FATIMA'S POV:
Okay. Nasan na pala ko?
Ayun! Natatakot na kong gumalaw. Isang galaw ko kasi, pinagtitinginan ako ng tao. Pinapansin nila lahat ng gawin ko.
Kausapin ko kaya sila Bren?
Sige na nga.
Pumunta akong classroom at nakita ko si Bren. Siya lang mag-isa sa room.
"B-Bren."
tumingin siya sa akin.
Biglang nawala yung good mood niya, Napalitan ng simangot sa mukha. Ang peaceful ng mukha niya. Siguro nasa mood na siya?
Nilapitan ko siya. Kinakabahan ako.
"B-bren. Galit ka ba sa akin?" tanong ko.
Napatingin naman siya at bigla namang nawala yung peaceful na mukha niya at parang nabadtrip.
"Oo." deretso niyang sagot.
Mapapaiyak ata ako ulit ng hindi oras. :(
"B-bakit?" tanong ko sa kanya.
Napaikot naman yung mata niya. Yung parang panglalaking irap.
"Umabsent lang ako, nakipaglandian ka na sa iba. Ano pa ba ko sayo? Tss." sabi ni Bren.
"H-ha? Bren, Wala akong kinalaman dun. Maniwala ka. Big--"
Tas bigla siyang tumayo at lumakad palabas.
"P-pero.." di na ko nakapagsalita.
Wala ng taong naniniwala sa akin! Pag-asa ko nalang sila Julie at Steff. I need someone to comfort me, wala akong mapaglalabasan ng sama ng loob. Wala akong kinalaman doon!
I was pranked! Pinag-tripan nila ko! Mapapatay ko talaga yang Francis na yan! I hate him! I really really hate him at kung sino man ang nagpakalat ng picture na yun! Grabe! 10 claps for them! Ang galing niya mag-edit! I hate my life! Di naman totoo yun! It was all a lie!
Urgh. Bakit ba ko nagmamaktol dito? I really need to find Julie and Steff. Agad akong lumabas ng room para hanapin sila. Wala na kong pakealam kung pagtinginan ako ng tao. Basta ang alam ko, Hindi totoo yun and I'll believe it even if others won't.
Tumakbo ako pababa ng hagdanan. Kailangan ko silang mahanap. I need to explain everything to them.
Bigla naman akong napatigil ng takbo ng makita ko sila. May hawak na libro at pagkain at paakyat na ng room. Masaya silang nagkekwentuhan at nagtatawanan.
This is it. Pumunta ko sa harapan nila.
"Julie, Steff!" tawag ko sa kanila.
Napatingin naman sila at parang nawala sa mood. Iniwas naman nila ang tingin nila sa akin at naglakad na ulit. Di nila ko pinansin. What?! Pati sila?
Pero I need them. I badly need them. Wala na kong ibang malalapitan pa. Kaya tumakbo ako at sinundan sila.
"Steff! Julie! Wait lang!" sigaw ko.
Siguro nga galit 'tong mga 'to. Ang sama ng tingin sa akin kanina sa room eh. But whatever, I really really need them.
Di ulit nila ko pinansin, Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad. Tumakbo pa ako ng mas mabilis. Hinawakan ko sila sa braso.
"Uy! Wait lang naman." sabi ko.
Tumigil naman sila sa akin at tumingin sa akin ng nakataas ang isang kilay nila. Para bang sinasabi nila na "WHAT DO YOU NEED?!" o kaya naman "WAG MO NGA KONG HAWAKAN!".
"Kung wala ka namang sasabihin, mauuna na kami. Hindi pa nasayang yung oras namin para titigan ang isang katulad mo." bigla naman sabi sa akin ni Julie.
Aray! Ang sakit naman nun! Pero di ako susuko. Kasalanan ko naman 'to -- kahit hindi.
"P-pero. I need to talk to you both. I need to explain everyth--"
"Explain? Tss. Ha-ha-ha. No Need." sabi sa akin ni Fe.
Pinagtitinginan pala kami ng mga tao. Pero I don't care. Kailangan kong kapalan ang mukha ko.
"Please. I need you now. I beg you." sabi ko ng paiyak sa kanila.
"Hay nako Fatima. Una palang nagsinungaling ka sa amin, ganyan pala tunay mong ugali. Galing mong magtago ha! Di namin naramdaman yun! Kaya kung ako sayo, Sumama ka nalang dun sa bago mong kaibigan na si Kassandra. Tutal, pareho naman kayong MALALANDI." sabi sa akin ni Julie.
Shocks. Naniniwala sila dun? Imbis na ako ang paniwalaan nila, yung mga chismis na naririnig pa nila sa tabi-tabi. Ang sakit nun para sa akin lalo na't bestfriend ko sila. :((
"Nagkakamali kayo. Hindi totoo ang sinasa--"
"Hindi totoo?! Kitang-kita na na namin Fatima! Nakita na ng lahat! At isa pa, Kasalanan mo na 'to, Wag mo na kami idamay. Una palang sinabihan ka na namin na wag ka nang sumama dun kay Kassandra! Pero ano?! Sumama ka pa rin! Ayan tuloy, nahawa ka sa kalandian nila. Napahamak ka pa tuloy!" sabi sa akin ni Fe at sabay umalis na silang dalawa.
Masakit.
Sobrang sakit.
Bakit ganun? Walang naniniwala sa isang inosenteng katulad ko. Wala akong kinalaman diyan! :((
Tumulo na ang luha ko. Nakakainis! Kanina pa ko iyak ng iyak. I thought this was a new day. Pero, mas malala pa pala.
Mas maayos pang sabihan nila ko ng mataba, pangit, nerd o obessed. Kahit ano! Wag lang ganto! Pano naman ang karapatan ko? Nabubully na nga ako eh!
Pinagtitinginan ako ng mga tao na dumadaan. Nakatayo lang ako dun. Hindi ako makagalaw. Napaisip-isip akong tama sila. Tagos sa puso ko yung sinabi nila. Masakit. Pero kailangan kong tanggapin. Totoo kasi yun. :'((
Ang masakit lang dun ay bakit hindi nila kong nagawang i-comfort man lang diba? Best Friend ko sila tapos ganun-ganun nalang? Sobra-sobrang sakit sa part ko dun.
Sa bagay, may point sila at sobrang laking point yun. :(
Napahagulgol naman ako sa iyak.
Nag-start ng magbulungan yung mga nakasaksi nung pangyayari. Manchichismis na nga lang, halata pa! >:((
*KRIIIIING!
Bigla naman nag-ring yung bell. It means tapos na ang recess.
I don't know what to do. I don't know where to go. Ano na bang gagawin ko? Ano na bang mangyayari sa akin dito lalo na't pinagtitinginan ako, trending ako, pinandidirihan ako ng lahat at galit pa sa akin ang mga kaibigan ko .. at boyfriend ko.
Sino nalang ang gustong mabuhay nun diba?!
Pero kakayanin ko 'to.
Lalaksan ko loob ko, iisipin ko nalang na may mga taong may mas malalang problema kesa sa akin. Kaya ko 'to. Chismis lang 'to! Kakalabanin ko. :(
Pero parang..
di ko kaya mag-isa.