Chapter 31

124 14 0
                                    

Chapter 31:



Despite Ruby and I being in good terms now, hindi ko naman nakalimutan 'yung takot niya noong huling beses na magkita kami bago kami tuluyang maghiwalay. I am being careful with my actions towards her. I couldn't even touch her whenever we're together.

It's my fourth day here in Doha, Qatar.

Ruby spends most of her time with me by touring me around the city. Nag-relieve lang daw siya noon sa isang night shifter pero tuwing umaga raw talaga siya. Kaya naman tuwing matatapos ang trabaho niya, palagi na kaming magkasama hanggang gabi.

"Hanggang kailan ka ba naka-check in do'n?" kunot-noong tanong niya habang naglalakad kami sa Souq Waqif.

Maraming tao sa lugar na ito na katulad ni Ruby ay nakasuot rin ng hijab. Sabi sa akin bago ako pumunta ng Qatar, hindi naman daw kailangan 'yun lalo na sa mga turista. Ang importante lang ay manamit nang disente, lalo na raw ang kababaihan, pero dahil sa tagal na ni Ruby rito, natutunan na niya ang masanay sa kultura at tradisyon rito.

Now I understand why she didn't have a boyfriend on those three years. Ayaw kong umasa masiyado na baka mahal niya pa ako, pero hindi rin kasi p'wede ang PDA dito.

Sabagay... kung anu-ano iniisip ko. Kung magbo-boyfriend naman si Ruby, p'wede namang noon pang hindi pa siya nagpupunta ng Qatar. Bigla na naman akong napangiti sa naisip ko.

"Anong nginingiti ngiti mo r'yan?" tanong niya, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. "Hanggang kailan ka sa hotel?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Habang nandito ako."

Umirap siya sa akin bago tumingin sa mga taong namimili ng traditional garments na nadaanan namin. "Ang mahal mahal do'n, eh. Bakit ba do'n ka nag-check in?"

I chuckled as I shrugged. "Siyempre, sino bang pinunta ko rito?"

Bahagya siyang tumawa bago tumingin sa akin. "Ano? Ang dami-daming murang hotel dito, Architect."

Hindi ko alam kung bakit kapag tinatawag niya akong Architect, hindi na ako sumasaya, 'di tulad noon. P'wede bang alisin ko na lang 'yung title ko na 'yun at tawagin na lang niya ulit ako sa pangalan ko?

Nang makakita siya ng bench ay naupo siya ro'n. Sumunod ako sa kan'ya at naupo sa tabi niya. Naglagay ako ng sapat na space sa aming dalawa dahil hanggang ngayon, hindi pa rin naman ako sigurado kung okay na ba talaga siya sa akin.

Sapat na sa akin na nakikita ko siya... na okay kami at nakakausap ko pa siya nang ganito.

"Hanggang kailan ka sa Baguio?" tanong niya bago lumingon sa akin.

"Well... I think I have less than a year," she smiled at me as I said that. "Malaki kasi ang project at may iba pang project na kinuha ro'n na ibinigay sa akin bukod sa condominium building."

"Ohhh... okay," she smiled. "So, kasama mo si Ate Anna?"

Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung bakit niya itinatanong 'yon ngayon. May issue ba siya kay Anna ulit? Bigla akong kinabahan, ah?

She chuckled. "Kung anu-ano na naman yata ang iniisip mo. Wala akong issue sa kan'ya. Hinahanap siya ni George. Isang taon na," sabi niya bago tumingin sa harap at pinanood ang mga taong nagdaraan.

Napalunok ako.

Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Ruby na huwag niyang sasabihin kahit kanino na alam niya kung nasaan si Anna, hindi ba? Alam ko na ang selfish pero ayaw ko namang magkaroon kami ng alitan ni Anna. Malaki ang naging tulong niya sa akin para malaman kung kumusta na si Ruby at kung ano na ang balita tungkol sa kan'ya. I can't just let all her efforts of hiding to go to waste.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon