Chapter 19

6.2K 420 49
                                    

Zd Pov

Marami nang nagsilabasan ng estudyante ng makarating kami sa school nina Marvin. Lahat ng mga ito ay nakatingin samin ng makababa kami. Lumapit naman ako sa katabi ko at saka bumulong.

" Sabihin mo ganyan na ba ako kagwapo para pagkatinginan tayo. Nagmumukha tayong artista dahil sa mga tingin nila " napatawa naman sya sa sinabi ko at saka napailing.

Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad ng makita namin sina Marvin at si baby siopao na paalapit samin. Nakangiti si bby siopao habang nakabusangot naman si Marvin.

" Oh? Anong nangyari sa mukha mo? Bat nakabusangot ka? " tanong ko sa kanya.

May kinuha ito sa bag nya pagtingin ko ay isang rosas na kulay pula.

" Pinapabigay ng ulupong kong teacher " naiinis na saad nya " Lagi nya nalang akong iniisturbo ate " natawa naman kami sa kanya.

Nagpabuhat sakin si baby siopao habang ang dalawa naman ay nag uusap. Pinagtitinginan kami habang naglalakad kami pero wala kaming pake.

" Manang andito na po kami "

Sumigaw agad si Marvin ng makapasok kami sa mansion. Nakita naming lumabas si Manang sa kusina. Bumababa naman si baby siopao sa pagkakabuhat ni Mike at tumakbo papalapit kay Manang. Close na close na talaga sila kay Manang.

" Manang gutom na ako " nakangusong sabi ni baby siopao kay manang habang nakayakap sa binti nito.

" Aba ikaw talagang bata ka napakacute. Pinaghanda ko na kayo ng makakain dahil alam kong gutom na uuwi itong bata na ito " at saka pinisil ang pisngi ni siopao.

Gaya ng nakagawian namin ay puro tawanan at kwentuhan ang naganap sa hapag kainan. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na sila sa kanya kanya nilang room bago ako pumasok sa kwarto ko. Naghalfbath lang ako at saka bumihis ng pantulog.

Kinuha ko ang cellphone ko ng maalala ko si Aurora. Wala pang isang minuto ay sinagot nya na ang tawag.

" Oh Zariah napatawag ka " bungad agad nito sakin.

" Kinakamusta lang kita. Ilang araw din akong hindi nakatawag sayo " at saka dumapa sa kama.

" Okay naman ako... lalo na ngayong kasama ko ang baby ko " napatayo naman ako sa oras ng marinig ang sinabi nya.

" Tangina Aurora bat hindi mo sinabi sakin na may anak kana?! Sino ang nakabuntis sayo sabihin mo? Pinaganutan ka ba nya? Sabihin mo kung hindi papatayin ko sya!! " histarical na sigaw ko.

" Bwesit kang babae ka sinong nagsabi sayo na buntis ako ha! Ulol ka talaga.. " napakamot naman ako dahil sa pagsigaw nya.

" Sorry nabigla lang, Anong baby ba ang sinasabi mo? "

" Baby kakain na tayo! " rinig kong sigaw sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.

" Saglit lang may kausap ako " sigaw pabalik ni Aurora.

"Aba hoy Aurora kelan ka pa natutong sumama sa lalaki ha? "

" Sya yung sinasabi ko sayong baby ko. Nakuha ko na sya " alam kung nakangiti na tong gaga nato.

Pero wait nakuha nya na daw.. nanlaki naman ang mga mata ko ng marealized ang sinabi nya.

" Kyaahhhh... congrats Aurora.. Stay Strong sa inyo " kinikilig na sabi ko.

Meron kasi syang lalaki na nakita nun noong araw na pagkatapos naming makipagsuntukan. Hindi ko alam na maiinlababo pala ang kaibigan ko.

" Yeah.. kayo nalang dalawa ni Lea ang wala " natatawang saad nya kaya napatawa din ako.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon