Chapter 26

5.5K 358 17
                                    

Mike PoV

Kanina pa ako naglilibot sa mansion para hanapin sina Zd pero hindi ko sila makita. Kahit sina Marvin at siopao ay wala sa kanilang kwarto. Parang kanina lang ay sabay kaming pumasok sa mansion pero paglabas ko ng kwarto ko hindi ko na sila mahagilap.

Saan kaya nagpunta ang mga yun?

Nagmamadaling bumaba ako sa hagdan at hinanap si Manang. Una kung pinuntahan ang kusina pero hindi ko sya dun nakita kaya pumunta ako sa likod ng mansion kung nasaan ang garden.

Nakita ko si Manang na nagwawalis kaya nilapitan ko ito.

"Manang sina Zd po? Hindi ko po kasi sila nakita sa loob?," hinihingal na saad ko dahil sa pagod.

Tinabi naman nito ang walis na ginagamit at saka pinagpagan ang kanyang mga kamay.

"Si Zd ba kamo? Umalis sila ng mga bata may pinuntahan yata"

Napabuntong hininga naman ako.

Hindi manlang nila ako sinama.

"Sige po Manang salamat po. Pahinga na muna kayo Manang" nginitian lang ako nito at saka naunang pumasok sa loob.

Tinuloy ko ang pagwawalis hanggang sa natapos ako. Napaupo ako sa upuan na gawa sa kahoy, pabilog ito at ang sa gitna ay isang puno na nagbibigay lilim sakin.

Kinuha ko ang panyo ko at saka pinunasan ang aking buong mukha. Tinggal ko din ang salamin ko at saka ito pinunasan. Malabo ang mata ko simula ng naghigh school ako kaya binilhan ako ni mama ang salamin. High School palang ako ng mamatay ang mama ko sa cancer. Mahirap lang kami kaya wala kaming pambiling gamot at pampaopera kay mama. Simula ng mamatay si mama ay laging naglalasing si papa. Sunod na namatay naman si papa sa sakit na diabetes. Labis ang pagdurusa na naranasan ko simula ng mawalan ako ng magulang. Sa eskwater lang kami nakatira ng mga araw na yun. Nagtrabaho ako sa murang edad para itagayod ang sarili ko at pangtustos ko sa aking pag-aaral. Grade 11 ako ng araw na pinuntahan ako ng tita ko kapatid ni mama. Kinuha nya ako at pinatira sa kanilang bahay. Akala ko magiging ayos na amg buhay ko pero hindi pa pala. Minamaltrato nila ako kapag nagkakamali ako sa mga inuutos nila. Ginawa nila akong utusan at minsan ay pinagtitripan pa ako ng kanyang mga dalawang anak.

Hanggaang isang araw hindi ko na makaya ang pinaggawa nila, sukong suko na ako. Unang pumasok sa utak ko ang suicide. Pumunta ako sa tulay nun hindi kalayuan samin. Walang tao sa pailigid dahil sa gabi na rin. Sinigaw ko lahat ng hinanakit ko.

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako. Mama isama nyo na po ako. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng mamatay!!!"

Umakyat ako sa tulay at saka malakas na umiyak. Hindi ko dapat maranasan ang ganito.

Tatalon na sana ako ng makarinig ako ng malakas na busena. Nilagay ko ang kanan kong kamay sa harap ng mukha ko para hindi masilawan sa ilaw ng sasakyan. Nang hindi na umilaw ang sasakyan ay bumababa ako at saka tiningnan ang taong lumabas sa sasakyan.

Nakita ko ang isang babae na pagewang-gewang habang papalapit sakin.

"Hey! You idiot! What are you doing?" lasing na tanong nito.

"Pakialam mo ba!," malakas na sigaw ko sa kanya.

Sa halip na matakot sya ay sinamaan nya ako ng tingin.

"Yah! How dare you to shout at my beautiful face" sigaw nito.

Agad akong lumapit sa kanya at saka sya sinalo nang makita kong matutumba sya.

Mapupungay ang mata nitong tumingin sakin. Gamit ang liwanang sa buwan ay nakita ko ang maganda nitong mukha. Meron itong blonde at kulot na buhok, perpekto ang pagkakahugis ng kilay nito, mahaba at makapal ang mga pilik, matangos na ilong at mapupulang labi.

"Hoy tangina mo. Sino ka ba? Ha! Bat moko hinahawakan" at saka ako tinulak ng malakas.

"Pasalamat ka sinalo kita kung hindi natumba kana kanina pa," masungit na saad ko sa kanya.

"Dahil sayo malelate ako ng uwi," naiinis na saad nya.

Inis na tumingin naman ako sa kanya.

"Hoy! Babae kanina pa sana ako patay kung hindi ka lang bumusina" sigaw ko sa kanya.

"Edi pakamatay ko pake ko" balewalang saad nito at saka umirap "Ituloy mo na ang pagkakamatay mo isturbo ka eh"

Dinuro ko naman sya.

"Hoy babae ang kapal ng mukha mo. Ako pa talaga ang isturbo, e ikaw nga itong-" nanlaki ang mata ko ng halikan nito at saka nya kinawit ang mga kamay palibot sa leeg ko.

"Ang ingay mo," saad nito ng maghiwalay ang labi namin.

Basta nalang ako hinila nito papasok sa sasakyan nya. Lalabas na sana ako ng kotse nya kaso nakalock na ito.

"Ano ba lalabas ako"

"No, your not going anywhere babe," at saka nya pinaandar ang kanyang sasakyan.

Yun yung araw na nagkakilala kamk ni Annicka. Dahil sa kanya lumaban ako sa problema ko. Lagi kaming nagkikita sa tulay kung sa'n sana ako magpapakamatay. Lagi kaming magkasama hanggang sa hindi ko namalayan na nahulog na ako sa kanya. Kinabahan ako ng una kasi baka hindi nya ako gusto base sa estado ko sa buhay pero nagkamali ako dahil nagtapat sya sa akin na gusto nya daw ako. Labis ang saya ko nun kasi mahal din ako ng taong mahal ko. Niligawan ko sya hanggang sa natanggap ko ang matamis nyang oo. Masaya kami na nagsama hanggang sa kailangan nyang umalis dahil sa modeling. Pumunta sya sa states pero hindi kami nawalan ng connection sa isa't isa.

Tinabi ko ang walis na hawak ko at saka pinunasan ang pawis ko. Pumasok ako sa loob at saka naligo. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya at kaba sa pagdating ng bisita ko. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong alam na taong bibisita sakin. Imposible namang si tita eh wala namang pakialam sa akin yun.

"Mike, ijo. Nandito na ang bisita mo," sigaw ni manang.

"Andyan na manang," sigaw ko pabalik at saka dali daling umayos.

Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan hanggang sa nakarating ako sa sala.

Nakita ko ang isang babaeng nakafitted dress na kulay pula. Hindi ko kita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito sakin.

*Ehem*

tumikhim naman ako sapat lang para marinig nya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang babaeng nasa harapan ko.

"Babe"

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon