FATIMA'S POV
Its friday. TInatamad ako ngayon pumasok. Pero no choice kasi ngayon na nga yung program na yun. Ngayon ako mapapahiya muli.
Pero nagpractice na naman ako eh para lang handa. Just in case, you know! Girl scout ata 'to! Pero wala akong balak pumuntang stage at kumanta. Takot ako. Yeah, takot akong magperform. Inuunahan ako lagi ng kaba. Parang nasusuka na nahihilo ako pag naakyat akong stage at madaming tao na nanonood. Nakakatakot, nakakakaba lalo na kapag pinagtitinginan ka ng mga tao.
Hay. 12:06 PM na. Kakatapos lang namin mag-lunch. Pero syempre hanggang ngayon loner pa din ako. Di pa rin nila ko bati. :( Bakit ba ganyan sila? Ang taas ng pride? :( Wala naman akong ginagawa ah. Tsaka hanggang ngayon, di ko pa din nakakausap si Kassandra. Parang feeling ko, alam niya lahat-lahat ng nangyare. Pero wala eh, di ko siya nakikita.
Gabi-gabi ko 'tong iniiyakan. Gabi-gabi kong sinasabi na KAYA KO 'TO. Gabi-gabi ko 'tong iniisip. Gabi-gabing sumasakit ang ulo ko! Hay nako!
"Where's Padilla?" biglang may nagtanong.
Nagulat naman ako. Sino na naman ba yun. Tinignan ko kung sino at nakita ko ang adviser namin. Bigla akong kinabahan. Yung para bang mini-heart attack. You know that? At di ko alam kung bakit.
"B-Bakit po Ma'am?" tanong ko.
"Oh andyan ka pala. Nakapag-praktis ka ba? Anong kakantahin mo?" tanong ni Ma'am ng sunod-sunod.
Kinabahan na talaga ako nung narinig ako. Shocks. Sure na nga na kakanta ako. Pero ready naman ako eh. Kinakabahan lang talaga ako. Sana di ako mapiyok mamaya. Sana nga di nalang matuloy 'to.
"P-po? Opo Ma'am." sagot ko.
"Good. Osyaa, Tara na at pinapapunta ka na sa Back Stage. Sabihin mo na din sa kanila ang kakantahin mo para ma-ready." sabi ni Ma'am tapos hinila na ako palabas.
*Backstage.
Kinakabahan ako. Ang dami namin dito. Puro representative ng bawat sections. Yung iba sasayaw, yung iba maga-acting para sa principal at yung iba kakanta, isa na ko dun.
Err. First time ko mag-ganto. Sa bahay lang naman ako nakanta pati sa harapan ng mga kaclose ko.
Speaking of bestfriends, di man lang sila nagbigay ng moral support. Kahapon nga, kinausap ko sila. Pero alam niyo nangyari? Inis-snob nila ko, as expected. Para akong hangin lang na dumaan. Di man lang nila ko kinausap. Patuloy pa din sila sa mga ginagawa nila.
"Mga kakanta, punta na kayo dun sa dressing room. Magpalit na kayo. Bilis-bilis!" sigaw nung president ng mga estudyante dito sa buong school. Siya yung parang nangunguna lagi.
Pumunta naman kami dun sa dressing room. Mga lima kaming nandun. Madami din kasing sections dito eh, ang dami kasing pumasok dito. Siguro mahaba-haba yung program. So, matagal-tagal pa ko. :>
Naghanap na sila ng mga damit. Pero di ako makasingit. Nagkakagulo kasi sila dun eh. Tsaka may isang problema..
Walang kasya sa akin dito.
Eeee nakakahiya naman kung masira ko pa yung damit. Kakausapin ko nalang yung president para hindi naman nakakahiya. Ibubulong ko nalang sa kanya. Tama!
Pumunta na ako dun sa president.
"A-amm. President?" bulong ko.
Tumingin sa akin yung president na nakatayo at bising-busy sa pag-aasikaso sa mga sasayaw. Tinaas niya yung kilay niya at tinarayan ako.