Chapter 18

6.5K 414 19
                                    

Zd Pov

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kina Reymark at sa Black Phyton members.

" Bye Reymark sa susunod ulit ha "

" Oo naman Queen. Ikaw pa malakas ka sakin eh. At saka susunod kasama na natin si Dark "

Magkilala na sila dalawa ni Dark kasi nung araw na yun ay liligawan nya sana ako ng pagbantaan sya ni Dark na papatayin nya ito. Natawa pa nga ako eh kasi bantay sarado talaga sakin si Dark. Hinayaan nya na kasama ko si Reymark pero dapat kasama sya.

" Oo naman. Sige na bye ingat kayo ha " lumapit naman sya sakin at yinakap ako ng mahigpit kaya yinakap ko din sya pabalik. " Mamimiss kita Queen " bulong nya kaya natawa ako.

Bigla nalang may humila sakin kaya nalayo ako kay Reymark.

"Aalis na nga lang kailangan pang yumakap " masungit na saad ni Hari kay Reymark.

Nginisian naman sya ni Reymark ng biglang tumunog ang cellphone ni Reymark. Dali dali nya ito kinuha at saka tiningnan kung sino ang tumawag. Bigla syang namutla ng nabasa ang kung sino ang tumawag at alam ko na kung sino yun.

" Ah- eh hello Aurora. Oo papunta na kami dyan. On the way na kami traffic na kasi " tawa ako ng tawa ng nauutal sya habang kausap si Aurora hanggang sa pinatay nya na ang tawag.

Humarap naman sya samin. " Shit! We need to go Queen. Kailangan kami ni Aurora ngayon ".

" Sige bye. Ingat ha. Ayaw pa naman nun ng laging late " pananakot ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot at dali daling sumakay sa kanilang mga sasakyan. Takot na takot talaga sila kay Aurora. Ayaw kasi ni Aurora na laging late kapag tinatawag nya. Nung time nga na nalate sila ay pinagbabato sila ng kutsilyo muntik na syang madala sa hospital kung hindi lang kami dumating ni Lea.

" Oh! Wala na! Tumatawa ka parin " biglang sabat ni hari sa tabi ko.

" Paki mo ba! " inis na saad ko sa kanya.

" Noona " napatingin naman ako sa pwesto ng mga alagad ni hari ng sumigaw si Ian.

" Uuwi na kami " paalam ni Edwin.

Tumango naman ako sa kanya. " Sige. Kailangan ko na ding umalis. Eh susunduin ko pa ang mga kapatid ko "

" May kapatid ka pala Zd " tumango naman ako kay Frank.

" Oo sa sususunod ipapakilala ko sya sa inyo " kumaway na ako sa kanila at saka nagpaalam. Pero bago ako makaalis ay hinawakan ako ni Hari at pinaharap sa kanya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. " Problema mo? " masungit na tanong ko. Hindi nya ako sinagot at lumapit sakin. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan sa noo. " Take care " yan lang ang sinabi nya saka ako iniwan na tulala.

Anong nakain nun? Nasobrahan ba sya sa vegetable salad?

Mike Pov

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako. Naisipan kong sa harap nalang ng academy ko hihintayin si Zd. Wala kasi ang section Quinos sa room nila. Pagkatapos ng laban ay lumabas sila.

Nakatayo lang ako ng biglang nagring ang cellphone ko bigla nalang ako napangiti ng makilala ang caller.

" Hello Mike i miss you na " malambing na saad nito.

Napangiti naman ako. " Miss na din kita Nicka kelan  ka babalik? " malambing na tanong ko. Matagal na din nung huli kaming nagkita.

Ilang minutong natahimik sa kabilang linya kaya tiningnan ko kung na end na ba ang call pero hindi pa naman.

" Hello Nicka andyan ka pa ba? " nag aalalang tanong ko. Narinig ko ang malalim nitong paghinga bago sumagot. " Hindi pa ako makakabalik dyan " nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya pero agad din yung nawala ng magsalita sya.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon