SBNLG 2.5

1.9K 43 1
                                    


A/N: hi hi hi!!

Thanks po sa mga votes
Open dn po for comments sa may gusto.

Thanks ng madami. Sobra ko naapreciate na may nagkagusto din ginawa ko. Drama mode lang??

But seriously, thank you. Keep the votes coming para madami pa makabasa.

Eto na pasa ko na kay Jiro!!

Jiro's PoV

Gaya nang napag usapan kahapon bonding moment kasama barkada. Katuwa kasi sa wakas lumawak na mundo namin lalo na si Keno.

"So guys mall ba muna tayo?" si Sammy

"Anu naman gagawain natin dun?" si Arnold.

"Pede tayo manood ng movie." sagot ni Sandy.

"Wow movie! Sige pede! madilim dun. hahaha!" masiglang sagot ni Arnold sabay tingin kay Sandy. Sabay siko naman ni Sandy.

"Sa bahay gusto niyo? Barbecue tayo?" aba si Keno nagaya sa kanila. Improving.

"Ok lang ba sa inyo?" si Arnold

"Oo naman." si Keno

"Wow! Nice Papa Keno. Bet ko din malaman baka may kuya ka pa. Haha!" Si Sammy excited.

"Only child ako. Tara lakad nalang tayo malapit lang bahay namin dito."

Ayun sunod lang kami kay Keno hanggang makarating kami sa kanila.

Ayun manghang mangha din sila. Yung pagkanganga nila parehas ng sakin dati. Wahahaha! Mga buraot din ay. Hahahahaha!

"Keno di ba muna tayo mamimili?" si Sammy na nakanganga.

"Di na. Magdadala na dito si Amy." sagot ni Keno. Nung kasing dating namin nakaprepare na yung ihawan na walang uling. Hay panu kaya yun? Sabi ni Keno de-koryente daw. Di na ko komontra mahirap na magmuka pang tanga. Basta di ako gagamit nun.

Nung dumating si Amy siya na din naglagay nung karne dun sa ihawan. Tapos inaya kami ni Keno dun sa kubo nila. Dun sa mismong kubo kung san ko nakita eksena nila ni Zaki.

Pagdating namin dun may mga san mig light na nasa bucket na madaming yelo. Astig para kaming nasa bar.

"Grabe Papa Keno hindi ko kinakaya to. Talagang prepared ka na?" si Sandy

"Di ah. Pinahanda ko lang yan kanina. Tambay lang muna tayo dito habang iniintay yung barbecue." tapos naupo na siya dun at syempre katabi ako. Si Pareng Arnold tungga agad ng beer.

"Oi Pareng Arnold sabik sa alak lang?" tanong ko.

"Hindi naman. Sinasamantala lang habang libre. Hahaha! Keno tenk you ha. Astig ka talaga." Sugapa din pala tong si Arnold ah.

"Anytime bro" tapos nakipag cheers si Keno.

Maya maya may naghatid na samin nung barbecue at may kasama pang gulay.

"Hi guys can I join?" ok na sana ang lahat hanggang marinig ko ang nakakainis na boses na yun.

"Oh my God! Papa Zaki!" chorus pa si Sammy at Sandy.

"Hi girls!" at may pagngiti pa si gago at kilig naman yung dalawa.

"Keno thanks for inviting me over, eto pala nagdala ako cake at chips" sabay lapag nung dala niya sa mesa.

At tumango lang si Keno sabay inum nung beer niya.

"Anong ginagawa mo dito?" matigas kong tanong.

"You did'nt hear it? Ininvite niya ko." sarkastiko niyang sagot.

"Keno?" at tumingin nga ko kay Keno. Nakakasama lang kasi ng loob.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon