Chapter 30

113 13 2
                                    

Chapter 30:



After more than nine hours of travelling from Philippines to Qatar, I finally arrived. Hindi ko na masiyadong ramdam ang jetlag dahil kumpara sa travel time ko sa London, walang-wala itong sa Qatar.

Ruby is in Doha right now. Sumakay ako ng subway papunta sa hotel kung saan siya nagta-trabaho. Doon ko rin napiling mag-book ng pag-stay ko rito. Tutal, kung gusto kong makuha si Ruby pabalik sa akin, bakit hindi pa ako sa mas malapit sa kan'ya kung kaya ko naman?

After 10 minutes, nakababa na ako sa station. Naglakad lang ako nang kaonti, sinusundan ang direction sa kung saan ang daan papunta sa five star hotel na 'yon. Hindi ko pa kabisado ang daan dahil ito rin ang unang beses na makapunta ako rito. Nagtanong-tanong pa ako sa mga tao na nandito kung tama ba ang daan na pinupuntahan ko papunta sa hotel. Mabuti na lang, tama.

Nang makapasok ako sa hotel, dumiretso ako sa front desk. Pinakita ko ang hotel reservation na ginawa ko noong Thursday. Marami silang sinasabi sa akin at may kaonting pina-fill up-an. Hindi naman ako mapakali dahil kanina pa paikot-ikot ang paningin ko sa lugar.

Nasaan si Ruby?

"Hey, I'll go now!"

Sa boses pa lang, ramdam na ramdam ko na ang mabilis na pagbabago ng bilis ng tibok ng puso ko. Parang laging bago. Lumingon ako sa nagsalitang 'yon at nasa gilid ko, nakatayo si Ruby, suot ang kulay pulang hijab na tumatakip sa paligid ng maliit niyang mukha.

"Okay, Ruby!"

Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ako. Hindi na nga niya nagawa pang sumagot sa mga katrabaho niya. Hindi na siya naka-uniform tulad ng suot ng mga receptionist dito dahil naka-casual na traditional clothes na lang siya at bakas sa maganda niyang mukha ang antok.

Aalis na siya? Night shift siya? 8:30 pa lang kasi nang umaga pero bakit aalis na kaagad siya?

"Here's your room key, Sir!"

Naibalik ang tingin ko sa receptionist na may nametag na ang nakalagay ay Trixie. Nagpasalamat ako rito habang ang isa naman ay nag-offer na ihahatid na ako sa room number ko.

Hindi maalis ang tingin ko kay Ruby na nakahawak sa dalawang strap ng backpack niya ngayon, nananatili rin ang tingin sa akin.

"Let's go?" tanong sa akin ng receptionist na sasama sa akin sa room number ko.

Tumango ako, pero pinuntahan ko muna si Ruby para kausapin kahit sandali. Kinakabahan ako pero kung palagi kong palalampasin ang pagkakataon dahil sa takot o kaba, hindi ko makukuha ang ipinunta ko rito.

"Can we talk? Can you wait for me and not leave yet?" I asked her.

She didn't react. Siguro, alam na niyang ganito ang sasabihin ko ngayong nandito na ako sa harap niya.

She looked away before she checked her wrist watch. "Pakibilisan. Nasa lobby lang ako."

After she said that, she turned her back on me and sat on the couch in the lobby. Hindi na siya ulit tumingin pa sa akin hanggang sa makasakay na ako ng elevator.

Fuck... don't leave that damn place, Ruby!

Sabagay, kahit naman umalis siya, alam ko naman ang address ng apartment niya; makes me feel at ease now.

I sighed.

Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong lumabas. Ako na mismo ang naghanap ng room number ko. Nagpasalamat na lang ako sa receptionist kahit kitang-kita sa mukha niyang tawang-tawa na siya sa akin.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon