Chapter 1

377 10 9
                                    

FATIMA'S POV

"FATima! FATima! Hahahaha"

"Bagay sayo pangalan mo! Pang-FAT-ima talaga!"

"Tara na nga girls, Baka mahawa pa tayo sa katabaan nan!"

Nakakaasar na sila. Hayyyy. :(

Salamat at tumigil na sila kakatukso sakin. Buti nalang sanay na ko sa pagkikimkim ng sama ng loob. Since first year highschool trip na nila ko at hanggang ngayon na fourth year na ko.

Inaano ko ba sila? Mabait naman ako ah? Sa panahon ba ngayon, masama na maging mataba? May batas na bang bawal magpataba? Masarap kaya kumain! Bawal na ba? Kung ganun man, di ako updated dun ha! Atleast kaming matataba, pag nawalan na ng pagkain sa mundo mamamayat lang! Eh kayo? Tuyot na. :(

Bakit kasi Fatima pangalan ko? Yung talagang may word na magdedescribe pa sakin. Tatanungin ko nga si mama mamaya. Siguro alam na niya na magiging mataba ako kaya yun na pinangalan niya sakin? Hmmm.

Pero ewan ko, bakit ganun. Di naman ako yung super taba! Siguro? Medyo lang naman. Over lang siguro sila o nagiging optimistic lang ako? Hay basta! Mataba na nga lang!

Nandito nga pala ako ngayon sa may bench sa field. Iniintay ko kasi yung mga kasama ko. Yung bestfriends ko pati yung boyfriend ko.

Yaaa! Tama pagkakabasa niyo! Boyfriend! Kahit naman ganito ako kakorni, may social life pa din naman ako kahit kaunti. The best nga sila eh kasi they treat me normal at lagi silang nandyan para sakin.

2nd month of school na ngayon kaya puro pambubully na naman ang nangyayari sa akin. Di na sila nagsawa eh. Wala namang madudulot sa kanila yun. Nagsasayang lang sila ng mga laway nila lalo na yung grupo ng babae na paborito akong bullyhin.

They call themselves, bratz. Ang korni noh. Pipili na nga lang ng pangalan eh. Sila sina Kaycee, Veronica, Bea at ang leader nila na si Kristina. Pero okay lang, bagay naman sa kanila yung pangalan eh. Kasi brats means spoiled and ill-mannered. Yung kumbaga pang kontrabida lang talaga ugali sa mga teleserye.

Oha. Kahit naman ganito ako kachararat, matalino naman daw ako. Atleast may sense ako dito sa eskwelahan na 'to diba! Kaso yun nga lang, tawag naman nila sakin nerd. Pero hmmm choosy pa ba ko? Mas okay naman yun kesa sa iba nilang tawag sakin.

 "Hoy Fatima! Kanina ka pa namin tinatawag ah! Ano bang nangyayari sayo?!"

Ay nandyan na pala sila!

"Andyan na pala kayo. Di ko kayo naramdaman ha!" pagbati ko sa kanila.

"Ay wala-wala! Nandun kame!" "Hello? Kanina pa kami sigaw ng sigaw malayo pa lang!"

 Hala? Kanina pa daw eh wala naman ako naririnig.

"Eh? Gagalit? Di ko narinig eh." sabi ko.

Nga pala, sila pala yung iniintay ko. Yung bestfriends ko, si Julie at si Steff.

"Sus. Sabihin mo, ang lalim kasi ng iniisip mo!" sabi ni Julie sabay irap.

"Oo nga. Inaway ka na naman ba nung mga pokpok na yun?" taas-kilay na sabi ni Steff.

Oh diba alam na nila agad. Pano kasi, daily routine na nila yun. And sorry for the word pero yung mga pokpok na yun are reffering to the bratz.

"Ha? Ha-ha. Hayaan niyo na yung mga yun. Nasan nga pala ang Bren ko?"

Wala kasi siya kanina pa. Akala ko naman nahuli lang. Si Bren yung boyfriend ko guys! Parang magtotropa na kaming apat. Magf-five months na ata kami? Hehe. Di ko alaaaam! Saka segway ko na din yun para ma change topic na. Ayoko nung topic namin kanina eh.

"Ha? Tinext ka daw niya ah! Loka ka ba?" -Julie

"Oo nga, sabi nya di daw siya makakapasok ngayon." -Steff

"HA?! BAKIT DAW?!" pabigla kong sabi.

"Ay! Wow? Ang layo namin ha! Try mo kayang basahin yung text, di nakamamatay!" 

Ay oo nga noh? Kinuha ko yung phone ko. Nagtext nga siya!

1 NEW MESSAGE:

From: BREN <3

Goodmorning po! :* Nilalagnat po ako ngayon kaya di ako makakapasok. Sorry! Kahit wag ka na magreply. Ingat ka dyan ha? Kumain ka din po. Loveyou. :)

Awww. May sakit pala siya. Sayang wala akong load! Na-cut na kasi kagabi. Eh natatakot ako lumabas kagabi, ang dilim na kasi. Tapos nakalimutan ko naman kaninang umaga.

 "Oh? Ansabe?" -Julie.

"Eee, may sakit daw siya eh." 

"Loko siya. Dinadapuan pa pala yun ng sakit! Tapang nung virus na kumapit sa kanya ha." -Julie

"Hahaha. Gagi, tara na nga sa room!" -Steff. 

Tumayo na ko at pumunta kami sa lockers. Dumeretso naman kami agad sa room.

*Classroom.

Umupo na ko sa seat ko. Malapit lang naman kami sa isa't-isa.

"Mag-CR lang kami. Sama ka?" -Steff.

"Ha? Hindi na. Di naman ako naiihi."

"Okaaaay! Chao!" -Steff.

Sus. If I know magpapacute lang yung mga yun. Hahaha. Saka nakakapagod kaya tumayo-tayo. Saka baka nandun din yung mga bruhidang bratz.

Alam niyo ba, tuwing kasama ko sila nao-OP ako. Di naman dahil di kami close kasi ang si-slim nila at magaganda sila. Chix for short. Bakit ganun? Pero matatalino din yung mga yun. Kaya kami nagkakasundo eh. Mga kalog din sila, halata naman eh. Ako din naman naman medyo kalog, pero medyo lang talaga. Saka sa kanila ko lang pinapakita yung ugali kong yun.

"Hoy taba." Huh? Ano yun? Baka imagination ko lang.

"Hoy baboy!" Tsss. Hindi ko na 'to imagination for sure at panigurado ako tinatawag neto. Hindi baboy ang pangalan ko. Duh!

"Wow! Isnabera! Kinaganda mo yan 'te?!" Nakakaasar na siya. Srsly.

"Problema mo?!" pasigaw kong sabi.

This girl gone wild!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon