Jiro's Confession

2.9K 61 2
                                    

Jiro's POV

Merong anghel na nagpapanggap na tao sa harap ko.

Waaah! Bakit ako nagkakaganto? Dahil lang siguro sa epekto ng alak to. Heart beat ko ang bilis. Parang aatakihin ako sa puso.

Parang may kung anung sumapi saken na parang mas gusto ko pa siyang tingnan ng sobrang lapit. Lapit at lapit pa. Sarap niya lang titigan.

Ewan ko kung bakit pero nagkusa na muka ko lumapit sa kanya. Di ko pinilit pero parang magnet na nahigop papunta sa kanya. Siguro dahil na din sa epekto ng alak at di ko na namalayan na meron na palang malambot na bagay na nakalapat sa labi ko. Basta nalang nangyari nakalapat na labi ko sa kanya. At yun na ata ang pinakalambot na labing natikman ko. At ang kabog ng dibdib ko sobrang bilis. Masaya ako pero hindi dapat. Di naman siya nagalaw pero sandali lang parang bumalik din ako sa katinuan at tumigil sa ginagawa ko. Kaba at excitement. Ewan ko di ko to mapaliwanag.

"Shit! Jiro! Jiro! Umayos ka! hindi dapat! at wag sa kapwa mo lalaki!" sabi ko sa sarili ko at tumalikod na ko sa kanya. Di ko alam kung gusto ko ang nangyari pero isa ang sigurado ko. Sa ngayon, takot na takot ako.

Lumipas lang ang magdamag. Sa kama na pala ni Keno ako nkatulog. Ang saya pag mulat ko ng mata siya agad nakita ko. Tulog na tulog pa oh. At nakayapos pa siya saken kaya pala parang ang bigat.

Bading na kaya ako? Di naman ako ganito dati eh. Hays! Heto ngayon nakatitig ako sa kawalan. At bigla ko naalala yung kagabi. Shit! Parang nahiya naman ako bigla. Ngayon ko din narealized na sobrang mali pala nung ginawa ko. kainis! Ganun ba talaga ko pag lasing?? Buti nalang at tulog na tulog si Keno kasi baka mapatay ako neto.

Maya maya gumalaw na din siya. Gising na.

Teka ang awkward. Bumangon ako para di siya mailang.

"Good morning bespren! Tulog mantika ah." bati ko habang sobra ang ngiti. Hihi! Ewan ko ba! Kahit bothered ako ang saya parin ng umaga.

Tumingin lang siya saken. Poker face nanaman. Unggoy na to! Agang aga badtrip ata.

"O anong tinitingin mo?" tanong niya.

Waaah! Taray naman ih.

"Bespren aga aga badtrip?" ako

"Tsk!" sagot lang niya tapos nagtalakbong ng kumot.

Anu kayang problema nito? Haha! Baka masakit ang ulo.

Labas muna ko. Pagbaba ko si amy agad ang nakita ko. Tas bigla siya namula. Haha! Ang cute naman nito.

"Amy nasan medicine cabinet nio?" tanong ko.

"Ah. Sa.. Andun. Bakit po sir? Anong gamot kelangan nio? A-ako na kukuha." bkit kaya ganto si Amy natetense?

"Samahan mo nalang ako." lapit ako sa kanya tas mas lalo siya nailang. Tiningnan niya ko mula muka pababa tapos lalo siya nagblush! Takte nakaboxers lang pala ako. Nabighani ata sa aking mala adonis na katawan. Hihi!

"ai sorry amy. Di na pala ko nakapagbihis. Turo mo nalang medicine cabinet para ako nalang kukuha."

Maya maya si Keno na lumabas.

"Amy!! Ikuha mo ko paracetamol!" pasigaw nanaman siya.

"O-opo si-si.." Di na natapos ni amy sasabihin lalo natense ata.

Paglingon ko kay Keno nakaboxers lang din pala. Haha! Parang di na kakayanin ni Amy mga nakikita niya ah.

"Opo!!!" sigaw si amy tapos nagtatakbo papunta sa kusina.

Haha! Di na nga niya kinaya!

"Oi Keno di ka man lang magbihis! Nataranta tuloy si Amy!" biro ko kay Keno.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon