Chapter 17

6.1K 405 14
                                    

Kevin Pov

Pagkatapos ng nangyari kanina ay nagsialisan na ang mga nanonood dito sa arena. Sinabi kasi ng Black Phyton na sumusuko na sila. 

At hanggang nandito parin kami ng grupo nakatingin sa Black Pyhton at Zd na nakaupo sa semento habang masayang nagkwekwentuhan.

" Nagseselos ako " biglang sabat ni Ian kaya napatingin kami sa kanya.

" Bakit? " tanong ni Frank.

" Dapat tayo ang kausap ni Noona eh " nakapout na sabi nya.

" Oo nga paepal talaga ang Black Pyhton na yan "

" Saka pano sila nagkakilala? "

" Gangster kaya si Zd? "

Mga tanong nila pero hindi ko sila pinansin at nakatingin kay Reymark na may pahampas hampas pang nalalaman kay Zd. Chansing sya ah!

" Tara lapitan natin hindi ko na kayang makita ang kalandian ng Reymark na yan " sabi ni Gary.

" Wala akong ake kung gangster pa sila " sabi naman ni Ralph.

Lumapit na kami patungo sa kanila.

" Kamusta na si Dark? " tanong ni Reymark kay Zd.

" Ok naman sya " may bahid na lungkot na saad ni Zd.

" Wag kanang malungkot nandito lang ako. Kung hindi ka lang bantay sarado ni Dark niligawan na kita. " sabi nito na kinainit ng ulo ko.

" Halila nga payakap " 

binuka nito ang kamay at aambahan na sana ng yakap si Zd ng madali akong lumapit nilayo ang mukha nya kay Zd kaya napaatras sya.

" Oh! Nandito pa pala kayo hari " sabat ni Zd.

" Kanina pa kami nandito. Hindi mo kami napansin dahil busy ka sa pakikipagtawanan sa mga to! " inis na sigaw ko sa kanya.

" Pasalamat nga kayo nanalo tayo eh "

" Nanalo nga tayo eh hindi naman nila tayo nilabanan " sagot ni Jayson.

" Ipapakilala ko pala kayo sa mga kaibigan ko " 

Pinakilala nya lahat ng members ng Black Pyhton. Hanggang sa kami na ang ipapakilala nya.

" Black Pyhton ito naman ng mga kaklase ko. "

" Ako si Gary "

" Jayson "

" Edwin "

" Frank "

" Ralph "

" Jose " 

Pinakilala nya na ang lahat maliban sakin.

" Ipapakilala muna ako " naiinis na sabi ko sa kanya para kasing wala syang balak na ipakilala ako.

" Nga pala yung mga binanggit ko sya yung mga alagad ni Hari *sabay turo sakin* " 

Nginisian ko naman si Reymark ng tumingin sya sakin.

" Sya Si Kevin Scott ang King ng Section Quinos. Sya ang hari ng mga ESPASOL " sigaw nya sa huling part kaya tiningnan ko sya ng masama.

"*chuckles* Hindi ka parin nagbago Zd. Ang hilig mo parin gumawa ng mga nickname sa mga grupo" sagot ni Reymark.

"Oo naman ako pa" pagmamayabang ni Zd.

"Pano ba yan tara na! Libre ko kayo" sabi ni Reymark.

Tsk... magpapansin lang naman sya kay Zd.

Mas gwapo pa nga ako sa kanya.

Ang Basagulerang Boyish sa Section Quinos (QUEEN SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon