Chapter 26

121 13 0
                                    

Chapter 26:

"Putangina, mukha ka nang angkol!"

Humagalpak ng tawa ang tatlong kaibigan ko nang pagbuksan ko sila ng pintuan sa unit ko.

It's been more than a month when I went to Baguio to talk to Ruby. Tangina naman, magpa-pasko at bagong taon na pero 'yung taong pinangarap kong makasama sa bawat holiday, hindi ko na nakakausap at nakikita pa.

Why was the relationship I had with her ended that quickly?

Ibinagsak ni Terrence ang katawan niya sa couch bago binuksan ang TV. Dumiretso si Aldrin sa ref ko at kumuha ng mga alak habang si Connor naman ay nahiga na rin sa single couch, nakapatong ang binti sa armrest.

"Tangina mo, kapangit mo," humagalpak ng tawa si Terrence nang tumingin sa akin. Inabutan kami ni Aldrin ng tig-iisang beer in can. "Mag-ahit ka ngang putangina ka."

Umirap ako bago naupo sa paanan niya. "Ano bang pakialam mo?"

"Mukha ka nang matanda, putangina mo," natatawang sabi ni Connor bago ininom ang beer. I sighed.

"Nagtanong sa akin 'yung ex-crush mo kung ano bang nangyari sa inyo ni Ruby. Anong malay ko, sabi ko?" sabi ni Aldrin na nakaupo sa katapat na single couch na hinihigaan ni Connor. "Ang ganda nga pala no'ng Anna na 'yon. Kaya pala hindi ka maka-move on noon."

I smirked. "Bakit? Crush mo rin? Ako ngang pinakagwapo sa atin, hindi pinatulan noon, eh. Ikaw pa kaya."

Tumawa si Connor at Terrence sa sinabi ko. "Ang kapal naman ng mukha mong magyabang ngayon, ikaw na ang pinakapangit sa atin ngayon, baka nakakalimutan mo."

Natawa na lang din ako.

Ilang linggo akong nagpanggap na okay lang ako sa trabaho pero hindi ko napansin na napabayaan ko pala ang mga project ko. Ang daming mali sa measurement ng mga building na pinaplano ko at ilang beses na rin akong napagalitan dahil pangit ang mga layout ko at hindi raw ako sumusunod sa mga sinasabi ng kliyente.

"Hindi gan'yan ang trabaho ng Architect Jin na ni-hire sa company na 'to!"

I can still remember all the words that pierced my heart repeatedly.

Ngayon, isang linggo na ulit akong hindi pumapasok sa trabaho at sinabing nagkasakit ako. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang ayusin ang buhay ko. Pati trabaho ko naapektuhan dahil sa nangyari sa amin ni Ruby. Nakakahiya na.

"Umayos ka nga, pare. Tangina niyong dalawa ni Connor, mga pabigat kayo sa buhay kapag broken hearted," humagalpak ulit ng tawa si Terrence bago uminom sa beer niya.

Ininom ko na lang ang beer ko nang straight bago humiga sa kabilang dulo ng long couch at ipinatong ang paa ko sa mukha ni Terrence.

"Putanginang paa, napakabaho!"

Nagtawanan kami sa reklamo ni Terrence. "Ang tapang naman ng hiya mo! Baka nga mas mabango pa ang paa ko sa kili-kili mo, eh."

Muli kaming nagtawanan bago tuluyan nang itinuloy ang inuman hanggang sa malasing. Sakto lang din dahil weekend bukas kaya napagdesisyunan nilang mag-inuman dito sa unit ko.

Kahit kailan hindi ako nasanay na inilalabas sa mga kaibigan ko 'yung mga problema ko, lalo na kapag ganitong usapan. Kahit kailan, hindi ko nagawa 'yung nagawa ni Connor noong naghiwalay sila ni Savvy. Ngayon, gusto kong gawin 'yon pero paano? Nahihiya ako para sa sarili ko.

"Oy!"

Tumingin ako kay Aldrin na ngayon ay lasing na lasing na.

"Putangina mo, magkwento ka namang hayop ka! Ikaw lang ang walang ambag sa dramahan sa buhay dito, alam mo ba 'yon?"

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon