Keno's PoV
Days became weeks, weeks became months and strong parin kami ni Jiro. Lagi ang sweet niya at di talaga ko nagkamali sa pagpili sa kanya. Though I feel bad for Zak.
Di ko siya sinasadyang masaktan and I can feel na tunay ang intension. Ofcourse I know him more than anyone else. I just hope na maging masaya na siya.
Nagmumuni muni ako nang may kumatok.
Alam kong si Jiro lang yung kaya sumigaw na ko ng pasok.
"Bespren ready ka naba?" ayun siya nga. Pumasok with that perfect smile at may dalang malaking bag sa likod.
Naka semi fitted na blue shirt and white shorts. Parang tipong maggagala lang sa park.
"Yea Im ready." sagot ko. "Can we use my Car?"
"Wag na commute nalang tayo. Bus nalang. Di mo pede dalhin yang car mo papasok dun samin. Bukid na yun." si Jiro. Ay sabay umupo sa tabi ko. Then he kissed me on my cheeks.
Sweet! Parang matutunaw ako tuwing gagawin niya yun.
"Ano tara na?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
"Sigurado ka na ba sa plano mo?" kabado kasi ako sa gagawin niya. Isasama niya ko sa province nila at ipapakilala ako not as a bestfriend but as a lover. Nakakatakot lang baka palayasin ako sa kanila ng bigla bigla.
"Natatakot ka?" tanong niya.
Di ako naimik. Pero mejo may kaba talaga.
"Baka mabigla sila Jiro. Nung nalaman ng dad ni Zak yung samin dati dun kami nasira." sagot ko naman. He gently kissed my forehead.
"Iba ang pamilya ni Zaki at iba ang pamilya ko. Lalong iba ako. Promise Bespren kahit anong mangyari di tayo masisira. Tsaka sigurado magugustuhan ka ni Nanay. Tsaka si tatay sobrang bait nun siguradong magugustuhan mo siya.
Kahit paano narelive ako sa assurance niya.
Tumingin lang ako sa kanya.
"Magiging ok ang lahat. Promise. Mas ok nang wala tayong tinatanago." then he kissed me gently. That kiss sealed all my doubts. This what I love about him. He'll fight for me. And I know Im safe.
Gaya nang napagkasunduan nakapag bus kami papunta sa kanila.
Dun kami sa likod nakaupo. Two seaters lang naman kaya ok na din.
Aircon yung bus so feeling magiging comfortable ang byahe. Dun ako naupo sa may bintana para maenjoy ko ang scenery.
"Kung gusto mo matulog bespren sandal ka sa balikat ko. Magiging komportable pagtulog mo." si Jiro
"Talaga lang ha. But Im ok. Gusto ko makita ang mga dadaanan naten." sagot ko naman. At ngitian ko siya.
"Yan ang pinakagusto ko sa lahat. Ang smiiile mong napakaganda." sabay hawak niya sa pisngi at nakahalik nanaman siya ng isa.
"Oi oi. Baka may makakita saten oh. Nakakadami ka na."
"Pakiaalam ko sa mga yan. Mamatay sila sa inggit. Di ba?" then he stared at me! God! That stare, nakakapanghina talaga.
"Siya bahala ka!" ayun nalang nasabi ko.
Hinawakan niya nalang kamay ko habang nasa byahe kame. At ako inienjoy ko lang ang ganda ng paligid. Hay! I feel so relaxed.
"Bespren basketball ka ba?" si Jiro.
Ha?? San galing yun??
Ah banat ng pik up line ha.
"O baket?" ako.
"Kasi kahit maagaw ka ng iba aagawin ulet kita."
Takte! Kinikilig ba ko? Pero gusto ko sumigaw! Kainis naman tong Jiro na to.
"Pa iskor ka naman!" langya may kaduktong palang kahalayan yung pik up line na yun.
Alam ko namumula nanaman ako.
Gantong topic nanaman eh.
"Iskor ka jan!"
Ayun tumingin ulet ako sa labas.
Pervert!!
"Baket ok lang yun ah. Magboyfriend naman tayo di ba?" he's teasing me. Binulong niya saken at talaga naman nangilabot ang buong pagkatao ko. Nakiliti ako na ewan.
Habang tumatagal lagi niyang naoopen tong topic na to. Usapang iskoran nanaman ih. Lalong nalala pagkahamit nito ai.
"Huwag nga naten pag usapan yan dito."
"Sus! Bakit naman. Wala naman makakarinig satin ah. Tsaka wag mo na iwasan yung topic na yun kasi dun din ang punta naten." tapos parang hinalikan pa niya leeg ko.
Anak ng timawa to oh!
Wala talaga ko maisagot. Di ko alam sasabihin ko eh.
"Inaantok ako. Tulog nalang muna ko." pag iba ko nalang muna ng usapan.
"Bespren naman. Wag mo ko tulugan. Ganda pa view sa labas oh." pigil pa niya.
"Pagod kasi ako eh. Yaan mo muna ko matulog." Insist ko naman.
"Saan ka naman napagod?" tanong pa niya.
"Sa kakaisip sayo." tapos tiningnan ko siya sa mata.
Natameme naman siya. Tapos ngumiti ng malaki. Para siyang nahiyang ewan.
"Kaw talaga bespren!" nagnakaw ulet siya ng halik saken. "Sige tulog na." tapos na sumandal nalang siya sa upuan niya at pumikit. Hahaha! Yung ngiti niya andun parin. Ganto ba to kiligin? Hahahahaha!
Sige tulog nalang muna nga. Hihi!
Para akong sira. Pagkita ko ng reflection ko sa glass window ang laki din ng ngiti ko. Hihihi.
A/N: Abangan ang adventure ng magbespren/magjowang Keno at Jiro. More sweet moments at malapit na ring matupad ang wish ni Jiro. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Si Bespren Na Laging Galit (m2m)
AléatoireAnti social siya! EMO! Ayaw ng kasama! Muka na wala man lamang reaksiyon. Marami kaaway at takaw trouble! Pero ewan ko ba! Lagi ko parin siya kasama! Si bespren talaga oh.. ^_^ Pasalamat siya andito ako.