Jiro's PoV
Hay grabe di parin ako makapaniwala dun sa isang araw. Ang astig talaga ng boyfriend ko. Akalain ko bang sanay din suntukan yun. Kaya pala lagi ang sungit dati. Naalala ko bigla nung unang pagkikita namin. Kung may mali siguro akong nasabi nun baka nasuntok din ako nito.
"O ayun na pala sila Sammy oh!" turo ni Keno.
Andun nga sila sa loob ng 711 gaya ng usapan namin. Nagkukulitan nanaman sila Sandy at Arnold. At si Sammy ang sama ng tingin dun sa lalaki sa kabila. Parang lalamunin ng buo.
Ngumiti at kumaway si Sammy nung nakita kami ni Keno.
Eto usapan namin. Sabay sabay kami kami papasok at uuwi. Kasi nga baka pag may mag isa samin mapagtripan ng frat ni Clifford. Grabe naman kasi mga yun. Makanti mo ang isa isang kulupon ang susugod sayo.
Meron na rin dati bumangga kay Clifford nabalitaan nalang namin na may naospital kaming school mate.
"O kanina pa ba kayo?" Tanong sa tatlo pagkapasok namin ni Keno.
"Hindi papa Jiro kadadating lang din." si Sandy ang sumagot.
Si Keno dumerecho agad dun sa may slurpee. Haha! Paborito niya yun eh.
Bumalik siya saming may dalang limang medium size na baso.
"Guys kuha nalang kayo. My treat! Tsaka kung gusto niyo ng chichirya sagot ko na din." sabay lapag niya nung baso sa table.
"Wag na Papa Keno baka maubos ang allowance mo."
"No it's ok. I insist!" hala si Keno nagpakabossy nanaman. Yari tong mga to kay Keno. Hahaha!
Tahimik nalang ako kumuha ng slurpee at chichirya at chocolate. Haha! Tamang takaw for the day.
Ayun sumunod nalang ang tatlo. Tapos dinala nila dun sa counter.
Dudukot ng pera si Arnold pero pinigilan din ni Keno.
"Arnold dude! Ako na." sabay abot ng Credit Card niya sa cashier.
"Credit Card talaga Keno? Astig ah! Sayo yan?" Usisa ni Arnold. Haha! Palibhasa mga buraot. Sabagay simple lang naman yung university namin kaya puro mga middle class lang ang andun.
"Oo akin to. O check mo. Baka may gusto ka pa bilhin dude." sabay bato niya ng card kay Arnold.
"Ay grabe Keno ang yaman mo pala. Nag aabroad parents mo?" Talagang di makapaniwala si Arnold.
"Hindi." sagot ni Keno at sinoli na sakanya ni Arnold yung card.
"Ano trabaho ng parents mo?" walang tigil ng usisa si tukmol oh. Hahaha! Sabagay kahit ako nabano sa bahay nila eh.
"My business daddy ko." sagot naman ni Keno.
"Wow laki siguro business niyo." usisa pa ni Arnold
"Clothing line dude at may ilan ding electronic companies" nanlaki mata ni Arnold sa narinig niya.
"Ganun kayo kayaman?" tanong ni Arnold. Kibit balikat lang si Keno.
"Anong clothing line papa Keno?" si Sammy naman nacurious.
"Xlite." maiksing sagot ni Keno.
Lahat sila di naitago ang gulat. Kahit nga ako di ko alam sila may ari nun. Grabe pala talaga kayaman ang pamilya ni Keno.
"Seryoso? Ganun kayo kayaman?" si Sandy nganga. Hahaha! Baka naman makidnap to si Keno. Dami nakakarinig samin eh.
"Medyo." sagot ni Keno.
BINABASA MO ANG
Si Bespren Na Laging Galit (m2m)
RandomAnti social siya! EMO! Ayaw ng kasama! Muka na wala man lamang reaksiyon. Marami kaaway at takaw trouble! Pero ewan ko ba! Lagi ko parin siya kasama! Si bespren talaga oh.. ^_^ Pasalamat siya andito ako.