FATIMA'S POV:
Si... Anong ginagawa niya dito? Ba't niya ko kinakausap? Ba't andito siya sa room namin? Hindi naman kami magkaklase ah.
"Wow. Naninigaw pala mga katulad mo?"
"A-ano bang kailangan mo sakin?!" tanong ko sa kanya.
"Masyado kang mataray para diyan sa katawan mo. Di bagay 'te! Wag trying-hard, masasaktan ka lang. Haha!" sabi niya sakin.
Ang arte talaga niya! Kung di lang siya sikat eh kanina ko pa yan dinaganan! Siya lang naman ang almost-perfect girl ng campus. Maganda, sexy, mayaman at sikat. Dream girl nga daw. Kaso kung ganyan naman ugali ng magiging girlfriend mo, dream pa ba yan? Baka nightmare na yan eh. Siya nga pala si Kassandra.
Isa siya sa mga bratz dati. Pero nawala siya kasi nangibang bansa kasi sila last year para dun na siya mag-aral and now she's back. Pangdagdag na naman sa my-beloved-bully-list ko.
"Oh my God! What is she doing with that fat jerk?"
"Shocks. Pumipili na ngayon ng low quality friends si Kassandra?"
"Sino ba siya para sigawan si Kassandra?!"
Rinig na rinig ko ang bulungan nila. Yung totoo? Maalam ba kayo bumulong or what?! Ipasugod ko sa inyo mga baby fats ko eh!
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
KASSANDRA'S POV:
Uhhh? Nakakahiya pala 'to, yung pagtinginan ka ng mga tao kasi kinakausap mo yung looser ng campus. Baka akalain nga mga tao isa na ko sa mga low-classed! One more thing, ang kapal niya para sigawan ako! Sino ka bitch para sigawan ako? Duh! I'm the great Kassandra Ortez Vinalon!
"Alam mo kung mang-aasar ka lang, wag mo nalang ituloy kasi wala ako sa mood eh." sabi niya sa akin.
Wow ha! Kung tutuusin nga you're too lucky that I'm talking to you! Unti lang kinakausap ko dito sa campus noh! She's totally getting into my nerves. Kapal ng mukha!
"Don't worry girl, hindi ako pumunta all the way here para lang asarin ka. In fact, I need you now! You're the only one who can help me in this situation!" I told her.
Ang moody ko ba? Gulo na ba mga isipan niyo? Well ako gulo na ng hair ko! Ang layo kaya ng room nila from our room! I'm just acting now. Kailangan ko kasi siya para masolve yung problema ko. Plastic mode: ON.
"Ha? Talaga? Ano bang problema yun?" tanong niya.
Problema? Ano nga bang problema yun? Sorry, scripted kasi 'to eh. Now you know na? Teka nga, mamaya mo ko daldalin. May kausap akong hayup. Ano nga bang problema ko? Ahhh! Yun naalala ko na!
"Ahh. Kasi may exam tayo next week sa trigo? Papaturo sana ako sayo!"
Eto na sasabihin ko na sayo. Inutusan kasi ako ng bratz. Di naman ako nauutusan noh, nagustuhan ko lang kasi yung favor nila. Saka dati din naman akong one of them kaya I can feel them. Anong favor yun? Yun lang naman ay pangtitrip sa isang Fatima Marie Padilla. Oh diba exciting?!
Ewan ko, gustong-gutso namin manira ng buhay ng mga low-class at lalo na sa pig na 'to! Ewan ko ba, ampapanget kasi nila eh. Hahaha! Oh my! Sorry for the word, but truth really hurts!
"Eh bakit? Tinuro naman yun ah?" sabi niya.
Pakelam mo?! Pa-hard to get pa 'to eh! Ano bang pwedeng sabihin na mapipilit siya? Na bibigyan ko naman siya ng pagkain pag tinulungan niya ko? Hahaha! Silly me.
"Eh kasi.. amm, di ako nakapasok this week. Uhhh yeah! Naging busy kasi ako eh." sabi ko.
"Ahhh. Why?" she asked again.
Dami namang tanong neto! Kung di lang ako uma-acting nako Fatima kanina pa kita nasabunutan!
"Ugh. Alright sabihin ko na sayo. Just stop with the questions okay?! Its irritating me. I've been busy flirting, going to clubs and other teenager things! Happy now?!"
"Ahh. Okay, yan kasi eh. Dapat di ka nalang umabsent." she told me.
Fcking shit. She's really irritating me na! How dare she tell me things like that! We're not even friends! *Inhale, exhale.*
"Yea whatever! So ano? Payag ka na ba?" tanong ko.
"Ahh-ehh. One last question? Bakit ako pa? Madami naman dyang iba ah?"
"Tsss. I heard you're the best in trigo here eh. So ano na? I said stop with the questions!" I yelled at her.
"Ahh ganun ba. Di naman ako masyadong magaling eh. Pero sige, kailan ka ba magpapatuo?" she asked me.
Sa wakas! Thankyou Lord.
"Tonight at my house. 5 pm sharp!" sabi ko then tumakbo na ako.
"Ha? Mamaya aga-- Kassandra!" pahabol na sigaw niya.
Tumakbo na ko kasi baka tumanggi pa siya. Masira pa yung plano namin eh.
Saka I can't really take her smell. What in the hell is that? Di ko alam kung siya yun o sumisingaw lang yung lupa? Hay ew! Nagsama-sama ata mga pabango niya at ng mga kaibigan niya! Titibay ng mga yun noh? Natitiis siya.
Pumunta na kong classroom ko. Ayun na nakita ko na yung apat, section C kame.
"Girl anong nangyari?" -Kaycee.
"Oh what happened?" Kristina.
"Ayun naman, nakakastress!"
"Oh why? Hahaha." -Kristina.
"She asks too many questions! She also shouted at me, my God! How dare her. Siya na nga 'tong pinipilit ko eh. Ugh!"
"Hahahaha. Why?" -Bea
"Hay nako basta, long story! Tinakbuhan ko nga siya eh."
"What?!" they shouted.
"Why?! Does that mean na hindi tuloy ang plano?" -Veronica.
"Ano? Hindi pumayag?!" -Bea
"Chill girls! Pupunta yun later don't worry."
"Pano ka naman nakakasiguro?" -Kristina.
"She agreed to me na kasi! Pag hindi yun sumipot ipapakuyog ko yun sa mga bata ko dito. Uhhh and please stop with your questions?! Please lang?!"
" Alright. That's great!" -Kristina.
This is going to be an exciting night!