ZY's POV
(The day of the program.)
So ayun, humahanap ako ng Singer. Sinama ako pumunta dun sa 'birthday' daw nung principal na kaibigan nila dad. Pero kasama ko yung ate ko. Yung peyborit ng tatay ko. Tss. Eh kasi siya naman may ka-close dun eh. Napilitan lang ako.
Sumama na din ako kasi chance ko na din naman yun na makahanap ng pwede dun sa pinapahanap ni dad. Malay ko diba, makahanap pa ko dun. Eh di problem solved! Di na ko pag-iinitan ng dugo ng Dad ko. Balik sa dati na naman ako diba?
Pagdating namin ay hindi pa nagstastart yung program. Pumunta na kami dun sa principal daw nung school. Syempre, bati-bati. Bigay ng regalo. Tss. Nakatayo lang naman ako nun. Ate ko lang naman kumausap.
Pagkatapos nun, umupo na kami. Mga 30 minutes din kami naghintay dun. Mukhang may problema sa backstage? Ano ba namang school 'to.
After 30 minutes, nag-start na din sa wakas yung program. Andami nagperform para daw sa Principal. Sumayaw yung iba. Pero di ako nanood, kailangan ko ng singer. Tss. Magagaling naman sila lahat. Ayos naman yung iba.
Pero wala pa yung galing na hinahanap ko. Wala na bang mas gagaling sa mga yan? Tss. Kahit naman ganto ako, May taste ako sa pagpili noh.
Aish. (>______<)
"Let us Welcome. The representative of fourth year section A. Miss Fatima Padilla." sigaw nung Emcee ba yun o ano. Ewan!
Sana naman makahanap na ko ngayon.
Uh? Napatingin ako sa paligid. Bakit sila ganun? Bakit nagbubulungan yung mga tao. Ano bang meron? Tinignan ko yung nasa stage.
Woah. Ang taba niya ah. Ahh. Kaya naman pala usapin eh. Pustahan binubully yan dito. Sa reaksyon palang nila eh. Grabe naman mga estudyante ngayon. Pero aaminin ko din, di ko siya type.
Nagsimula na siyang kumanta. Nanginginig siya. Kinakabahan. Haha. Cute.
Nabigla nalang ako nung may magtapon ng mga papel sa kanya. Am? Grabe naman ata sila. Sa harap talaga ng teachers? Pero yung teachers, Walang reaksyon? Hindi man lang ba nila patitigilin yung mga nambabato? Tas kung ano-ano pa sinisigaw. Grabe. Walang awa ah.
Tumakbo na yung babae. Ano nga bang pangalan nun? Ewan ko kung san pumunta. Sinundan ko ng tingin. Palabas na siya nung pinagcecelebratan nung program.
Ewan ko. Bigla akong napatayo. Nabigla nga si ate eh. Sabi ko nalang magsi-CR ako. Kahit hindi. Ewan. Parang gusto ko siya sundan na ano eh. Eh di ako ngayon, Takbo.
Pinagtitinginan na nga ako dito eh. Nagtataka siguro kung bakit ako natakbo ng napakabilis.
Nakita ko nalang na nakahalandusay siya sa hall way. Nasira yung palda niya. Wala man lang tumulong? Grabe. Ng dahil dun napatigil ako sa pagtakbo ko. Baka mahalata kasi ako na sinusundan ko siya.
Bigla akong natauhan. Bakit ko nga siya sinusundan?
Napalakad ako pabalik.
Malapit na ko sa upuan ko ng mapatigil ako ulit.
Ng biglang may naalala ako. Ayoko siyang magaya sa naalala ko. Kaya sinundan ko siya dahil gusto ko siyang mabago. Sayang din naman yung talent niya, ang ganda kaya ng boses niya. Kaya nung s rooftop palang, naawa ko sa kanya kaya prinangka ko na siya na duwag siya. Dapat kasi lumaban siya!
Sa nakita kong mga pangyayari kanina, iya. May mangyayari ba kung maduduwag lang siya? Diba?
Shit. Ang drama ko na. Pinaghuhugutan? Meron, malalaman niyo din yan.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
FATIMA'S POV:
(After the SM thingy.)
