A/N: Hello!!! Thanks sa votes.
Tuloy tuloy lang po.Eto pa. Enjoy!!
Keno's PoV
After ng mahabang tulog at mahabang byahe nakarating din kame. Akalain mong may katapusan din pala yung byahen yun.
"Tara dito Keno sasakay tayo ng jeep." hila pa ko ni Jiro. Haha! Pinagtitinginan pa kame ng mga tao dito.
Mejo nagulat pa naman ako nung pasakay na kame sa jeep. Grabe punong puno ah. Ano to kakalong nalang kami?
Tag isa pa daw sa kaliwa't kanan? Seryoso??? Pucha saang banda?!
"Makakasakay ba tayo jan?" tanong ko.
"Oo naman bespren. Ganto talaga dito mas matatagalan tayo kung sa susunod pa tayo sasakay. Tara." hinawakan pa kamay ko paakyat.
Lahat ng nakasakay sa jeep kelangan nakatingin samin?
Nakaupo naman kami at magkatapatan lang. Takte ito na ba yung kasya? Dulo nalang ng puwet ko nakaupo eh. Nayugyog pa yung jeep dahil nung naandar na. Lagi ako muntik ng mahulog.
Si Jiro naman nangiti tuwing tinitingnan ko kaya yae na nga lang.
"Ok ka lang?" aba at nagtanong pa. Muka ba kong ok?
Tumango nalang ako at ngumiti. Hays!
Halos 30mins din yung byahe. Pagkatapos ng napakaraming kalog sa loob ng jeep nakarating din kami. Pakiramdam ko nagkabalibaliktad na ang internal organs ko. At nakakahilo ah.
"Akin na yang dala mo. Mahaba pa lalakarin naten." sabay kuha ni Jiro sa backpack ko.
"Wag na kaya ko to." tanggi ko naman.
"Wag nang makulit. Ako sanay na dito maglakad. Ikaw alam kong pagod na sa byahe. Akina." at yun wala din ako nagawa. Katuwa din naman.
"At ayaw mo pa ko mapagod ha." ako.
"Oo naman ayoko mapagod ka. Gusto ko ako ang papagod sayo" at sabay pilyong ngiti niya.
Ayoko nang mga ganung ngiti. Kakilabot! Hahaha!
"Lul!" sagot ko lang.
At tinahak na nga namin ang mabato na mejo madamong daan.
"Jiro. San ba kayo nakatira? Sa kagubatan o kabundukan?" grabe parang kanina pa kame naglalakad ah.
"Pede both? Hahahahaha! Relax lang. Malapit na tayo. Gusto mo buhatin na din kita?" sabay akbay niya saken at may pagbulong pa sa tenga ko.
"No thanks!" sabay layo ko. Aba kagubatan to baka kung anong gawin saken nito. Hahaha! Pagod na ko, di na ko makakalaban pag nagkataon. Hehe!
Tapos may mga palayan kaming nadaanan.
"Ano Jiro malapit na ba?? Gabi na oh." im getting upset and impatient.
"Ayun na bahay namin oh." sabay turo niya dun sa bahay na parang kubo pero may halong semento. Hirap iexplain. May part na kawayan tpos may pader din. Pero yero naman ang bubong at may part na pawid. Ang gulo. Pati ako naguguluhan eh.
"Nay! Sigaw ni Jiro nung nasa tapat na kami ng bahay." at yun may lumabas na babaeng medyo may edad na. Pero kahit ganun kita mong maganda siya nung kabataan niya. Ang laki ng pagkakahawig niya kay Jiro.
"Anak! Naku buti naman at nakadating na kayo. Akala ko gagabihin pa kayo masyado eh." sabay halik din naman ni Jiro sa nanay niya. Medyo naiinggit naman ako. Hays! Tapos napagawi siya ng tingin saken.
"Siya ba si Keno anak?"
"Opo nay!" parang proud na pagkaka opo ah? Hahaha!
"Ay kagwapong bata naman nito." puri niya saken. Talaga naman guwapo ako. Wahahaha!
BINABASA MO ANG
Si Bespren Na Laging Galit (m2m)
De TodoAnti social siya! EMO! Ayaw ng kasama! Muka na wala man lamang reaksiyon. Marami kaaway at takaw trouble! Pero ewan ko ba! Lagi ko parin siya kasama! Si bespren talaga oh.. ^_^ Pasalamat siya andito ako.