Chapter 18

121 1 2
                                    

ZY'S POV:

*Vibrates*

Jerico calling ...

"Hello pare, baket?"

"San ka?" -Jerico

"Bakit nga?"

"Gimik tayo. Gamit sasakyan ko. Tara!" -Jerico.

"Kelan?"

"Malamang ngayon! Gaguhan?" -Jerico.

"Ayusin mo kase ng di ka nagagago! Di ako pwede eh. May pupuntahan ako, next time nalang!"

*Call ended*

Himala. Ba't dati naman pag di ako nakakasama sa mga gimik ng barkada, nababadtrip ako. Pero ngayon, ayos lang. Kinakabahan nga ako ngayon eh. Hindi ko kasi alam kung ngayon ko na ba sasabihin kay Fatima yung favor ko.

Papunta na kong park. Di ko alam kung bakit park pa kame magkikita? Nga pala, oo. Pumayag siya na mag-kita kame. Ang dami nga niyang tanong bago pumayag eh. Baka nga akalain niya na may gusto na ko sa kanya eh.

Mas kikilalanin ko siya ngayon. Para naman pag nagtanong-tanong sa akin si dad, may masagot ako.

Malapit na ko sa park. Itinigil ko muna sasakyan ko, Tinignan ko muna kung nasaan siya at ayun siya, Nakita ko. Nakaupo sa 'bench' ba tawag dun? Naka-pants and t-shirt. Kailangan na talaga niyang magpapayat.

Ipinaandar ko na ulet yung sasakyan ko at pinark sa tapat ng gate. Sinuot ko na yung shades ko para walang makakilala saken. Ganun din ginawa ko friday nung  eh. Mahirap na, baka ma-issue. Bumaba na ko at nakita na niya ko. Pumunta ko sa harap niya.

"Tara?" :) pag-aya ko. Tumango naman siya at sumakay na ulit kame sa sasakyan.

"Bakit nga pala dito ka nagpakaon?"

"Ahh, ehh.. kasi ano.. baka di ako payagan nina Mama. Nasa bhahay kase sila ngayon eh. Di ako nun pinapayagan mag-gala eh. Hehe.." sagot niya saken.

"Ahh, ganun ba? Eh anong pinaalam mo sa kanila?" tanong ko. Baka malagot pa kame pag nahuli siya.

"Amm, basta! Hehe. San ba tayo?" balik-tanong niya sa akin.

San nga ba kame? Hala. Mas inisip ko kasi yung sasabihin ko para ngayon eh. Yung kung pano ko siya papapayagin sa favor ko.

Drive ako ng drive, di ko naman alam kung san kame pupunta!

"Ahhh, hindi ko din alam eh." sagot ko sa kanya. Gaguhan lang.

"Ha?! Hahaha. Baliw ka. Nang-aya kang umalis, wala naman pala tayong pupuntahan. Hahaha!" :3 bigla niyang pagtawa.

Napatitig ako sa kanya. Ang ganda niya pag nakatawa.

"Hahahaha--- uyy? Zy! Okay ka lang? San na tayo ngayon?" :) tanong niya.

Napabalik naman tingin ko sa daan. Mas maganda pala siya kapag nakangiti.

"S-sa bahay nalang namin. Hehehe." bigla kong nasabi.

Ewan, wala na kong maisip na lugar eh. Siguro mas komportable ako kung nasa bahay kame. Atleast masasabi ko dun ng maayos yung favor ko.

"Ahhh. Sige.." :) sagot niya.

"Uy Zy!" *pout* Bigla niyang sabi.

"Oh? Baket?"

"Nakakahiya naman ata kung pupunta ko dun. Ano bang gagawin natin?" tanong niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This girl gone wild!Where stories live. Discover now