XI. Sweet Moments 3: Date Date Kuno.2

2.7K 64 4
                                    

Jiro on the right ------>

Jiro's PoV

Heto nakayakap lang ako sa kanya. Ang sarap niya lang yakapin ^__^

Di siya napalag kaya siyempre di ako titigil! Minsan lang to.

Haays! Sarap talaga sa pakiramdam kapag yakap mo ang mahal mo sa isang magandang lugar.

Nung una kong punta dito sabi ko isasama ko dito ang taong mamahalin ko habang inienjoy namin ang magandang view. Simple lang di ba? Mababaw lang namang akong tao eh.

Pero sana pagkatapos nito ganun parin kami.

Sabi ko dati tatahimik lang ako pero may pagkakataon talagang di ko mapipigilan ang damdamin ko.

Ang bango bango niya. Hehe!

Gusto ko pa sana siya ikiss kaya lang baka mayari na ko. Hehe!

Sana nababasa ko isip niya.

Sana nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko.

Pero ayos lang kahit hindi.

Mamahalin ko lang siya. Di ko na rin hihingiin na ibalik niya lahat. SA NGAYON! wahahahaha!

Mejo matagal na rin akong nakayakap sa kanya.

I know nagtataka na to kaya bumitaw na rin ako.

"Sorry ha! Tsaka salamat!" sabi ko sa kanya tska ako kumalas sa yakap ko sa kanya.

Tumayo ako at pinagmasdan lang siya.

Inaabangan ko kung may sasabihin siya. Kung galit siya?

Pero

Di siya nagalaw dun.

hays!

Yae na nga.

"Tara na Keno! Wala pa tayo sa kalhati! Tuloy na naten paglibot sa lake!" aya ko sa kanya.

Di parin siya gumagalaw. Yari ako nagalit ata? Nashock ata sa ginawa ko.

"Keno?" sabay tapik ko sa balikat niya. Para naman siya nagulat at tumingin saken.

"Tara?" sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Hinawakan niya naman kamay ko kaya hindi ko na binitawan hanggang makababa kami.

Wahahaha! Nakakadaming points na ko! Hehe!

Sumakay na ulet kami ng bike.

Akala ko sa balikat ko ulet siya kakapit pero yumakap siya sa bewang ko. ^__^

yahooo! Thenk you lord! Im in heaven!!

Para akong lumulutang sa hangin habang pinapaandar yung bike.

Ayos di ba? Para na rin kaming magsyota.

hahahaha!! Sana wala ng katapusan to.

Natapos naming malibot ang lake nang walang nagsasalita.

Pero ramdam ko naman na nag eenjoy siya.

Naglalakad na kami pero di na holding hands. Baka naman kasi magalit na to saken. hehe!!

"Tara kain tayo dun" aya ko sa kanya dun sa ihawan. Sumama naman siya.

Pagdating namin dun tinuro ko na mga ipapaluto namin, isaw, bituka ng baboy, atay at hotdog. Dinamihan ko kasi dalwa kaming kakaen.

"Kuya ito na po ba lahat?" tanong pa nung babaeng nagbabantay. Bata pa siya siguro mga 20 tapos naka spageti stripes siya at maiksing shorts. At amputi ng legs niya ha. haha! Yung dibdib niya mejo malaki. Napapatingin ako tuloy dun sa cleavage niya.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon