FATIMA'S POV
Goodmorning! Umagang-umaga goodvibes ako! Yipeee. Goodluck nalang sakin pag sinigawan ako ni Kassandra at ngayon I'll explain everything to my friends and to my Bren! :)
Ang saya-saya ngayon! I feel that today is gonna be a new day. SIguro tinupad na ni Lord yung pray ko kagabi? Hahaha!
"Lalala~" I sang while walking.
Malapit na ko sa school. Yea. Naglalakad lang ako, pampabawa fats! Pero useless naman kasi malapit lang. Hahaha! Andito na nga ako eh at dahil goodvibes ako, babatiin ko si manong guard! Wohooo!
"Goodmorning kuya!" :)
Nginitian lang niya ko at dumeretso na ko sa paglakad. Ba't ang dami atang tao dito sa labas ngayon? Anong meron?
*Lakad-lakad. Oops. Nakatingin sila lahat sakin? Hahaha. Why? Tch, di ka pa nasanay Fatima eh lagi ka namang pinagtitinginan ng mga yan. Pero bakit ganun, parang may iba sa tingin nila?
"Is that the bitch? Hah! Grabe may gana pang pumasok 'to araw-araw noh?"
"Yea. Napakalandi!"
Narinig ko yung bulong-bulungan ng mga tao. I was curioused. Sino yung malanding yun? Uy! May nakita akong new post sa bulletin. Matignan nga ng hindi naman ako mahuli sa news. Hehehehe.
"Excuse me po!" :) sinabi ko sa mga nakaharang.
Tapos bigla silang tumingin sakin lahat. As in lahat tapos nagbigay silang way. Woah? Anong meron? Ang awkward ha. Tapos halos lahat sila nagbulungan.
Oh well, dumeretso nalang ako papuntang bulletin at nakita ko..
What is this?
Tama nga ako, nahuhuli ako sa usapan.
Kase ako yung pinag-uusapan nila.
Gosh what the hell is this?! Nakita ko ako yung top article ng newspaper namin ngayon!
FATIMA MARIE PADILLA KIDNAPPED HER ULTIMATE CRUSH!
Fatima Marie Padilla of fourth year section A was caught in the act bcjksdnjcnajcnka.
Tapos may picture dun na nakatalikod ako with my uniform on tapos may lamesa dun at puro beers around. Tapos yung lalaki nakatali sa upuan! Yes! As in tali para di makatakas! What's is this?! Ano 'to? Pinapalabas naman nila na obsessed ako?! Take note! Nakatopless yung boy. What the freaking ew!
"Wow what a great actress! Nag-acting pa na kunyare gulat! Tss."
"Loka nagulat siya kase lumabas na yung baho niya!"
"Yea sa sobrang taba niya, pati mukha niya nadamay. Ang kapal!"
"Akala mo kung sinong pa-virgin. Tsss. Bitch!"
Grabe naman sila! Magbubulungan na nga lang ang lakas pa! I can't take these anymore! Ang sakit nila magsalita at bakit naman ganto yung pinalabas nila sa dyaryo?! Hindi ba dumaan 'to sa principal?! I'm not saying this because I'm guilty! I'm saying this because ang sushunga nila! Hindi nga man lang tinanong sa akin kung totoo ba 'to eh! They didn't even asked my side! Sisiraan na nga lang nila ko, sisirain pa yung image ng school!
Humahagulgol na ko. I ran to the comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle and I locked myself in. Anytime gusto ko ng lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan! I want to be invisble! :((
*SPLASH!
Shit! Nantitrip pa din sila? Masyado ng malayo nadadating nila ha! Sumosobra na sila! Binasa lang naman nila ko ng isang baldeng malamig na tubig! Basang-basa na ko!