SBNLG 2.4

1.7K 39 1
                                    

A/N: Here's Zaki for you.

Votes and Comments Pag may time.

Thanks

Zaki's PoV

Hay kapagod! Mula nung pinilit ko maging independent lagi nang pata ang katawan ko. School at work parang nakakamatay. Pero hindi naman ako susuko.

"Zaki tomorrow kaya mo ba mag 6 hours? Di makakapasok si Raffy eh."

Si Sir Dan, siya ang supervisor ko. Buti nalang mabait siya saken. Hays! Anong oras nanaman ako tutulog nito bukas.

"Oo naman sir!" sabi ko habang nagpeprepare pauwi.

Mula pala nung umalis ako sa bahay kung anu ano na part time job kinuha ko. Ngayon isa naman akong service crew. Sobrang challenge talaga. Pero ok lang para kay Keno to. At least kailangan ko maprove na kaya ko to. I know in time magkakaron din ng magandang resulta tong ginagawa ko.

After nang maraming daydream habang naglalakad nakadating din ako sa boarding house. Mejo late na nga lang.

Makaligo muna. Hay! Sa lahat ng pag aadjust na ginawa ko etong banyo talaga ang mejo chalenging. Haha!

Ang liit ng banyo ng boarding house tapos andun na rin yung inidoro at ang matindi madami nagamit. Namimis ko tuloy yung room ko sa bahay. May sarili ako banyo dun eh.

Pinagmasdan ko muna sarili ko sarili ko sa salamin habang nakahubad. Buti nalang di ako masyado namamayat or tumataba kahit di na ko nakakapag gym. Astig parin ng katawan ko. Hehe!

Nung matapos ako plakta akong nahiga sa kama kong maliit. Feeling ko konteng ikot mahuhulog ako eh. Bukod pa sa taong tulog sa taas ng double deck na to na napakalikot ano pang mas sasama?

Buti nalang andito tong picture namin ni Keno. Dinikit ko siya sa taas para kita ko bago matulog at paggising ko. Ang loser ko di ba? Kahit sa picture feeling ko kasama ko siya.

Kakatuwa tong picture na to. Kinuha to nung summer after ng graduation namin nung grade six.

Ganda nang ngiti ni Keno. Kaya lang sobrang bata pa niya dito. Ibang iba na sa ngayon.

Zaki's Flash Back Moment

"Keno bilis dun tayo sa tabing dagat!" syempre sobrang excited ako. Ngayon lang namin ni Keno nagawang magbeach ng kami lang eh. Haha!

"Oo susunod na!" inaayos pa niya bag niya dun sa room na narent namin.

"Ano kaba mamaya na yan. Gala muna tayo." i was so unaware nahila ko nalang kamay niya palabas ng kwarto.

Di naman siya nagreklamo kaya tuloy na palabas. Sakto kasi hapon na kami nakadating. Sakto ang sunset.

Duon kami naupo sa tabing dagat ng magkatabi. Grabe ang ganda ng view.

"Congrats Keno graduate ka na! Maghahayskul na tayo!" sabi ko.

"Oo nga no. Ikaw din. Akalain mong nakagraduate ka? Hahahaha!" biro pa niya.

"Grabe ka naman Keno syempre matalino to nu." yabang ko naman.

"Hoy Zaki yabang mo! Kung di sa pagpapatulad ko. Luko ka pati nga assignment mo ginagawa ko minsan!" kontra naman niya. Palibhasa matalino.

"E di ikaw na matalino. Kaya nga labs na labs kita eh!" sagot ko naman. Shoot! Bakit ko ba nasabi. Kinabahan tuloy ako.

"Labs ka jan! Lul!" sagot naman niya tapos tumingin siya sa malawak na dagat na parang nag iisip ng malalim.

"O bakit napatulala ka jan?"  Usisa ko naman.

"Wala lang. Naisip ko lang mag hahayskul na nga tayo. Di malayong sa ibang school tayo makapasok." kita ko malungkot ang mata niya.

Ganda talaga ng mata nito. Tapos ang seryoso ng muka.

"Bakit san kaba mag hahayskul?" tanong ko.

"Sa ****ville. Dun naghighschool si Daddy dati. Ikaw?"

"Bakit dun? Ang hirap makapasa dun ah? Ako di ko pa alam. Bahala na." sagot ko lang. Waaa! Ang dami dami papasukan nito dun pa sa imposibleng makapasa ako. Haay! Nganga.

Parang kakaiba lang tong araw na to kasi di kami nagkukulitan. Tsaka lately ang wirdo ng pakiramdam ko pagkasama ko siya. 3 taon na kaming magkaibigan pero di ko naman nararamdaman to dati.

Ang nangyari tumunganga lang kami hanggang matapos ang sunset.

Bangag na trip lang. Hahaha!

"Brad mag night swiming ba tayo?" tanong ni Keno.

"Kumain kaya muna tayo? Tagal nating nakaupo dito oh." sagot ko naman.

Sakto balik namin nadeliver yung food. Ang daming pagkaen.

"Dami nito brad" ako

"Dapat lang. Ang mahal kaya ng bayad dito. Hahaha! Chibog na tayo. Haha!"

After namin kumain naggala kami sa tabing dagat

"Brad sigurado ka na ba sa papasukan mong school? Di ko kaya dun di tayo magiging magclassmate." tanong ko

"Oo eh. Yun ang gusto ni Daddy." sagot niya.

"Kainis naman oh. Bakit dun pa."

Pero wala din ako nagawa.

Medyo malungkot kami nung gabing yun sa tagal ba naman kasi ng pinagsamahan namin parang matatapos na dun.

Pagkatapos namin maglaro ng konte bumalik na kami sa kwarto.

Iisa lang pala kama dun sa room kaya nagtabi na kami.

Kakaiba talaga sa pakiramdam nung gabing yun. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko na di ko maintindihan.

Nakatulog nalang kami at paggising ko nakayakap pala ako sa kanya. Buti nalang tulog. Pero kakaiba parin. Napagmasdan ko ang maamo niyang muka na lalo lang nagpabilis ng tibok ng dibdib ko.

Mabilis na lumipas ang bakasyon at nagstart na pasukan.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat si Keno nang makita ako.

"Surprise!!! I made it!" siya kong sagot

"Akala ko sa iba ka papasok?" tanong pa niya

"Nagpatutor ako buong bakasyon para makapasa ako dito. At eto brad! Nagawa ko! Wahahaha!"

"Astig ka brad! Section diamond ako. Ikaw san ka?" si Keno

"Hmm. Dun din! Hehe!" sagot ko na may pagyayabang. Star section kaya yun.

"Lupet mo!" pagkasabi nun bigla niya ko nayakap na kinagulat ko naman. Parang mahuhulog puso ko sa bilis ng tibok. Napatulala lang ako.

Kumalas naman siya bigla na parang nailang na ewan

"Tara hanapin naten room naten" aya niya. Tumango lang ako.

Ang saya ng pakiramdam ko nun dahil makakasama ko pa siya. Di parin ako napahiwalay sa bestfriend ko since grade school.

Back to present

Shit! Ano ba naman tong mga naaalala ko. Napansin ko nalang umiiyak na pala ko. Siguro dahil sa pangungulila na rin kay Keno.

Grabe ang sakit sa dibdib. Yung mga pinag samahan namin feeling ko kahapon lang nangyari at gumising nalang ako isang umaga. Lahat ng yon wala na.

Hay! Makatulog na nga. Sana mapanaginipan kita. Kahit sa panaginip lang gusto kita mayakap ngayong gabi.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon