Chapter 8

168 2 1
                                    

KASSANDRA'S POV:

"So ano? Game ka?" kakatapos ko lang sabihin sa kanya yung plan.

Napakagat labi naman ako at crossed fingers sa harap niya.

"Hmm.." Pagbuntong hininga niya.

"Alright. Let's play your game." :) sagot niya.

"Oh my God! Thankyou!!!" sa sobrang saya ko naman napyakap ako sa kanya.

Ooops. What did just happen? Agad naman akong bumitaw sa yakap ko. Shit nag-iinit na naman mukha ko!

"I-I'm sorry! Amm, tara na?"

"Oww-kay." sabi niya ng nagtataka.

Nagtaka siguro yun sa ginawa ko.

Nauna na ko sa loob dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko kanina. Papasok na ko sa  library room at agad naman sumunod si Francis. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto baka magising si taba.

Pumasok na ako and yes! It worked!

"There she is Francis." bulong ko.

"Ohh. I know that girl." sabi niya.

Di ko nalang siya pinansin at pinagplanuhan ang pwestong gagawin nila. Kilala pala niya sa mukha si Fatima. Pero, pano ba 'to? Nakahiga sa sofa si taba. Pano si Francis? Eh halos sinakop na nitong babaeng 'to yung sofa.

"Grabe naman Fatima! First time mong maka-higa sa sofa? Madamot ka pala noh? Mukhang ayaw mong ipa-upo sa iba eh? Pano ba naman sinakop mo lahat! Ang taba-taba kasi eh." pabulong kong sabi sa natutulog na baboy.

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

FATIMA'S POV:

Hmmm? Nasan ako? Sino ako? Bakit ako nandito? Sino kayo? Ba't niyo binabasa utak ko? Ba't ako bida dito? Lol joke. Hehehe. :D

Ouch! Ang sakit ng ulo ko! Na-aksidente ba ko? Para akong nahulog sa tuktok ng building eh. Tapos nauna yung ulo pero safe yung katawan kasi may built-in foam ako dito. My baby fats! Hohoho!

Tinignan ko yung orasan.

10:43 PM

Gabi na pala? Tas naka school uniform pa ko. Anong nangyari ngayon? Wala kong matandaan. Hahaha. Ba't ba ko natawa?

Tapos ang sakit ng balikat ko. Di ko alam kung balikat ba o ulo? Pareho ata! Zzz. Teka. Eto ba yung sinasabi nila na pag ganto daw baka may naka-upong bata sa balikat mo. Omg!!!!

"Waaaaaaaaaaaaaah! Hail Mary full of grace, the Lord is with you. Blesse---"

"Oh? Bakit anak? Why? Anong nangyari?" patakbong pumasok si mama sa kwarto ko.

Teka, kwarto ko? Teka, kakasabi ko lang diba tapos tinanong ko pa. Medyo shunga.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Kwato ko nga! 

Nasa bahay ako? Ang tangang tanong naman nito! Hahahaha. Aba'y syempre naman! I'm safe! Teka nga, tatanong ko nga kay mama ba't nandito na ko.

"Ma, ang sakit ng ulo ko. Tsaka may alam ka bang nangyari kanina?" tanong ko kay Mama.

"Hay nako. Oo anak, hindi ka man lang nahiya sa kaibigan mong si Kassandra. Nagpapa-tutor daw siya sayo, lumabas lang daw siya sandali at pagdating niya tulog ka na!" sabi ni Mama.

Tutor?! Ay oo nga pala! Tuturuan ko pa si Kassandra! Nakakahiya naman! Natulog ako?!

"Eh ma, pano ko nakarating dito?" tanong ko kay Mama.

"Hinatid ka pa ni Kassandra pati, ewan ko kung sino yung isa. Kaibigan niya ata." sabi ni Mama.

"Aahhh."

Baka driver niya yun. Nakakahiya naman. Pinagmumukha kong baboy sarili ko eh. Nakitulog pa sa iba. Pero medyo baboy naman ata ako. Midyu lang. :"">

Oh well. May assignment ba kami? Wala naman ata. Hehehe. Mag-internet muna ko.

Binuksan ko ang facebook ko. May notifications... pagbukas ko. Game requests. Hahahaha. Okay. Wala naman akong masyadong ginawa, scroll down lang ng scroll down.

"Blablabla changed her profile picture. Blablabla.." kausap ko sarili ko.

Then something caught my attention. Post ng isang page, isang video.

I will always love you - Whitney Houston (Maria Nikki Cover)

Guess who's Maria Nikki? She's my idol singer! She has a really nice voice! Alam mo yung pambabae na buong boses. Yung parang mala-Beyonce pero sobrang girly nung boses. So amazing! I love her. Someday I wanna meet her personal.

Unang-una nga sa bucket list ko ang maka sing-along si Maria Nikki.

Pina-buffer ko muna yung video para tuloy-tuloy na. Then I played it. As usual, it gave me goosebumps again. Hahaha! 

Next to my bucketlist is to be recording artist. Pero asa naman diba? Then next is to have my own cover of songs, yun may pag-asa pa eh. Then to have my own album. Hmm. Guess I'll be dreamin'.

Pero masyado akong mahiyain eh. I'm just singin infront of my friends and family.

Hay. Ni-like ko nalang yung post and then I logged out. I went to the bathroom to brush my teeth. I'll sleep na guys. Goodnight!

*Sign of the cross.* "Dear God, thankyou for this day even though I can't remember what happened lately. Amm thankyou for all the blessings you gave us. Being safe, the food, the drinks and the perfect weather. Sana po I'll be having a changed and new day starting tomorrow! Thankyou po. Goodnight! I love you!" *sign of the cross.*

Zzzz.

This girl gone wild!Where stories live. Discover now