Chapter 4

237 1 0
                                    

FATIMA'S POV:

Tumatakbo pa rin kami, ewan ko kung san kame pupunta. Pabalik naman kame sa may kaloob-looban ng school. Seriously, Ang gulo niya! Kanina palabas kami ng school tapos bigla kaming bumalik? Hinahapo na nga ako eh. Ang bilis kasi niya. Pag bumagal naman ako, sisigawan ako.

 "FASTER DORK!" sigaw na naman niya.

Urgh. Kung di lang siya nakakatakot eh kanina ko pa siya nilabanan. :( Nakita ko nalang na nasa may parking lot na kame. Lumapit siya sa isang mercedes benz na sasakyan.

Woah? Sa kanya 'to? Nganga ako, ang yaman niya talaga! 

"What are you waiting for again?! Lagi ka nalang nakatunganga! Akala mo ngayon lang nakakita ng maganda! Pwede ba bilisan mo na at pumasok ka na!" sigaw na naman ni Kassandra.

Natauhan ako sa sigaw niya at sumunod naman sa kanya. Di ko alam kung bakit napapasunod niya ko. Nakakatakot kasi talaga lalo na kung isa kang duwag na katulad ko. :(

Pero teka, san nga ba kami pupunta? Ah! Sa bahay nila. Nakakainis eh, siya na nga lang 'tong humihingi ng favor siya pa 'tong demanding. Ewan ko ba? Ngayon lang naman naging ganyan yan. Sa pagkakaalam ko kasi ayaw niya sakin at kapag ayaw niya hindi niya talaga gagawin. Oh eh bakit ganun?

Teka nakalimutan ko na sila Bren. Pano kaya yun? Baka magalit sila Julie sakin, mga impatient pa naman yung mga yun. Tapos di ko pa sila natetext. Tapos pag sinabi ko namang naduwag ako kay Kassandra, magagalit yung mga yun. Ayaw kasi nilang nagpapadala lang ako dun. Kayang-kaya ko naman yun. Pero bakit di ko magawa? 

Tapos sila mama pa? Lagot ako dun! Bawal pa naman akong magpagabi! May curfew pa ako. Lagot ako dun. Huhuhu. Ano ba 'tong pinasok ko? I will explain everything nalang.

 Tinignan ko yung wrist watch ko. 5:43 pm.

"Tsk!"

Tinignan ko din yung phone ko. 22 new messages.

Shet naman. Dito palang kinakabahan na ko! Ang tanga-tanga ko kasi! Huhuhu.

Okay lang naman diba? Tutor lang naman eh. Tuturo lang yan, Fatima. Pagtapos nan, wala na. Chill ka lang Fatima, chill. Wooo. Malay mo pagtapos nan maging kaclose mo na sila. Wala ng magalit sayo. Oh diba? Be optimistic mind! Please. Ayokong bad ideas. Magagalit lang naman sila mama ng isang araw. Sigaw lang yun, kaya ko yun. Pagtapos nun di ko na uulitin. Babawi nalang ako sa kanila. Papaniwalaan ka naman ng mga yun kasi mahal ka nila. Hayyyy. *Inhale-Exhale*

(A/N: Kausap ni Fatima sarili niya. Baliw ata yan eh.)

Kailangan ko kumalma! Wooo. May mabait namang side si Kassandra eh. Oo, mabait yan! Kapag naging mamaw siya, tatakbo nalang ako. Pero parang ang layo ng bahay nila eh. Bakit ganun? Kapagod naman tumakbo nun, pero okay na din pampayat siguro?

Hayyy! Ano ba 'tong iniisip ko. Kabado pa din ako. Kailangan kong pampakalma! Pagkain kaya? Err! Nasa sasakyan ka Fatima wala naman ako pagkain dito. Ahh! Alam ko na, gagawin ko yung turo ni mama. Magbilang daw ako ng 1-100 para kumalma. Kahit hanggang isang-libo pa 'to, kumalma lang ako!

*Hingang malalim*

1 .. 2 .. 3 .. 4 .. 5 ..6 ..sibin..

(After 3 minutes..)

 53 .. 54 .. 54 .. uhhh? .. 55 .. 56 ..57 .. 58 ..

 (After 5 minutes..)

131 .. 132 .. 133 .. 134 .. 135 ..

Beep beep! Beep beep!

Ay shet! Bakit bumusina? Nakakagulat eh. Tumingin ako sa labas. Wow! Ayaw ba manakawan ng may ari neto? Ba't ganito kalaki gate neto? Kaninong bahay ba 'to?

Biglang binukas yung gate ng mga yaya sa loob. Tas umandar yung kotse. So that means.. di nga?! Kina Kassandra 'to? Kaya pala malaki yung gate kasi malaki din yung bahay! Kuwawa naman sila pag sarado 'tong gate na 'to tapos galing sila sa labas tapos hinahabol sila ng aso. Ang hirap umakyat sa gate nila. Nakow!

 "Hey get out. We're here!" sabi ni Kassandra at lumabas na siya ng kotse nila.

Lumabas na ko at sumunod sa kanya. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Woah! Nakakasilaw naman sa loob! Ang liwanag! Umakyat siya, sumusunod lang ako. Binuksan niya ang isang malaking pinto. Pagbukas nun..

Wow! I like this place!

Puro books! Isa siyang library! Ang gara! Ang peace ng lugar. Sarap siguro tumira dito? Ang yaman nila grabe!

 "Ang yaman niyo naman Kassandra!"

 "Alam ko. Just shut up and sit there" sabi niya sa akin.

Hmm! Taray talaga. Umupo nalang ako dun sa mini-sofaset nila sa gitna. Tapos lumabas siya, may kausap ata sa phone? Speaking of phone..

32 new messages.

Ang dami naman neto, puro kina mama lang naman 'to eh. Wala naman ako load eh. Nilagay ko nalang sa bag ko yung cellphone ko at kinuha ang notes ko. Ano nga bang ikiquiz sa math?

*BOOGSH!

Ay kabayo! Nakakagulat naman yun.

"Hey bitch you want some drinks?" tanong niya sakin.

 "Ha? Sige, wag nalang Kassa--" naputol kong sabi sa kanya.

 "Okay sure! Here you go." sabi niya at saktong may pumasok na maid na may dalang tray na may lamang baso with ice tea.

Hala sabi ko wag nalang eh?

"Just wait here and drink that. May kakausapin lang ulit ako. Stay here understand?!" sabi niya sa akin.

 "O-okay."

"Drink that okay?!" she shouted.

 "Ahh! O-oo." sagot ko.

No choice naman ako eh. Busy naman niya, pano ko naman siya matuturuan nan? Sayang yung oras oh. Ganyan ba talaga pag anak mayaman? Saka ba't pinapainom niya ko nito?

 Oh well, uhaw na naman ako eh! :)

This girl gone wild!Where stories live. Discover now