Bzzz bzzz bzzz bzzz!1st day of school. Lahat masaya, may mga bagong friends, bagong kakilala at future kaaway. Lahat excited lang. Maliban kay Keno. Di naman siya emo pero may pagka anti social lang talaga siguro. Pero ewan ko din naman, narrator lang naman ako. Hahaha! Tungkol sa kanya istorya na to na ofcourse e obvious naman. Hehe! Pero may kakaiba kay Keno, bukod sa di siya marunong ngumiti at lagi nakasimangot na kahit ubod ng suplado e ubod naman ng guwapo na napakatalino pa. Kung ano yung kakaiba? Malalaman din natin yan. Marami pede makamisinterpret sa kanya lalo na pag di siya kilala. Ang problema dahil wala naman siyang friends,e wala talagang makakakakilala sa kanya. hahaha!
:::: Si Keno:::
Ang ingay naman oh! Puro kwentuhan mga wala naman kwenta pinag uusapan. Teka san ba yung 1st subject ko. Uhmm.. Room 13. Teka room 10 na to last na dito, malamang sa taas na yun. 11.. 12.. Ayan na!! Ako palang ang tao? Sabagay npaka aga pa naman. Ewan ko sa trip ko ngayon. Di nmn ako excited pero gusto ko lang mag aga. Ayun pupwesto na ko sa pinaka dulo. Ayos dito! Tahimik! Makatulog.
....I
.....
.....
......
...........
"Ui dre aga mo ah!"
...
....
.....
"Hello?"Tsk natutulog ako e. Istorbo!!!
"Bakit?" tingnan ko nga to ng masama! Loko ih!
"Ui dre aga pa para matulog! Jiro nga pla" -siya
sabay abot ng kamay niya. May shake hands pa? Tsk!"Keno pare!" Inabot ko din naman kamay niya. Tapos subsob ulet sa armchair. Bahala siya mag hanap siya ng trip niya. Zzzzzzz..
"Oi pareng Keno puyat ka ba? Kung antok ka pa pala sana di ka pumasok ng maaga! Haha!" -sya
Naramdaman ko pag upo niya sa tabi ko. At talaga sigurong trip niya mang istorbo. Kelangan din ba talagang pakelman trip ko? Ungas pala tong tukmol na to eh. Suntukin ko kaya nguso nito ng matahimik.
"Oi Keno. Wag mo na ko tulugan. Tayo na nga lang dalawa dito eh."
Di talaga siya natigil? Tsaka close ba kami? Kainaman tong ungas na to ah. Di ba niya mapansin na ayaw ko ng may kausap? Buset ah.
"Oi dre! Magmumuta ka lang dyan! Sama ka sakin sa labas yosi nalang tayo."
Makulet talaga lahi nito. Sunog baga pa. Idamay pa ko sa pagyoyosi. Kaya ayoko ng barkada eh! Bangon nga ko.
"Yun oh! Wag antukin dre kasi manlalambot ka niyan. Ano sama ka saken yosi tayo maaga pa naman oh!" -jiro
"Di ako nagyoyosi pare!" -ako
"E di samahan mo lang ako." -jiro
"E magyoyosi ka lang pala e di sana nagyosi ka nalang bago ka magpunta dito." -ako. Medyo kapikon ang kulet niya ih.
"Hahaha! Oo nga no? Siya tambay nalang tayo sa labas. May 45 mins pa before mag start ang klase oh." -Jiro
Ukingnang kulet! "Pare tambay ka nalang kung san mo gusto, ok? Ok na ko dito." Bakit ko ba kinakausap to? Lalo di to titigil.
"Talagang loner ka nu dre? Nakakapraning yan pag lagi ka mag isa." -Jiro.
Loko to! Ngising aso pa. Siguro bakla to at natitripan ako. Teka nga,
"Pare bading ka ba?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Si Bespren Na Laging Galit (m2m)
RandomAnti social siya! EMO! Ayaw ng kasama! Muka na wala man lamang reaksiyon. Marami kaaway at takaw trouble! Pero ewan ko ba! Lagi ko parin siya kasama! Si bespren talaga oh.. ^_^ Pasalamat siya andito ako.