Chapter 3

8.5K 472 76
                                    

Zd PoV




Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Hanggang ngayon ay hinahabol parin ako ng mga panget na espasol nangunguna ang hari nilang espasol.


"Hey you woman stop!" sigaw ng haring espasol.



Pero hindi ko sya pinansin at binelatan at saka tumakbo ulit ng mabilis hindi ko namalayan na may bato.


Kaya ang ending nadapa ako hindi naman masakit eh konti lang pero joke lang yun. sobrang sakit taena.



"Huli  ka"  hinawakan nito ang paa ko at saka hinila.



"Tangina mong haring espasol ka! Bitawam moko" pagpupumiglas ko sa pagkakahawak nya sa akin.



"Ngayong hawak na kita hindi na kita bibitawan" bakit parang doble yata ibig sabihin nun?




"Bwesit ka. Bitaw!" sigaw ko at saka sya sinipa sa mukha kaya nabitawan nya ako.



"Fuck it hurts" sabay hawak nya sa ulo nya.




Hindi naman ako makatayo dahil masakit ang paa ko. Gumapang nalang ako pero hinawakan nya na naman ako sa bewang at saka hinila. Tiningnan ko sya at ang sama ng tingin nya sakin. Napatingin naman ako sa likod nya. Wala pa yung mga alagad nya at ibang mga estudyante.


"Alam mo bang masakit yun?" naiiritang sabi nya.



"Malamang hindi tanga ka ba? Ako ang sumipa sayo diba?"




Humarap naman ako sa kanya kaya ngayon ay magkaharap kami at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.



Subukan mo talagang ilapit.


Uupukan talaga kita.



Kita ko ang sunod sunod nyang paglunok at ang unti unting paglapit ng mukha nya sa akin. Kaya pinikit ko nalang aking mata wala naman kong magagawa dahil hindi naman ako makakilos at feeling ko wala akong lakas para itulak sya.



Naramdaman ko nalang na may malambot na bagay ang lumapat sa lips ko.



Hinalikan nya ako!



Wait malambot sya?



Pagmulat ko ay nakita kong palad nya ang lumapat sa lips ko


SAYANG





wait....




bakit ba ako nanghihinayang?




Tinulak ko sya hindi ko namalayan na napalakas kaya tumalsik sya malapit sa basurahan. Sinamaan nya naman ako ng tingin. Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa sakti namang pagdating ng mga alagad ni haring espasol.




"Ok ka lang ba?" tanong ni Ian kaya sinimangutan ko sya.


"Mukha ba akong ok ha?!"  naiinis na tanong ko sa kanya.


"Kanina ka pa namin hinahanap Kev" saad ng isa sa mga alagad nya.


"Buti naman nahuli mo sya"


"Oo nga. Pero bakita nandyan ka sa basurahan?"


"Parang---"

"....para kang abnoy na sobrang panget  na katangkaran na parang tikbalang "  saad ko.


Tumayo naman si hari at saka lumapit sakin. Pwersahan nya akong tumayo kaya napaaray ako.



"Fuck you woman" sigaw nito.



"Tangina mo lalaki ako"


"Bat wala kang lawit?"




"Pakialam mo!"


"This is bullshit" frustated na sabi nya.




"Wow sana all englisherist" pangaasar ko sa kanya.



Tinulak nya naman ako kaya napabagsak ako sa sahig. Buti nalang hindi natanggal ang wig na suot ko.


Yes! Nakawig ako na black hanggang balikat. Nilagay ko ito dahil ayokong makita ng ibang tao ang buhok ko dahil sa isang tao na mahal na mahal ko.


"Arhgg tangina mo ka ang sakit" sigaw ko dahil sobrang sakit ng pwet ko...


"Shit Zd" sabi ni Ian at tumakbo sa gawi ko.


Tinulungan ako nitong tumayo dahil sa hindi din naman ako makalakad.



"Kaya mo bang maglakad?" tanong nito sakin.


pero umiling ako "Hindi eh i think na sprain ako" tiningnan ko naman yung mga alagad nya na nakatingin lang samin pati si Hari.


"Halika bubuhatin nalang kita"



"Kaya mo ba?"alanganing sabi ko syempre mahirap na pandak eh.



"Minamaliit mo ba ako?"


"Hindi naman kita minamaliit pero maliit ka talaga" prangkang sabi ko sa kanya kaya napanguso nalang sya.


haha ang cute nya.


kaya pinisil ko ang pisngi nya at saka ngumiti. Totoong ngiti ko talaga.


napansin kong tahimik lang sila kaya tiningnan ko sila lahat sila ay weird ng tingin sakin.


kaya sumeryoso ako.


"Sige buhatin mo na ako" sabi ko tumango naman sya


bubuhatin na sana nya ako kaso may paepal.


"Ako na hindi mo sya kakayanin" bwesit na espasol to ah




"Anong tingin mo sakin mataba" maangas na tanong ko sa Hari nila.



Pero hindi ako nito pinakinggan at inagaw ako kay Ian at saka ako binuhat na pang bride.


"Tangina ibaba moko kay Ian nalang ako magpapabuhat" angal ko sa kanya.


"Tumahimik ka"


"Pano ako tatahimik kung may bibig ako"



"Pwede ba tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita" kaya tumahimik nalang ako.


"Kumapit ka saking leeg"


"Sabi ko kumapit ka"


"Fuck magsalita ka ngang tomboy ka" sigaw nya kaya inirapan ko sya.


"Gago ka pala eh sabi mo tumahimik ako tapos ngayon nagagalit ka hindi ko na alam kung saan ako lulugar eh" sigaw ko sa kanya at saka kumapit sa leeg nya.




tiningnan ko naman sya na seryosong nakatingin sa daan.


gwapo naman sya pero mas gwapo ako.


makapal ng kilay nya manipis naman ang akin.


Pointed nose parang akin lang din.


Mapulang labi mas mapula sakin.


isa lang ibig sabihin nito.



"Confirm" sabi ko kaya napatingin sya sakin na salubong ang kilay.


"Anong confirm?"


"Meron kang kilay na parang mataray at mapulang labi isa lang ibig sabihin nyan


BAKLA KA" napalakas ata ang sinabi ko. Patay...

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon