Chapter 33

128 12 3
                                    

Chapter 33:



After Ruby went home, hindi kami kaagad nagkita. She spent all of her time with her Lola that one whole day. Hindi ko nga rin nakausap dahil ibinigay ko na sa kan'ya ang buong oras na 'yun na kasama niya ang buong pamilya niya.

Isa pa... I promised that I'll always be here for her. Hindi na ako kailanman mawawala at lalayo kahit na anong gawin niya. I'll always stay with her no matter what, that's why I am so confident to give all of her time with her Lola.

Hindi ko naman alam na kinabukasan lang din, mababalitaan kong wala na sila. I should've visited her. Sana, kahit isang beses, binigyan ko siya ng oras para dalawin. I regret all of it. I regret not visiting her.

It breaks my heart, but it breaks Anna and Ruby's heart even more.

Anna broke down the moment I told her about the news. She resorted to talking with Ruby. It made me happy but it hurts that someone has to die for this moment to happen.

Why?

"Hindi talaga ako sanay sa Architect Ria," Ruby said while I was driving her home after talking to Anna. She chuckled. "I like Ria but I like Anna more. Feeling ko kasi, ibang tao siya kapag Ria ang itatawag ko sa kan'ya."

I shrugged. "She's still the same. Ginawa niya lang 'yun to hide her identity to George."

She sighed. "Gusto kong magkita na talaga sila. Kaso, ayaw ko namang pangunahan 'yung dalawang 'yun. Bahala na nga sila."

I laughed. "Oo. Hayaan mo sila. Tayong dalawa ang isipin mo."

I glanced at her when she laughed. I saw her glaring at me. "After all of this shit, we'll talk about it."

Nang makarating kami sa harap ng gate ng compound nila, huminto na ako sa pagdi-drive. She looked at me as she removed her seatbelt.

"C-Can I come?" I asked.

She laughed. "Oo naman. Walang babaril sa 'yo d'yan at wala namang nagalit sa 'yo."

I smiled as I sighed. "Okay."

Lumabas na kami ng sasakyan. Umikot ako nang makarating sa kan'ya. Tumingin ako sa kan'ya at nakitang nakatingin siya sa akin habang nakangiti.

"Tara na."

Tumango ako bago sumunod sa kan'ya sa loob. Sa unang bahay pa lang, bakas na bakas na ang kalungkutan dahil doon nakaburol si Lola. There was a big photo of Lola Theresa smiling at the front porch, together with the flowers beside it. Nakita ko ang mga pinsan niya ro'n na nakangiti sa akin. Lumapit ako sa mga ito at nakipag-beso.

Ruby's mom came to me to greet me. "It's been a while. Kumusta ka na?"

Ngumiti ako sa kan'ya. "Okay lang po. I'm sorry, ngayon lang ako nakapunta."

Umiling siya bago ngumiti. "We understand. Okay lang. Ang mahalaga, nandito ka ulit," ngumiti ako bilang tugon. "Bukod kay Nanay Theresa, mahal mo pa naman ang anak ko, 'di ba?"

"Ma, 'yan ka na naman!" rinig kong reklamo ni Ruby. Bahagyang nagtawanan ang mga pinsan niya.

"Oo naman po. Hindi naman po nawala ang pagmamahal ko."

Yumakap siya sa akin matapos kong sabihin 'yun. "Ikaw lang talaga ang gusto ko para sa anak ko. Sana, ikaw na talaga."

Bahagya akong yumakap pabalik bago niya ako binitiwan. Ilang sandali lang din, nag-usap usap na kami ng mgabagay na nangyari sa amin the past years na wala kaming balita sa isa't-isa. I'm happy how they do well on their own field and how they became successful now.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon