawag sakin si Cassandra kagabi hinahanap ka tinanong kung nangbabae ka daw"

Nanlaki naman ang mata nyang tumingin sakin.

"Anong sinabi mo?" kinakabahang taning nya.

Nginisian ko naman sya.

"Sabi ko nasa bar ka tapos may nakayakap sayong babae" mas lalong nanlaki ang mata nya sa sinabi ko kaya napatawa ako kulang nalang maging tarsier sya.

"At papunta na sya dito" napatingin naman ako sa taong kakapasok lang ng bahay "Oppss nandito na pala sya"

"Tangina mo Red ilabas mo ang babae mo at kakalbuhin ko" sigaw ni Cassandra pagkapasok nya.

"Mahal nandyan ka pala" kinabahang sabi ni Red.

Naunang lumabas si Mike at Marvin para pumunta sa garahe at kunin ang kotse samantalang naiwan kami ni siopao.

Lumapit naman sya kay Red at piningot ang kanyang tenga.

"Ikaw napakatangina mo. Sinabi kong umalis ka sa bahay pero wala akong sinabi na mambabae ka" at saka kinurot sa tagaliran kaya napapadaing si Red.

"Mahal hindi naman totoo yun eh. Pumunta ako dito kagabi ARAY!!fuck masakit Cassandra" daing ni Red at pilit na iniiwasan ang kurot ni Cassandra.

Sa halip na tumigil si Cassandra ay mas lalo pa itong nagalit.

"Aba ngayon minumura mo na ako. Napakatarantado mo talaga"

Napatawa naman kami ni siopao ng kinuha ni Cassandra ang vase sa tabi nito at saka binato kay Red buti nalang nakaiwas ito.

Grabe talaga si Cassandra kapag nagagalit. Walang pakialam kahit makabasag ng gamit na hindi sa kanya mabugbog nya lang si Red.

"Sweetheart tama na yan. Papasok pa kayo diba" saad ko ng makita kong ibabato nya na naman si Red ng vase.

Tumingin naman ito sakin at saka binaba ang vase.

"Wahhh hindi kita napansin sweetheart!!" sigaw nya at saka tumakbo sakin at niyakap ng mahigpit.

Naipit naman si Siopao kaya hinampas nya si Cassandra sa mukha kaya napadaing ito.

"Aww it's hurt" at saka nito hinawakan ng pisngi na hinampas ni siopao. Tumingin naman ito kay siopao. "At sino namang bulldog itong hawak mo. Hangkyut" at saka pinanggigilan ang pisngi ni siopao.

Natawa naman ako ng sinabihan nyang bulldog si siopao.

"Renel pangalan nya" sagot ko.

Nanlalaki ang mata na tumingin sya sakin at inilipat kay siopao. Napahawak pa ito sa bibig nya na para bang may natuklasan na ngayon nya lang nalaman.

Napatakip ako sa tenga ng umirit sya kahit si Red ay napatakip din.

"Kelan ka pa nagkaanak? Alam ba ito ni Dark? Sino ang tatay? Kelan ka pa naglihim sakin sweetheart" histirical na sigaw nito.

"Mahal pakihinaan ang boses mo. Para kang nakalunok ng mic sa lakas ng sigaw mo" reklamo ni Red kaya simaan sya ng tingin ni Cassandra. Tumahimik naman ito.

Kahit kelan talaga under si Red kay Cassandra.

"Sweetheart hindi ko sya anak" nakangiwing saad ko.

Sa edad kong to magpapabuntis ako. Ayoko pa mabuntis magagalit si Dark sakin.

"Wag mong sabihing apo mo yan?"

Napakamot naman ako sa batok ko sa sovrang inis sa kanya.

"Mukha ba akong lola ha! Hindi pa nga ako nagkakaanak apo agad. At saka tumahimik ka nga muna hindi pa ako tapos magsalita eh" inis na sabi ko.

Kahit kelan talaga itong babaeng to bungangera.

Nagzip naman ito ng bibig nya.

"Hindi ko sya anak. Nakita ko sila dun malapit sa mall ko namamalimos kaya inampon ko. Kapatid ko na sila pero hindi pa alam nina mommh at daddy" paliwanag ko.

Pagkatapos naming magusap ay pumunta na kami sa garahe kung saan naghihintay sina Mike at Marvin.

Si Mike ay nakasandal sa kotse at nagbabasa ng libro. Habang si Marvin naman ay naglalaro sa cellphone.

"Tara na" sabi ko at saka pinasok sa kotse si siopao.

Sumakay na din si Marvin at Mike. Si Mike ang magdri-drive kaya sa passenger seat ako umupo habang sa likod si Marvin at siopao.

Nakita ko naman si Cassandra na sumakay sa kotse ni Red. Halatang magkaaway parin ang dalawa dahil tinatarayan ni Cassandra si Red.

"Mike nakausap ko si Annicka" napatingin naman si Mike sakin habang nagdridrive parin.

"Talaga? Paano?" tanong nya. Halata sa boses nito ang excitement.

Gusto nya na talagang makita si Annicka.

"Basta. Magkikita kayo" at saka sumandal sa headboard ng upuan at saka pumikit.

Sana hindi ko makita ang haring espasol na yun.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon