Sa Ganito kami Nag umpisa

3K 61 1
                                    

"What the fuck are you doing here??!!!!" napasigaw at galit talaga siya. Itinapis niya yung tuwalya. "Sino may sabing pede ka pumasok sa kwarto ko?!!"

Ayun lagot ako!!

"Wa-wala kasi wala nasagot ka-kaya pumasok na ko." tangna bakit ako nanginginig ngayon!!?

"Moron!! So dahil wala nasagot papasok ka na??!!!" huhu! galit talaga si Keno! Baka dahil nakita ko din yung anu niya??

"Sorry! la-labas na ko. Sunod ka nalang kasi hanap ka na ng daddy mo. Kakain na." dali dali nalang ako lumabas at galit talaga ang mahal na prinsipe. Hays! Matindi pala magalit yun. Kaya pala parang ang tindi ng takot sa kanya ng mga tao dito.

Bumaba na kami ni Amy. Ako naman napapatulala. Bakit ganto pakiramdam ko?? E anu kung nakita ko? May ganun din naman ako ah? Takte! Grabe ang init sa pakiramdam. Para akong nakikiliti na kinakabahan! Takte!!

Umupo na let ako dun sa pwesto ko. Maya maya dumating si Keno. Nakasimangot at kunot noo. Tas umupo siya sa tabi ko.

"O parekoy bat ganyan ka? Badtrip ka nanaman?" -Marcus

"non of your business parekoy" -Keno

"Hahaha! bahala ka nga parekoy" -Marcus

Di ako nasingit sa usapan nila. Wala din naman ako masasabi tsaka saglit lang naman sila nag usap. Napatingin lang ako Keno. Naimagin ko nanaman nakita ko kanina. Yung maamo niyang muka na parang inosente tas ang sobrang puti niyang katawan. Yung dibdib at tyan niya at dun sa pababa!!! Waaaaaaah!!! x.x

erase erase erase!!!!!

Napatingin siya saken. Napaiwas naman ako. Kabado ako sobra.

Bakeeeeet?????

Natapos yung dinner namin. Di ako nakapag salita man lang. Lumilipad ang isip ko na kahit ang sasarap ng pagkaen nila di ko masyado naenjoy.

"Guys pahinga muna kayo. Mag iinom tayo mamaya ha. And Jiro stay here for a night. Kung di papayag parents mo i'll talk to them for you." - si Daddy ni Keno. Mejo palautos din pala to. Mag ama nga sila.

"Sir nabo-board lang po ako. Pero nakakahiya naman po. Uwi nalang ako." -ako. Sa nangyari ngayon parang di ko talaga kaya mag stay pa dito. Asar na din saken si Keno eh.

"Good! So you're staying for the night!" -si Daddy ni Keno.

Waaaah!!!! May sinabi ba kong oo?? Wala na din ako nagawa.

"Parekoy I'm not in the mood to drink. Just let him go home. Sa ibang araw nalang naten to gawin." - si Kenong nagsusuplado naman!! Grrr!!

"No Keno! Ngayon ko gusto. Siya ang unang friend mo so gusto ko kayo makabonding. Subukan mo ko tanggihan icucut ko allowance mo! Deal??" -marcus

"Fine!!" -inis pa ang sagot ni Keno.

Haha! Kayang kaya pala controlin si Keno ng Dad niya eh. Kung si Keno wala magawa, ako pa kaya??

Hays!!!

Pero curious din ako malasing si Keno?? Baka maging madaldal din to.

After mga an hour nag aya na si Daddy ni Keno ng inuman. Dun kami sa mini bar nila at ang astig talaga. May sarili silang bar sa bahay. Hahaha! San Mig Light lang kami since sabi ni Tito e mga bata pa daw kami. haha! Pero kaya ko naman mag hard.

"Jiro taga san ka?" -Marcus

"Sa Aurora Quezon po talaga kami. May bukid po kami dun. Andito lang po ako para mag aral." -ako

"So wala bang school sa sa inyo?" -Si Keno. Gagong basag trip talaga to. Sarcastic eh.

"Meron naman Dre kaya lang mas gusto ni Tatay na dito ako para mas mabilis daw ako makahanap ng trabaho after makagraduate"-ako

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon