Chapter 10

144 2 2
                                    

FATIMA'S POV:

"Anong ibig sabihin neto?!" pasigaw na tanong ng principal habang hawak-hawak niya yung dyaryo na nasa bulletin board kanina.

Tahimik lang ako. Wala naman akong kinalaman diyan.

"Ms. Padilla?!" sigaw sa akin ng principal. Nagulat naman ako. Bakit ako?

Ladies first ba?

"Ahh. Ma---" sasagot sana ko.

"Ano 'tong naririnig ko na ikaw pa mismo nag naglasing kay Francis?" tanong sa akin.

Ay! Francis. Oo nga pala. Nakalimutan ko yung pangalan niya. Pero ano daw?! Ako pa ang mismong naglasing? What The?

"Po?!" pasigaw kong tanong.

"Totoo po yun ma'am! Nung una po kasi, nagkekwentuhan lang kami tas paggising ko po amoy alak na ko. Tsaka katabi ko na siya." sabi nung Francis.

What the?!

"Narinig mo ba yun Fatima? What is the reason you did that? Because of obsession? At ayan, May nakahuli pa sa inyo at pinakalat to! at Take note ha, naka-uniform ka pa Padilla!" sigaw sa akin ng Principal.

"P-Pero. Di p-po yun totoo ma'am." paiyak na ko. Ikaw ba naman, walang naniniwala sayo. :(

"Wag ka na mag-deny dahil siya na biktima na mismo ang nagsabi. Halatang-halata naman sa picture eh. Alam niyo bang etong dyaryo na 'to ay pinapalabas sa subdivision! Sa ginawa niyo pwede kayong ma-kickout dito sa school!" sabi ni Principal.

Tumulo luha ko. Para kong pinahiya sa buong school sa mga pinagsasabi ni ma'am. Bakit pa nila ko pinapunta dito kung di naman pala sila maniniwala sa akin? Anong klase ba yun?! Bakit kasi pumayag silang yan ang article?! Yung totoo? Bakit ako sinisisi nila! The world is against me!

"Di na kayo nahiya! Dinamay niyo pa 'tong school! Andaming outsiders ang nakakita netong picture na 'to! Lalo ka na Padilla. Your one of the best students here, di ko akalaing magagawa mo 'to." sabi sa akin ng Principal.

Umiyak na ko. I can't take it anymore. Sinisisi nila ko sa kasalanang di ko naman ginawa. Di ko na kaya 'to. Ni hindi ko napagtanggol ang sarili ko.

Sino nga ba naman ako diba? Estudyante lang ako na napagtitripan ng halos lahat. Kalaban ko, principal at ang lahat. Okay na sana kung kino-comfort ako nila Julie ngayon. Pero hindi eh. :'(

"Saan 'to naganap?" tanong sa amin.

"Di ko po alam k-kasi--" sasagot dapat ako ng sumingit 'tong asungot na 'to.

"Sa bahay po nila, n-nila Fatima po." sagot ni Francis ng nangangatog.

Dafuq! Galing mo magsinungaling.

"At bakit ka naka P.E. Uniform? You should be wearing school uniform now! That's a violation!" sigaw na naman sa akin.

Ako ba may kasalanan neto? Lahat nalangako! :((

"Ma'am. Binasa po ako sa cr kani--"

"Save it. I don't want to hear anything from you guys. I don't even wanna talk about this picture! Sana ay hindi na maulit 'to. Pagbibigyan ko kayo ngayon. Do you understand?!" tanong sa amin.

Tatanong-tanong tapos hindi makikinig. Dafuq. >:( Wala na. Di ko na mapagtatanggol ang sarili ko. Gusto ko na makita si mommy. Pero hindi niya dapat 'to malaman.

This girl gone wild!Onde histórias criam vida. Descubra agora