FATIMA'S POV:
2 days has passed. Pero hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin nila yung chismis na yun. Hanggang ngayon tinitiis ko pa din sila. Hanggang ngayon, hindi pa din ako pinapansin nila Julie, Steff at Bren.
Ang sakit lang. :(
Di pa din nila ko pinapansin. Forever alone pa rin ako hanggang ngayon. Siguro kailangan ko lang masanay? :(
Pero nga diba, Ta-try kong kayanin 'to. Alam ko sa sarili ko kung ano ang tama at yun ang pinapaniwalaan ko.
"Okay listen class. So, there is an upcoming surprise presentaion for the birthday of our principal. So, kailangan natin ng magpe-perform sa section natin para sa friday. Yes, sa friday na siya agad. Hindi naman kasi planado at expected 'to. Kaya parang minadali na lang. But the officers can handle it naman, I trust them. So, anong gagawin natin?" sabi ni adviser namin.
Hmm? Ano daw? Presentation?
Ahhhhhhhhhh. K.
Di naman ako interesado diyan. Lalo na't nangongroblema pa din ako para sa chismis na yun! Di ako nakikinig sa teachers nun whole. I'm so stressed. Lumilipad ang utak ko ngayon. Pero teka, kailan pa nagkapakpak utak? :/
"Ma'am! Sayaw nalang kami!" sigaw nung isa kong kaklase na magaling sumayaw.
"Oo nga Ma'am!" sigaw naman nung kaibigan niya.
Hayy. Bahala na nga sila.
"Sayaw na naman? Lagi nalang sayaw ang ginagawa ng section na 'to! Di na kayo naumay!" sigaw nung isa kong lalaking kaklase.
"Oo nga!" pag sang-ayon naman ng mga kabarkada nito.
"Ano naman?!" palaban namang sagot nung mga babae kanina.
Tss. Para yan pinag-aawayan.
"Class! Ssshh. Tahimik muna.." saway ni Ma'am.
Tumahimik naman ang mga kaklase ko.
"Sasayaw na kasi yung ibang section. Mmm.. kung kanta nalang kaya?" pag-suggest ni Ma'am.
"Po? Wala naman atang maalam kumanta dito ma'am eh!" sigaw nung lalaki kong katabi.
"Lahat tayo maalam, konti nga lang ang magaling." sagot ni ma'am.
"Amen!" sabay-sabay na sagot ng kaklase ko.
Di ako nakikisali sa kanila. Wala ako sa mood at sigurado namang di ako mapipili diyan. Mahiyain ako noh.
"Ma'am! May kilala po akong magaling kumanta!" >:) sigaw naman nung pinakamaarte kong kaklase.
Nagtinginan silang magkakaibigan. Take note, grupo sila ng malalandi at maarte. Pero mas malandi at maarte naman yung 'BRATZ' na yun sa kanila.
"Oo nga ma'am!" pag sang-ayon ng mga kaibigan niya.
Speaking of Bratz. Si Kassandra nga pala? Nakalimutan ko na yung tutor thingy..
"Oh? Sino?" -Ma'am
Bakit kaya di man lang ako kinulit nung bruha na magpa-tutor. Siguro nandiri na rin siya sa akin, Tutal matagal na naman niya kong pinandidirihan. Well siguro MAS PINANDIRIHAN yung ngayon.
"Si Fatima po!" sabay-sabay nilang sagot sabay Evil Smile.
Tss.. (-_________-")
Sino daw? Fatima?
Ano daw? F-fatima?!
Ako lang naman ang Fatima dito diba? Wait. A-ako?!
They must be joking! Di pa nga nila kong naririnig na kumanta. How would they know? Trip na naman ata ako ng mga 'to! Nanahimik ako dito eh!
"Fatima. May talent ka pala sa pagkanta eh. Okay. Kung ikaw na--" -sabi ni Ma'am. Pero pinutol ko yung pagsasalita niya.
"P-Pero Ma'am! Hindi p--" -Ako.
*KRIIING!!
Tsss. Kailan ba ko natapos magsalita! Lagi nalang!
"Okay. Time na. Ikaw nalang Fatima ha. Pumili ka ng magandang kanta para sa principal natin. Pratice na. Sa friday na yan. You only have one day to practice. Okay?" sabi ni ma'am na nagmamadali. Paalis na din kasi. May date siguro?
P-pero ano daw?! Ako? One day to practice? WTF! Badtrip na nga ko ngayon, dagdag stress pa! Errr!
"B-but Ma'am!" pahabol kong sigaw pero nakalabas na si ma'am ng room.
Recess na. Nasa room pa din ako. Di ko alam gagawin ko. Dinagdagan na naman ang problema ko. Yung mga nakakaasar na makakati ko kasing mga kaklase! Trip na naman ako.
"Ha-ha-ha! Goodluck Nerd." pang-aasar sa akin nung mga malalandi kong kaklase. :(
Iniripan ko nalang sila. Psh. Nakakainis na, super! :/