KASSANDRA'S POV:
Tatawagan ko na si Francis and yes kinakabahan ako. :(
I'm gonna tell you a secret guys. Francis is my ex-boyfriend. Obviously, madami na kong naging ex at mas madami akong naka-fling. Pero ewan ko bakit lagi akong affected sa kanya since nung break-up namin. Di ko alam kung naka move-on na ba ko o ano.
Siya ang pinakatagal na ka in-a-relationship ko. 1 year and 5 months naging kami. Siya lang ang nakatiis sa akin ng ganon, sa sobrang chick girl ko ba naman! Hahaha. Iba nga yung feeling ko nung naging kami kaysa dun sa iba kong naging boyfriend. Ewan, I felt accepted.
Kaya ngayon iniisip ko kung pano ko sasabihin sa kanya. Ang awkward kaya. Diba nga sabi ko sa inyo di ko alam kung bakit sa kanya iba yung feeling ko.
Shiz! Ang drama ko na, di bagay saken! Okay, let's not waste our time. I'll call him na.
And yes may number pa ko nila. Nila -- mga ex ko. Hahaha. You know, in case of emergency!
Eto na. This is it!
Calling Francis ..
Shet nagriring na! Omg! Kinakabahan ako! Pakshet.
"Hello?" -Francis
Shet sinagot niya. Gawd! Pero teka, bakit ba ko nagkakaganto? Wake up Kassandra! Wag ka ngang ganyan! Bitch ka okay? Bitch mode should be on!
"Amm, hello? Sino 'to?" -Francis
Ay shet! May kausap nga pala ko. Pero, di na naka-save number ko sa kanya? :(
"Ahhh. H-hello Francis?" sabi ko.
"Hello! Sino po 'to?" -Francis.
"Ahhh. Si Kassandra 'to."
Bigla siyang napatigil.
"A-ah? Oh, napatawag ka? Musta ka na?" -Francis
Oh shet. Pano ko sasabihin sa kanya 'to? Baka isipin niya na tumawag lang ako para sa favor na yun. Pero yun naman talaga eh. Baka sabihin niya na tatawag lang ako sa kanya kapag may kailangan ako.
Shet. Ano na?
"Amm.. Hello? Nandyan ka pa ba?" -Francis
"Ay! Oo! Oo! Sorry."
Napakagat nalang ako sa labi ko. Bahala na nga! Basta kailangan tuloy 'tong plano!
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Ha? Oo naman! Okay na okay ako noh. Duh! Hahaha. Eh kasi may pinapasabi si ano.. "
"Si?" -Francis
"Si Kristina!"
Si Kristina nalang ise-segway ko. Sila din naman naka-isip neto eh. Nakakahiya kasi eh. Hahaha.
"Ah, ano daw?" tanong niya
"Ano kung.. kung pwede daw kami humingi ng ano.. ng.." -Kassandra
"Ng?"
"Ng favor?" sabi ko sabay crossed fingerss.
Shocks sana pumayag. Kakapalan ko na mukha ko!
"Ahh. Ano bang favor yun?" tanong niya.
Baka kapag sinabi ko sa kanya, Di siya pumayag? :/
"Amm. Please? Madali lang naman eh. Please? Pogi ka naman eh! Dali na!" sabi ko sa kanya.
Wait. What the f? What did I just say?! Mygod!
"Ha? Hahaha! Eh di sige. Nambola ka na eh." -Francis.
"Ay! Hehe. Talaga? Baka naman napipilitan ka lang? Baka busy ka? Baka galit ka?"
"Ba't naman ako magagalit sayo? Haha." sabi niya.
FLASHBACK!
"Uhh, Francis. I think we should.. s-stop this."
"Stop what babe?" -Francis.
"Our relationship."
"What? Wala ako sa mood makipag-joke baby." -Francis sabay gulo sa buhok ko.
You wanna know why? I love him, yes I really do. Pero 1 year and 5 months? For real? Walang nakatagal sakin ng ganun! Hindi ako sanay. Hindi ko alam if .. if this is true. Is this love? Hindi ko alam nararamdaman ko. I'm scared. I was scared.
"I'm serious Francis."
"W-wait? What? Why? May problema ba tayo?" -Francis.
"H-ha?"
"Baby let's talk about this. Wag mo naman ako biglain." -Francis.
END OF FLASHBACK.
Tama na guys. Baka mapasarap kayo. But after that, I won. We broke up. Nung nangibang bansa nalang kami saka ko narealize na ang tanga-tanga ko. Sorry naman. Narealize ko lahat-lahat!
Pero tama na talaga. Magalit pa sakin yung author, baka sabihin ako na bida dito. Ge na. Back to reality!
"Ah eh. Baka kasi magalit ka." sabi ko
"Haha. Hindi ah. Ano ba kasi yun?" sabi niya.
Bawal nga kase sabihin Francis! Hay nako. Papuntahin ko nalang kaya, para walang takas? Tsaka para hindi na siya makakatanggi. Hmmm! Good idea!
Nami-miss ko na din naman siya eh. Mehehe!
"Am. Ganto nalang, pwede ka ngayon? Punta ka nalang dito. Please?" sabi ko
"Ngayon? Ammm." sabi niya.
Kapalmoks mo Kassandra! Pero maganda ka. Pero oh my God. Sana pwede siya. Please.
"Oo. Ngayon na?" pagpapatuloy niya sa sasabihin niya.
"TALAGA?!" pasigaw kong sabi. :D
"Aray naman. Haha. Ayaw pa?" tanong niya.
"Ha? H-hindi ah! Wala akong sinasabing ganyan!"
"Haha. O Eh di sige, Punta na ko." sabi niya.
Yiii! Thankyou Lord! Kahit ganto ko, mahal mo pa din ako!
"Sige sige! Thankyou so much!" sabi ko.
"Haha. Sige. Bye." sabi niya.
At binaba niya na ang phone. Goodluck to me later. Sana pumayag siya! Go for goal! :)