SATURDAY. 9:30 AM
Hinatid niya ko dito sa bahay namin kagabi. Ilang street lang pala pagitan ng bahay namin sa kanila. Dun pala siya sa hilera ng mayayaman. (*_____*)
Buti nalang wala sila Mama at Papa nun. Pauwi palang sila. Halos gabi na kasi kami nakauwi.
Puro kwentuhan lang ginawa namin. Tas pumasok kami sa videoke-booth sa isang playstore. Nung una nahihiya pa ko, pero pinilit niya ko. Eh di ayun! Nakakahiya nga eh, siya kasi nagbayad lahat.
Ang dami kong kinwento sa kanya, Ewan. Kailangan ko lang ata talaga ng makakausap? Sa kanya ko binuhos. Kaya pati yung pambubully nila saken kinwento ko sa kanya. Nainis nga siya eh! Hehehe.
"Alam mo naiinis ako sayo! Ba't kasi ang duwag mo? Dapat lumalaban ka hindi yung nagpapa-api ka!"
Yan yung sabi niya. Sinermunan ba naman ako. Pero okay lang, totoo naman eh.
Nga pala, nagkapalitan din kaming number. Para daw pag may nang-away saken, itext ko lang siya at andun na siya agad. Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya. :)
Akala ko suplado siya sa una, Mabait pala. Tapos yung takot na naramdaman ko gawa ng nagtaka ako kung bakit niya alam yung info's tungkol saken, nawala.
Pero syempre, nagtataka pa din ako. Bakit siya ganun saken? Ni hindi nga kami magkakilala ng lubusan pero amabait niya sa akin o baka ganun lang talaga siya? Sa gwapo at yaman niyang yun, kakausapin niya ang isang katulad ko? Napaka-imposible diba? Akala ko sa mga story lang nangyayari yun eh. Pati pala sa totoo?
Buti nalang saturday ngayon, di ko kasi alam kung papasok pa ko o ano? Di ko alam kung papasok ako sa monday. Pano nga ba 'to? Wala na kong gana pumasok! Ikaw ba naman. :(
Madaan na nga lang 'to sa kain.
Quote of the day: "Idaan nalang sa kain ang lahat ng problema, sasaya ka pa."
Wala ulit sila mamaa. Late na nga umuwi kagabi, Ang aga naman umalis ngayon. Yung totoo, anong ginawa nila dito? Naki-utot lang? Ako na naman mag-isa. Wala naman kaming yaya eh diba. Magluluto nalang ako ng kung anong meron dyan.
Pumunta kong kusina, napadaan akong sa may salamin. Tinignan ko sarili ko at ang taba ko pala talaga. Masaya kumain eh, magagawa ko?
Dumiretso na kong kusina at tumingin ng makakain. Bigla kong tinamad magluto. Madami akong huhugasan pag ganun. Hahaha. Tumingin ako sa refrigerator namin. uyyy~ may ice cream. Kuha ko. Mehehe~
Kumuha akong isang basong ice cream at pumunta sa sala. Ano ng gagawin ko ngayon? Ayokong mag-internet baka ma-badmood ako sa makita ko. Sigurado ako na naman topic sa site ng school namin. Sikat na ko! Hay nako!
Pag ako talaga gumanda! WHO YOU sila saken!
Manonood nalang akong TV. Nilipat ko sa cartoon network, favorite ko yung palabas! Powerpuff girls!
"*ten tenen tenen tennnnen!" kanta ko sa amin.
*Vibrates.
"Uyy himala! May nagtext sakin?" Para lang akong baliw, kausap sarili.
Pero himala nga talaga, may nagtext sa akin. Tinignan ko agad. Baka chain message o kaya jejemon o kaya balance lang 'to! Ay meron pa palang isa! Yung "Kamusta na kayo dyan? Eto bagong roaming number ko. Nagpadala ako chorvachorva." Mga textmates ko yang mga yan eh.
1 new message. *Open*
From: Zyronne YuPwede ka ba bukas?
Pwede ako bukas, hmm? Bakit naman niya ko inaaya? Anong meron?
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
ZY'S POV:
Tinext ko na siya. Kailangan ko na kasing masabi yung favor ko sa kanya. Kaso baka naman mabigla siya kasi di pa nga kami close. Kaya ayun, aayain ko ulit siya para maging close kami lalo.
Kailangan mapakilala ko na siya kay dad before the weekend.