VII. The Winner

2.4K 66 2
                                    

A/N: Eto po update agad! Kadugtong lang to nung previous chapter! Hehe!

Enjoy reading guys!

Feel free to message me guys! Lets be friends!!

Jiro's POV

Di ko alam magiging reaksyon ko sa pag akyat ni Keno sa stage para tulungan ako. Sobra ako natuwa at ginanahan lalo sa pagkanta ko.

Ang dami kinilig at natuwa sa ginawa ko. Feeling ko ang smooth ding natapos nung kanta.

At yung last part pinaltan ko talaga. That was my personal message to Keno. Gusto ko makarating sa kanya pero natatakot din naman ako.

And I promise to love him for the rest of my life..

Parang nagpeplay pa yung kanta sa isip ko. Oo tama! Andito nalang din naman kaya tototohanin ko yun. But that would just be silent.

Wala rin ako lakas ng loob na sabihin sa kanya nararamdaman ko. For sure busted agad ako at baka di pa niya ko kausapin ulet.

I love you Keno. Ipaparamdam ko pero di mo na malalaman yun.

Natapos na yung number. Di inexpect ng mga tao pag akyat ni Keno sa stage kaya parang lalo naging exciting ang number. Makakita ka ba naman ng ganun kagwapong umakyat sa stage at nag piano eh malamang tuliro ka din. Hehe!

I feel so relaxed nung natapos na.

Nagbro fist kami ni Keno tapos bumaba na siya.

Ngumiti siya at ayun din naman ang tugon ko. Haha! I just realized panay panay ang ngiti niya kanina ah. Ano kaya nakain nun? Kaya halos himatayin ako sa ngiti niya ai. Haha!

Last part ang Q&A

"So how do you want us to call you?" sabi ng emcee

"Jiro nalang po!" ako with a smile.

"Ang guwapo ni Mr B.A. No??" segway pa si Mr Emcee.

"Ok your question; considering how society opposes same sex marriage in the Philippines what can you say about Same sex relationship?" si Emcee!

Shet! Magdudugo nanaman ilong ko. Bakit english ang tanong??

"Pede po ba tagalog ang sagot?" ako. Di ko talaga kaya sagutin ng english yun. Mejo nagtawanan pa mga tao. Nakakahiya tuloy.

"Oo naman Jiro! Pede basta ikaw!" si Mr Emcee.

"Salamat po. Uhm para saken kung sino man ang mapili ng puso nating ibigin wala pong sinuman ang pedeng humusga sa ating nararamdam. Wala pong masama sa pagmamahal sa same sex man po o sa opposite sex! Meron may mga matang mapanghusga pero kung meron man silang isang libong dahilan para husgahan ang isang taong nagmahal sa kaperahas na kasarian ay meron akong isa lamang dahilan na dapat iconsider nating lahat. Lahat po tayo ay tao lamang kung Diyos po hinayaang magkaron ng katulad nila sino po tayo para pigilan yon. Tao lang din po tayo."

Halos mabingi ako sa palakpakan ng mga tao. May mga naghihiyawan pa. Kahit si Mr Emcee napangiti sa sagot ko. Teka san ko ba nakuha yung sagot na yun?? How I wish kaya ko ngang gawin yun pero sa totoo lang ako unang tinamaan ng sagot na yun. Kasi ako mismo hinusgahan ko na ang sarili ko. Kaya nga hindi ko masabi nararamdaman ko kay Keno eh.

Tumingin ako kay Keno, pumapalakpak siyang nakatingin din saken. Ngumiti siya pero parang may kung anong kirot sa puso ko. Kasi sa mapanghusgang mundo hanggang dito nalang ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Very well said Jiro! Ladies and gentlemen Business Administration's representative Jay Russel Salazar!" si Mr Emcee.

Nag exit na ko at hanggang pag alis ko nagpapalakpakan parin ang mga tao.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon