FATIMA'S POV:
Tahimik at payapa. Nasa Rooftop ako ngayon. Buti pa dito, Nakakaisip ako ng mabuti. Nagiging payapa ang buhay ko. Walang nakiki-epal. Walang humuhusga. Sana lagi nalang ganto. <3
Nakaupo lang ako sa isang sulok ng rooftop.
Parang ayoko na bumaba. Sana dito nalang ako lagi. Sana ganto nalang ang buhay ko. Payapa. Natatakot na naman akong bumaba. Ang nararamdaman ko ngayon na pagkakalma ay mawawala pag labas ko dito sa rooftop.
Bakit nga ba sila galit sa akin? Wala naman akong ginagawa na masama sa kanila. Ng dahil lang ba sa isang hindi makatotohanan na balita, magagalit na sila? Bakit? Sila ba yung nasa picture? boyfriend ba nila yung unggoy na yun? Hindi naman diba? Ang sesensitive nila. Ganto na ba ang mundo ngayon
Siguro masyado ko silang napa-dissapoint, akala nila mabait ako pero sa nakita nilang picture, Akala nila malandi ako. Hindi naman kasi totoo yun eh! Bakit ayaw nila akong hayaang magpaliwanag? Baka nga magawa ko yung bagay na yun!
Ni-isa sa mga kaibigan ko walang natira dahil sa isang walang kwentang larawan. Kahit yung boyfriend ko.
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.
"Ayoko na! Sawang-sawa na ko sa mga problemang yan! Hindi ko kaya 'to mag-isa! Gusto ko ng mamatay! Hindi ko na kaya!!"
Nagulat nalang ako ng bigla kong automatic na sumigaw. Ewan ko. Punong-puno na ata ako. Andami-dami kong problema.
Unang-una, Yung picture na yan na wala namang bahid ng katotohanan. Pangalwa, Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Wala namang gustong makinig sa akin. Pangatlo, pati mga kaibigan ko tinalikuran na ako. Pati sarili kong boyfriend kinahuhumian na ako. Pang-apat, Mas lalo akong pinandirihan ng mga schoolmates ko.
Panglima, Kinainisan na ko ng mga teachers ko. Kung dati, tuwang tuwa sila sakin. Ngayon, kinamumuhian na nila ko. Pangpito, walang kaalam-alam ang mama ko. Pano nalang kung malaman niya 'to? Patay ako. Pangwalo, wala akong masabihan o maka-usap. Unti nalang sasabog na ko.
They all hate me. :(
Masyado silang nanghusga agad. Mga wala namang katotohanan yang mga lumalabas na balitang yan eh. Bakit kasi sa lahat ng problema, yun pa ang dumating sa akin. :((
Hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya. Sa tingin ko, kailangan ko na talagang tapusin 'to. Ayoko na talaga! Sa bagay, feeling ko na din naman na mamamatay na ako sa sobrang dami ng problema ko. Yung sinabi kong kakayanin ko? Ayun, epic.
Patuloy pa din na umaagos ang mga luha ko.
Sakto nasa rooftop ako. Tatalon nalang ako para matapos na 'to. Matapos na ang buhay ko na punong-puno ng problema. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa dulo ng rooftop.
Dahan-dahan ako tumaas dito. Nakita ko ang school ground namen. Walang katao-tao. Sakto ang oras ko. Pumikit ako at patuloy pa din ang pag-agos ng luha ko.
Kailangan ko ng tumalon bago pa dumami ang mga tao sa labas.
Huminga ako ng malalim at ...
"Bye."
*Applause.
Napamulat ako sa narinig kong palakpak. Sino yun? May t-tao dito? Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalake. Pinunasan ko agad ang luha ko at kinausap ko siya.
"S-Sino ka?"
Uh? Hanggang ngayon pumapalakpak pa din siya. Sino ba 'to? Nagdadrama yung tao dito eh.