Chapter 27

111 13 0
                                    

Chapter 27:

The following days, I focused myself on my work. Sa maikling pagkakataon, kinalimutan ko na muna ang problema ko at ang problema namin ni Ruby but I have a plan.

I know this is selfish but I just can't let this year go without seeing her.

Before the Christmas Eve, I drove away from the mansion. Sinabi ko kay Mom na pupuntahan ko si Ruby at babalik din para mag-celebrate kasama siya.

"Hmp," she rolled her eyes at me. "It would be better if you'd bring her here."

I smiled a little. Mom likes her a lot. Hindi ko naman siya masisisi dahil minsan niya lang nakilala talaga si Ruby, noong dinala ko siya for a day sa Manila para ipakilala sa kan'ya. Nagustuhan niya kaagad dahil napakanatural para sa kan'ya ni Ruby. Hindi katulad ng mga naunang girlfriend na ipinakilala ko sa kan'ya.

It was December 23, 02:32 a.m. when I arrived in Baguio.

I was few meters away from their compound. Ramdam ko ang lamig ng klima rito dahil sa nakabukas na bintana sa driver's seat at kitang-kita sa kinang ng mga Christmas lights na masayang magsi-celebrate ng pasko ang mga tao sa loob ng compound nila.

I was jealous. Ang dami nila palagi sa tuwing may celebration pero sa pamilya namin, madalang na marami kami. Madalas, dalawa lang kami ni Mom at ang mga katulong.

Sabi sa akin ni Anna, regular daw na nagsisimbang gabi si Ruby. Minsan kasama si Hennessey at ang iba pang pinsan, pero kahit mag-isa ay nagsisimbang gabi raw ito.

"You see, medical student si Ate Honey. Of course, 'yung pahinga niya, itutulog na lang niya kaya hindi ko rin masisisi si Ate Honey kung hindi niya masasamahan siyang magsimba. Henz is a party goer so madalas, may hangover. Vanessa and other cousins, walang tiyaga makinig sa sermon ng pari," paliwanag ni Anna sa akin noong patapos na ang nire-remodel na bahay sa Quezon City.

Ilang oras pa akong naghintay hanggang sa nakita ko ang pulang gate na bumukas. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Ruby na lumabas doon, suot ang putting sleeveless top, itim na jacket at dark blue pants. Naka-running shoes din siya. Magjojogging kaya siya matapos ng misa?

Nakita ko na itinapat niya ang dalawang kamay niya as bibig at hinipan 'yon, bago pinagkaskas ang dalawang palad, tsaka naglakad papunta sa sakayan ng tricycle o jeep. I secretly followed her using my car. Malayo ako palagi nang ilang metro sa kan'ya dahil natatakot ako nab aka makita niya ako.

Natatakot din akong makita ang reaksiyon niya kapag nakita niya ako.

Nang makasakay siya ng tricycle ay sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa Diocese of Baguio. Nang makapagbayad ay pumasok na siya sa loob ng simbahan. Naghanap lang ako ng mapagpa-park-an bago ako sumunod sa kan'ya sa loob.

Sa dami ng taong nagsisimba at dahil hindi ko na nakita kung saan siya dumaan, hindi ko na nalaman kung saan siya lumugar. Narinig ko na ang pagsisimula ng misa, nag-focus na ang mga tao sa pagkanta ng pangunahing awitin sa simbahan, hindi ko pa rin siya nakikita.

I sighed as I turned my back to face the front of the church when I saw her, standing and staring at me.

She knew...

She knew I was there.

She knew that I followed her.

***

Nang matapos ang misa ay tahimik lang kaming lumabas ni Ruby ng simbahan. Nakatayo lang kami sa loob ng simbahan sa buong oras dahil sa dami ng nagsimba kaya naman alam kong ngayon pa lang ay nangangawit na siya.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon