Chapter 16

118 13 0
                                    

Chapter 16



Masayang-masaya ang mga kaibigan ko nang malaman na nakabalik na ako sa Ortigas. They even set up a party for me on our old condo kung saan si Terrence na lang ang nakatira. Para sa akin, masaya na akong mag-inuman kaming apat but they invited their other close friends so we can have a small party together.

"Gago ka, ilang buwan kang hindi umuwi kahit isang beses lang! Huling uwi mo pa, 'yung may project pa kayo ni Connor na art gallery, gago ka!" mahabang reklamo sa akin ni Aldrin habang nasa living room kami, hinihintay ang ibang mga kaibigan namin, maging si Connor at Savannah.

I laughed. "Muntik na nga akong doon tumira, eh."

"Nako, pakiramdam ko may nabingwit ka ro'n, hano?" humagalpak ng tawa si Terrence bago nagbukas ng isang boteng beer gamit ang isa pang bote. "Tang ina niyo, ah? Pinagpapalit niyo kami sa mga babae niyo, ah?"

Natawa na lang kaming dalawa ni Aldrin bago namin kinuha ang dalawang bukas nang beer. Ilang sandali lang din ay dumating na si Connor at Savannah. Connor has always been serious sa aming apat. Mas lalo siyang nagmukhang seryoso noong nagkahiwalay sila ni Savannah but looking at him now, he looks so happy.

"Welcome back, Jin!" nakangiting bati sa akin ni Savvy bago nakipag-beso sa akin.

Hinila kaagad ni Connor palayo sa akin ang girlfriend na dahilan ng pagtawa namin. "Ang arte mong gago ka. Hindi kami talo ng Savannah mo!"

"Nagbibiro lang!" Connor defended himself, laughing.

"May babae 'yan pare, sinasabi ko sa 'yo," Terrence laughed before Connor sat on the space beside Aldrin. "Ayaw na raw umalis ng Baguio."

Tumingin sa akin ang dalawang bagong dating na para bang guilty ako sa isang krimen. Tinawanan ko na lang sila bago kami nagsimulang mag-inuman na. Ilang sandali lang din ay pinagbuksan ni Aldrin si Grace, at sumunod na ang ilang mga kaibigan namin doon.

"Hi, Jin!" masayang bati sa akin ni Grace bago nakipag-beso. "Grabe, ang bango mo talagang tingnan!"

Tinawanan ko na lang siya bago umusog nang sa ganoon ay makaupo na kaming lahat. Sampo lang naman kami at ang iba ay mas ginusto na maupo sa sahig.

"May girlfriend ka ba? Pwedeng mag-apply?" Grace joked. "Kidding! Hindi kita type."

Tinawanan na lang namin ang pagiging bubbly niya. I'm happy that Grace completely healed herself and the silent feud between her and Savvy has already stopped. Look at us now, we were all happy.

"Pakilala mo na sa amin girlfriend mo," Connor urged me before handling me a new bottle of beer.

"Hindi ko pa girlfriend," sagot ko bago uminom sa bote. "Nililigawan ko pa lang."

Tumawa si Terrence. "Wow, ah? Nanliligaw ka na pala?"

"Kaya nga! Ngayon lang yata 'yan?!" panggagatong ni Aldrin.

"Naka-move on ka na ba sa Anna mo?" tanong ni Connor dahilan para pakyuhin ko siya.

"Oo naman, tang ina mo."

Nagsimula na ring magtanong ang iba naming mga kaibigan pa tungkol sa amin ni Ruby kaya naman wala na rin akong ibang nagawa kung hindi ang ikwento ang lahat sa kanila, kung paano nagsimula, naudlot at naputol dahil sa koneksiyon niya kay Anna, hanggang sa nagtuluy-tuloy na.

Pati ang kung anong set-up namin ay kinwento ko na rin kasi alam ko namang pagkatapos ng sem na 'to, Ruby will be officially my girlfriend.

"Sus. Front mo lang pala manligaw. Nilalaplap mo pa rin!" bulyaw ni Terrence sa akin dahilan ng malakas na tawanan sa loob ng condo.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon