VIII. 'Drunk' Version 2

2.6K 66 1
                                    

Jiro's POV

Eto inuman nanaman! Hindi naman ako takot sa inum pero iba talaga ngayon. Kasi naman naaalala ko yung ginawa ko nung nakaraan.

Natatakot ako sa pede mangyari kapag nagka inuman na.

Tapos ang init pa ng eksena kanina.

Hays! Basta kelangan ko mag behave!

Pagkatapos naming kumaen nagkwentuhan kami ng kaunti nakakatuwa si tito Marc kasi parang barkada lang na nakikipagkwentuhan samin.

Nung magsawa sa kwento nagumpisa na inuman. San mig light lang kasi ayun lang daw muna ang pede samin.

After ng mga 1 hour na inuman nagpaalam na ulet si Tito Marc kasi may tatapusin pa daw siyang report.

Gaya ng dati naglabas nanaman ng hard drink si Keno. Kala mo kalakas mag inum bigla namang nabagsak pag lasing na.

"Brad!" basag ko sa katahimikan. Kasi naman si Keno wala man lang kwento. Kapag barkada ko kainuman ko dami namin napag uusapan pag kay Keno parang nasa lamay lang.

"Bakit?" sagot ni Keno sabay tagay nung alak niya.

"Ang tahimik kasi! Kwento ka naman?" ako. Hehe! Wala rin naman kasi ako maisip na topic.

"Ano naman ikekwento ko? boring ang buhay ko. Wag mu na usisain yun!" si Keno.

"E bakit di ka pa nagkaka girlfriend?" ayun talaga gusto ko malaman eh.

"Nagkarelationship din ako kaya lang di nagwork out eh!" aba si Keno nagopen? Hahaha! Iniiexpect ko sagot niya 'non of your bisnes'.

"Bakit naman dude? Sayang naman yang kaguwapuhan mu kung di mu nagagamit! Hahaha!" ako

"It was just my first relationship with someone else! The love was true yet destiny didnt allow it! Such a cursed isnt it?" T__T waaaah! Di ko masyado naintindihan yun! Nagiging amboy nanaman si Keno! Huhu! Basta ramdam ko lang may sakit dun sa sinasabi niya. Pramis Keno pagbigyan mo lang ako papasayahin kita ng sobra! Hehe! Syempre di ko pede sabihin yun.

"Ah ok!" haba ng sagot ko di ba! Kasi kapag sinabi kong di ko maintindihan magmumuka nanaman akong bobo! Hmmp!

"Pero dude! The experience was worth it! Oo di naging kami sa huli pero naging masaya naman ako sa pinagsamahan namin!" mejo may sumilay na ngiti sa labi ni Keno. Wow! Ang cute! Si Keno pa ba tong kausap ko? Hahaha!

"Parang napakasaklap na kahit true love hindi natuloy! Minahal mo ba talaga?" usisa ko pa.

"Oo sobra! I was willing igive up lahat para sa kanya nun pero di talaga siguro pede eh!" Shet! Parang sumakit dibdib ko dun ah! May minahal talaga ng sobra tong lalaking to? Ang swerte naman nun! Haay! :(

"Mukang tinamaan ka nga dun pare ah! Bakit ano bang nangyari?" ngayon gusto na talaga malaman lahat! Kahit di naman ako babae para pantayan yun at least baka makakuha ng teknik diba??^__^

"Di talaga kami pede eh! Kahit pagbaliktarin mo ang mundo! Hindi talaga pede!! At sumuko na din kasi siya! Pano naman ako lalaban kung yung taong pinaglaban ko ang unang sumuko sakin!" nakita ko sinseradad sa kwento niya. Nakikita ko din na parang may nangingilid na luha sa mata niya. Parang hanggang ngayon nasasaktan pa siya!

Di ko naman inakala na ang katulad niya na parang walang emosyon eh may ganung pinagdaanan. Mas lalo tuloy ako humanga sa kanya. Mas masarap pa siyang mahalin at siguro mas maswerte ang taong minahal niya. Haay! Ang sakit na ha!

"Sumuko pare? Inayawan ka niya? Ang tanga naman nung babaeng yun! May 3rd party ba?" ako.

"Nope walang 3rd party! Di lang talaga kami pede! Wala gusto tumanggap sa relasyon namin!" mas lumungkot pa si Keno.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon