KASSANDRA'S POV:
Hi nandito na naman kayo sa POV ko! Bawal magbasa ang di pa naliligo, madudumihan ang POV ko. Hahahaha! Kung ayaw niyo sakin. Aww, wala akong pake! Whatever. So here it goes..
Nakarating na din kame ng bahay. Sa wakas. Nakita ko namang napanganga siya sa laki at ganda ng bahay ko. *smirks*
Chosera! Hindi 'to sakin. Hahaha! Lagi naman wala dito sila mama eh, as usual. Nga pala, san ko dadalhin 'tong matabang 'to? Hmmm? Magtu-tutor kame so sa library nalang namin.
"Ang yaman niyo naman Kassandra." sabi niya.
Wow. Feeling close at kailangan sabihin pa yun? Obvious naman eh. Mayaman na ko sincebirth.
"Alam ko. Just shut up and sit in there."
Well, nandito na naman kami sa bahay kaya walang takas na siya sakin. Kaya pwede ko na siyang tarayan! Hahaha. Matibay naman siguro yung upuan naming yon, imported eh. Makakaya naman siguro siya nun.
Biglang nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko.
Kristina calling...
Lumabas ako para sagutin yung tawag. Baka marinig pa ni taba yung plano namin eh.
"Hello."
"Anyare na girl?" -Kristina
"Andito na siya. Ano ng gagawin ko?"
"Nice. Yung pampatulog na girl." -Kristina
"K. Pano ko gagawin yun?"
"Duh! Eh di ihalo mo kung san, sa juice, sa icetea, sa kape!" -Kristina
"K! Chill! Sipain kita eh."
"Tsss. Gusto ko kasi sana kasama ako." -Kristina
"Eh di nahalata tayo? Alam naman ng lahat na number one bully ka nun eh."
"Kasalanan ko bang ayaw ko sa kanya. Hahaha." -Kristina
"Baliw. Ge na, bye!"
"Bye goodluck!"
Tinawag ko agad yung katulong namin, kung sino man sa kanila.
"Yaya!!!!!!!!!!!"
Sumigaw nalang ako nakakatamad bumaba eh. Akyat-baba na ko eh. Nakakapagod din kaya!
"Bakit po ma'am?" agad-agad namang tumakbo yung katulong pataas.
"Gawan mo ko ng juice kung ano man meron dyan. Tas ihalo mo 'to, bilis!" utos ko sa kanya sabay bigay ng pampatulog.
"M-ma'am? Eto po?" gulat na tanong ni Yaya.
"Ay? Hinde-hinde! Tsk! Oo! Alangan! Ano pa bang binigay ko sayo?! Alangan naman yang daliri mo ang ihalo mo diba?! Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Dali na!"
"O-opo!" sagot niya at tumakbo na siya pababa.
Nakakainis naman oh. Ayoko sa mga tanong eh. Kabwiset! Tapos ang tagal pa niya! A'a naman!
(A/N: Kakababa lang nung katulong ah? Loka-loka mga characters ko.)
"Bilisan mo yaya naman!!!" sigaw ko. Agad naman siyang tumaas.
"Hay nako ang tagal eh."
Ice tea yung tinimpla niya. K!
"Nahalo mo na ba?" tanong ko
"P? O-opo!" sagot niya.
"Good!" utos ko.
Tss. Takot na takot eh. Kala mo naman halimaw ako, ganda ko namang halimaw! Nakakabadtrip eh.
Binuksan ko yung pinto. Dahil badtrip ako, nabagsak ko tuloy yung pinto.
*BOOGSH!
Bigla naman nagulat yung Fatima.
"Hey you want some drinks?"
"Huh? Sige, wag nalang Kassa--" sabi niya. Pinutol ko 'to, Kailangan niyang inumin 'to.
"Okay. Here you go." Agad kong sabi.
Biglang parang nagtaka yung mukha niya. Tss. Is that a face or a pwet?
"Just wait here and drink that, may kakausapin lang ulit ako. Stay here UNDRESTAND?"
sabi ko sa kanya pagkapatong ni Yaya nung drinks sa table.
"Huh? O-okay." sagot niya ng pautal.
Isasara ko na yung pinto ng --
"Drink that OKAY?!" sigawan ko siya. Aba. Pag di niya ininom yan, ako ang malilintikan.
"Ahh.. O-oo." sagot niya.
Good girl. Uto-uto for short. Pwede ka ng mag-apply bilang pet dog. Ha ha ha.
"Hello?" -Kristina
"What's next? Nabigay ko na."
"Ummm, tawagan mo na si Francis." -Kristina
"Sinong Francis?"
"May kilala ka pa bang ibang Francis? Syempre yung ex mo!" -Kristina
"Oh? Anong kinalaman niya dito?"
"Gagamitin natin siya eh. Sinabi ko na sa kanya 'to dati eh, ewan ko lang kung naalala pa niya." -Kristina
"Ah. Close kayo?"
"Bakit selos ka girl? Hahaha. Last month pa yun, nakafling ko lang. Wag kang over!" -Kristina.
"Ahh. Haha sige. Tapos nun?"
Ba't ganto nararamdaman ko? Parang... ewan!
Then sinabi niya sakin yung plano.
"Haha. Exciting! Pero seriously pumayag siya sa ganun na plano?"
"Sino? Si Francis? Hahaha! Ikaw naman parang di mo naka 1 year and 5 months yun noh. May pagka-badboy din yun ah!"
Hindi lang ako makapaniwala. Ang sweet-sweet kaya niya sa akin.
Pero mukhang good idea 'to. Atleast masisira namin image ni Fatima. Hahaha. May clue na ba kayo sa gagawin namin?
Isang nakaka-stress na exciting na araw 'to!