Introduction

347 21 0
                                    

Phenomena Series #2

Jamais Vu

(Never Seen)


"Marami pang mga kababalaghan sa mundo ang hindi pa napapatunayan ng siyensiya..."

Itinayo ko ang General Psychology book ko sa lamesa nang sa ganoon ay hindi makita ni Tanda na natutulog na naman ako sa klase niya. Sigurado akong uulitin na naman namin ang Theory ni Pavlov tungkol sa stimulus at cognitive response.

"There are different kinds of phenomena..."

Idinukmo ko ang ulo ko sa table at ipinikit ang mga mata ko dahil magsisimula na akong matulog sa klase niya. Hindi naman siya nag-iikot sa loob minsan kaya okay lang siguro. Masiyado rin akong inaantok dahil sa sobrang puyat sa plates ko. Kainis.

"Déjà Vu, a French word meaning already seen, Jamais Vu is never seen and Presque Vu means almost seen. These are the top three phenomena that are happening in someone's life..."

Habang nakapikit ako at unti-unti nang nahuhulog sa mundo ng panaginip ay narinig ko pa ang pagtikhim nito. Hindi ko na ito pinansin pa at tuluyan nang natulog. Sinabihan ko naman ang katabi ko na gisingin ako kung sakaling may ipagawa si tanda.

Sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ko ay naramdaman ko ang sunud-sunod na pagtapik sa akin ng kung sino, dahilan para imulat ko ang mga mata ko.

"What?!" iritang sabi ko.

"May activity, gago!" mariing bulong niya sa akin.

Napasinghap na lang ako bago iniangat ang ulo. Malabo-labo pa ang paningin ko dahil nga kagigising ko lang, pero kahit malabo, nakita ko 'yung nakasulat sa white board na malalaking letter na D O O R. Napaawang ang bibig ko sa paghikab, kasabay ng pagtawag sa pangalan ko.

"Good morning, Mr. Ocampo."

Napalingon ako kay Professor Campos na nakaupo sa mismong desk niya, tinitingnan ang kabuuan ng klase. Mabilis kong isinarado ang bibig ko at ngumiti sa kan'ya.

"Sorry po."

Tumango ito bilang tugon. "Magsimula ka na."

Napaawang ulit ang bibig ko bago lumingon sa katabi kong si Kyle na nagsusulat pa lang ng pangalan niya ngayon, halatang kagigising lang din.

"Po?"

"Sa back to back ng yellow paper, isulat mo nang paulit-ulit ang salitang door," nagbuntonghininga ito bago inayos ang suot na salamin. "Masarap bang ma-hele sa boses ko, Mr. Ocampo?"

Napalunok ako bago humingi ng paumanhin, tsaka humingi ng yellow paper sa nasa harap ko. Mabilis niya naman akong binigyan bago itinuloy ang ginagawa.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko na ngayon ay lahat nakayuko, abalang-abala sa paggawa ng pinagagawa ni Professor. Ang iba naman ay nagtatawanan dahil habang tumatagal, papangit nang papangit ang mga sulat nila, at ang iba naman ay napapatitig sa papel na para bang may kung ano silang hindi maintindihan.

Nagbuntonghininga ako bago sinimulang isulat ang pangalan.

"After submitting your paper, you can leave the class. You can ask me personally kung sakaling may gusto kayong itanong matapos ng pinagagawa ko," marahan na sabi ng Prof.

"Yes po," sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko.

Itinuloy ko na ang pagsusulat sa papel ko. Sa simula ay malinis at maganda ang pagkakasulat ko sa papel, hanggang sa, tulad ng iba, papangit na nga nang papangit dahil nakakangawit sa kamay.

Jamais Vu [Phenomena Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon