MTPJ Chapter 8: SHOPPING

797 35 4
                                    


Eilyxa's POV

"Nash?"
Ulit niya sa sagot ko.

"Ba't napaka-pakialamero mo?"

Kung anu-ano nalang ang pinapakialaman.

"F**k! Why did I wear this sh*t!?"

"Sinabi ko bang suotin mo? Ha?"

"Ba't kasi nandito ang shorts ng ex mo? Baka mahawaan ako ng malubhang sakit."

"Iniwan niya 'yan dito nang nag overnight kami with our college friends. Nakalimutan niyang kunin dito. At wala siyang sakit! Healthy siya, healthy."

Naningkit ang mga mata niya dahil sa sagot ko.

"You had some play?"

"Play? Naglaro kami ng UNO, Among us, at iba. Bakit napunta sa laro ang usapan?"

"I mean other play. Like on the bed."

Pinaglakihan ko siya ng mata. Ang dumi ng utak niya.

"Walang hiya! Walang nangyaring ganun, okay! Wala! Iniwan niya lang dito ang ibang damit niya kaya nandito 'yan. And for your information, hindi ko 'yan hinawakan! Siya ang naglagay sa cabinet ko!"

"Why are so defensive? I'm just asking!"

"Ang dumi kasi ng utak mo,kung anu-ano ang iniisip!"

"Sorry naman! Utak ko 'to eh!"

Inirapan ko lang siya. Walang patutunguhan ang usapan namin.

"Iyo na yan, wala namang gagamit eh. At kunin mo na rin 'yung iniwan niyang damit at pantalon para hindi ko na maitapon at may masuot ka ngayon."

Buti na lang at may damit dito si Nash. Dahil kung wala, hindi ko na alam paano 'to makakauwi na may saplot.

"Anong tingin mo saakin? Lalaking hindi maka-afford ng damit? F**king no! I'm rich and I can buy millions of clothes!"

"Eh ayan pala! Go at bumili ka ng sa'yo! Ang taas naman ng pride mo, simpleng damit lang at magyayabang kana kung gaano ka kayaman. Labas na!"

"I'm not lunatic, Eilyxa. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko. Go outside without any garments? Kung sino man ang makakalabas sa atin ay ikaw 'yun. Go and buy me clothes to wear."

Napatawa ako ng mala-demunyo. Ako pa ang palalabasin samantalang ako ang may ari ng unit na 'to.

"Abah! Sumubra ang pagiging bossy mo. Anong akala mo saakin? Yaya? Utusan? Sabi na ngang suotin mo nalang 'yung kay Nash."

"You're my girlfriend, remember? Huwag mong itanggi dahil sinabi mo pa kanina. At never kong susuotin ang mga 'yun."

"Kakahiwalay lang natin diba? Huwag mo rin itanggi dahil narinig mo 'yun kay tawagan mo ang MGA NOBYO MO para bilhan ka ng isang store na lahat damit."

"Hindi ako pumayag na makipaghiwalay ka saakin. I didn't give my yes response kaya walang break up na nangyari."

"Kahit hindi ka pumayag, hindi mo na ako girlfriend kaya huwag mo akong utusan."

"Kung hindi kita mautusan bilang nobyo ko, edi as my secretary. I'll deduct 50% on your salary if you'll disobey me."

Ito naman ang blackmail. Alam na alam niya talaga paano ako patahimikin.

"Oh, ba't 'di ka makasagot? Gusto mong bawasan ko ang suweldo mo?"

Kinuha niya ang cellphone niya sa ibabaw ng table at may tinipa.

"You really want it? If I click this okay button, 50% of your salary will be deducted."

Ba't kasi siya ang boss ko? Pwede naman n ang kapatid niya nalang, kung meron man, ang ipalit sa papa nila na dating CEO. Ba't napili pang ipapalit ang demunyong 'to?

"Oo na. Bibili na po Sir. Maghintay lang po kayo. Tsk."

Nagmartsa ako papuntang kuwarto at ni-lock ang pinto. Baka may balak pumasok ang demunyong iyon.

I hurriedly wore my clothes. Simple lang ang pinili ko. White t-shirt, denim jeans, black rubber shoes. Wala nang make-up dahil maganda na naman ako.

Pagkalabas ko ay dere-deretso akong tumungo sa pintuan palabas ng unit ko. Ayaw kong tingnan ang demunyong iyon dahil wala pa siyang damit pang-itaas.

"Buy me a meal! I'm hungry!"

Pahabol niya. Naging utusan na nga ako.

Pumara ako ng taxi para mabilis ang biyahe. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay nakarating na ako sa mall. Deretso akong pumunta sa department store para bumili ng mga damit.

"Miss, can I have this one?"
Tanong ko sa babae sabay turo sa isang blue polo.

"Sure po ma'am. What else po?"

"Also that trousers. That's all."

Siya na ang nagdala ng dalawang binili ko sa counter. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako para bumili ng pagkain sa Jollibee.

Papasok na sana ako sa loob pero nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko muna ito.

"Buy me toothbrush and perfume."

Nanginig ang kamay ko dahil sa inis. Inaabuso na niya ang kabaitan ko.

Pumasok ako sa store malapit sa Jollibee. Bibili muna ako ng perfume at toothbrush bago bumili ng pagkain.

Nag-ikot ikot muna ako dahil lahat mamahalin ang paninda rito. 500mL lang ay abot one thousand pesos, juskoo. Wala pa naman siyang binigay na pera. Sariling pera ko ang ginagamit ko.

"Here's your card po ma'am."
Sabi ng cashier at binigay saakin ang card.

Nilagay ko ang binili kong perfume at toothbrush sa paper bag kung saan nakalagay ang binili kong damit at trousers at biglang nag vibrate ulit ang cellphone ko.

"Also buy me an underwear."

Muntik na akong matumba dahil sa text niya.

Underwear na naman!? Talagang ginagalit ako ng lalaking 'to eh. Kainis!

---CHAPTER 8 ended---

✔️Make The Playboy JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon